Dahil lumaki with two brothers, Rose Van Ginkel, inakalang lalaki din siya noon

“Nagkaroon ako ng time before na umiihi ako parang lalaki. Kinausap lang ako ng nanay at tatay ko na, ‘Babae ka. Hindi ka dapat umiihi nang ganyan,’” pagre-reveal ni Rose Van Ginkel sa kanyang childhood thoughts.

Photos: Viva Films

“Nagkaroon ako ng time before na umiihi ako parang lalaki. Kinausap lang ako ng nanay at tatay ko na, ‘Babae ka. Hindi ka dapat umiihi nang ganyan,’” pagre-reveal ni Rose Van Ginkel sa kanyang childhood thoughts.

Lesbian couple ang ginagampanan nina Maui Taylor at Rose Van Ginkel sa pelikulang 69+1 ni  Darryl Yap.

Papasok sa buhay nila si Janno Gibbs—as the plus one—bilang “pangamot” sa tinatawag na seven-year itch o ’yong pinaniniwalaang pananamlay ng relasyon once it reaches its seventh year. Bago pa man dumating ’yon, the lesbian couple wants to prevent it by entering a poly amorous relationship or open relationship. Sa new gen, throuple ang tawag nila. 

Taboo concept pa rin ito sa maraming Pinoy bagama’t hindi naman ito unang beses natalakay sa pelikula. Halos poly amory na rin ang tema ng Dingding Lang ang Pagitan ni Maria Isabel Lopez noong 1986; at more than three people pa nga ang involved sa Tatlo…Magkasalo (1998) ng Reyna Films.

Darryl Yap is exploring it anew by introducing the open-relationship concept—’yong may consent ng all parties. But on the onset, ang physical aspect ng pagti-threesome ang habol ng lesbian couple. They wanted the male-induced big O. Pero mukang papasok ang twist ng istorya once mag-beyond the physical na ang labanan. 

In a true Darryl Yap fashion, matatatapang at magagaspang ang mga dialogues at eksena ng pelikula base sa ipinalabas na tatlong teasers—na ang pangalawa ay na-strike pa nga ng Facebook.

Ani Janno, such brazen dialogues and scene executions are consistent all throughout the while film “but in a comedic way.” 

Pero kahit pa raw comedy ay hindi niya pa rin ipapapanood sa mga anak niyang babae at maging sa asawa niyang si Bing Loyzaga dahil aminado siya may “awkward” feel on both sides—sa kanya at sa kanila—once pinapanood niya.

During the press conference, nasabi namin kina Maui at Rose na posibleng madagdagan ang lesbian fanbase nila dahil sa pelikula. Naalala kasi namin si Adrianna So ng Pearl Next Door Girls Love series, na offshoot ng Gameboys BL series, sa YouTube. Naging lesbian darling ito dahil sa relatable portrayal niya ng isang makabagong lesbian. 

Welcome naman daw sa dalawa ang lesbian fans. Pero sakali daw may mag-dare manligaw ay they will politely decline daw.

“I’d decline politely,” say ni Maui. “Kasi siguro ’yong generation namin, hindi ganu’n ka-open sa ganu’ng klaseng relationship. Siguro meron dati… meron naman talaga pero hindi pa siya ganu’n ka-open. 

“At the same time kasi pinalaki ako ng parents ko na ang alam ko is a boy and a girl [in relationship]. So, if ever man, I will politely decline. As to increasing ’yong [lesbian] fanbase…kumbaga, ganyan s’yempre I’ll always be thankful sa lahat ng kumbaga humahanga at hahanga pa sa amin.” 

Si Rose, na alam naming in a happy straight relationship sa ngayon, ay baka hindi rin naman daw umabot sa puntong makikipag-relasyon sa kapwa babae. Pero aminado siyang nagkaka-gusto umano siya sa babae. Tipong girl crush.

In fact, there was a phase in her life pala na inakala niyang lalaki siya. Paano ay lumaki siyang kasama ang dalawang kuya niya.

“Meron po akong part and time before na akala ko lalaki ako,” natatawang pagre-recall niya. “Kasi nakaka-appreciate ako ng babae, nagkaka-gusto ako sa babae. Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa akin pero may mga ganu’n po ako before. 

“Meron kasi [na period] ang kasama ko lang sa bahay ’yong dalawang kapatid kong lalaki. So, na-adapt ko sila. Nagkaroon ako ng time before na umiihi ako parang lalaki. Kinausap lang ako ng nanay at tatay ko na, ‘Babae ka. Hindi ka dapat umiihi nang ganyan.’

“Lumalabas ako ng bahay na walang damit pantaas… alam mo ’yon? Panlalaki talaga. Pero habang lumalaki naman ako, nakikilala ko naman ’yong sarili ko na.”

“Hanggang ngayon nagkaka-gusto pa rin ako sa babae,” dagdag niya. “Pero hindi to the point na dyodyowain ko or ka-relasyon na babae. Nagkaka-ganu’n [girl crush] pa din naman ako.”

Naligawan na rin daw siya ng lesbian noon. But at that point, sure na siya sa sexuality niya.

And in this point and time in her life, nagsasalita na siya ng tapos na hanggang role-play lang sa pelikula ang pagiging lesbiyana niya.

“Hindi ako dadating sa point na magkaka-relasyon ako sa babae.”

Ang awesome threesome na 69+1 is available for streaming beginning September 3, exclusively sa VIVAMAX.

Vivamax is available at web.vivamax.net or you can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei App Gallery. 

Watch all you can on Vivamax for only P149/month and P399 for 3 months. You can also unli-watch for 3 days on Vivamax at a hot price of P29. 

And since August 1, Filipinos in Hong Kong (HKD 77.00), Japan (JPY 1,080.00), Malaysia (RM 39.90), and Singapore (SGD 13.50) can already access Vivamax.    

Vivamax is also available in Middle East for only AED35/month, and in Europe for only 8 GBP/month.

Vivamax, atin ‘to!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Dahil lumaki with two brothers, Rose Van Ginkel, inakalang lalaki din siya noon
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment