
SCREENSHOT: Ogie Diaz on YouTube
Kung ang ibang pamilya umano ay mas naging solid ang bonding dahil sa pandemic lockdown, kabaligtaran daw noon ang nangyari kay John Lapus. “Wala akong ganu’ng support group, backbone na katulad ng sinasabi ng iba…Kasi prior to pandemic pa wala na akong contact and connection with them.”
Inamin ng comedian-director na si John “Sweet” Lapus na ilang taon na bago pa man tumama ang pandemya ay may lamat na ang relasyon niya sa kanyang pamilya.
Ang impromptung pagtatapat ni John ay naganap sa September 8 sa YouTube vlog ng kaibigan at fellow comedian niyang si Ogie Diaz, kung saan hindi niya nga naiwasang mailahad ang mga pinagdadaanan niya sa kasalukuyan.
Masaya at puno ng tawanan ang panimula ng kanilang kumustahan at update-an sa buhay-buhay. Hanggang sa nauwi sa pangungumusta ni Ogie sa kung paano niya itinatawid ang magdadalawang-taon ng buhay-pandemya.
Ani John, ang lockdown life daw niya ay kabaliktaran sa sinasabi ng karamihan na mas naging close at tumibay ang relasyon sa mga kapamilya as they spend the lockdown together. Siya umano and devoid sa mga ganoong kaganapan.
“Wala akong ganu’ng support group, backbone na katulad ng sinasabi ng iba na ‘At least, nakalock-in lang ako sa bahay…’ na ‘At least, I got to be with my family, mas nakilala namin ang isa’t isa, mas nag-bonding kami…’” pagkukumpara n’ya sa interview.
“Kasi prior to pandemic pa wala na akong contact and connection with them.”
Tinanggap na daw n’ya na ganu’n talaga ang buhay. You can’t have it all, ika nga ng iba. At isa sa hindi umano naibigay sa kanya ay isang solidong pamilya.
“Sad but ganoon talaga,” patuloy ng komedyante. “Hindi lahat ng bagay ibibigay sa’yo at hindi lahat ng bagay sa aspeto ng pagkatao, love life, family, social, hindi lahat, e…
“Feeling ko sa kaibigan lang ako suwerte kaya ingat na ingat ako sa kaibigan. Feeling ko sa kanila na lang ako sinuwerte.”
Pag-amin pa n’ya kay Ogie, na except for his mom na kasama niya sa bahay, “napagod” na daw s’ya sa kanyang pamilya kaya s’ya na mismo ang umiwas sa mga ito.
“Na-realize ko na pagod na ako sa kanila,” aniya. “Pagod na akong tulungan sila kasi parang hindi nila tinulungan ’yung mga sarili nila.
“I hope alam nila [na napagod na ako] kaya hindi ko na sila kino-contact…hindi na rin naman sila kumokontak [sa akin],” saad pa n’ya.
Pagre-recall pa ni Sweet, na-realize daw niyang sa kanya lang pala talaga umaaasa ang mga tinutulungan n’yang kamag-anak financially noong panahong nawalan siya ng trabaho three or four years ago.
Parang nauwi daw sa wala ang ginawa n’yang pagtulong sa kanyang ka-anak na nai-kumpara niya sa mga tinulungan ding ka-anak ng mga friends n’ya.
“‘Yon din ’yong time na ’yong mga kaibigan kong nagpaaral din ng mga pamangkin, graduate na ng college ’yong mga pamangkin, may trabaho na…
“May isa akong kaibigang bakla, nilibre s’ya ng pamangkin n’ya ng trip to Hong Kong kasi nga may trabaho na tapos ako wala, nganga silang lahat.”
Tahasan na niyang sinabi na tila hindi s’ya nakabawi, Iyon na daw sana ang pagkakataon na siya naman ang tulungan dahil wala siyang trabaho. Pero wala umano siyang maaasahan dahil nanatiling walang naabot ang mga tinulungan niya.
Dahil dito ay nag-worry daw s’ya para sa kanyang future dahil ang inaakala n’yang mga mag-aalaga sa kanya na mga pamangkin sa kanyang pagtanda ay ni hindi daw kanyang alagaan ang kanilang mga sarili.
At tanggap na raw niya ang realidad na ’yon kaya’t dasal nalang niya sa Diyos na sakaling kunin siya ay wag umano sa paraang may pagdadaanan pang mahabang proseso.
“Ayoko ’yong mai-stroke tapos aalagaan? Walang mag-aalaga sa ‘kin. Sure ako,” pagbibigay-scenario niya.
“Hindi ko alam kung masama pero isa ’yon sa mga dasal ko kay Lord…na pag namatay ako, one time, big time. ’Wag akong ma-stroke o ’wag akong ma-ospital kasi alam kong walang mag-aalaga sa akin.”
Ito nga raw ang ini-emote n’ya sa kanyang mga kaibigan, na sila na ang bahala sa kanya sakaling ma-stroke s’ya.
“Sinabi ko sa mga kaibigan ko na kapag na-stroke ako o ’yong machine na lang ang bumubuhay sa ’kin, sabi ko sa mga kaibigan ko, ‘Dalawin n’yo ko, pa-simpleng sipain n’yo ’yong saksakan para mamatay na ako kasi alam kong walang mag-aalaga sa aking pamilya,” malungkot na sabi ni Sweet.
At present ay pinag-iipunan na rin daw n’ya ang kanyang memorial plan at inihahanda ang last will sa hatian ng property sakaling dumating na nga ang araw na ’yon.
Natanong din si Sweet (showbiz monicker ni John) kung umaasa pa ba s’yang magkaka-ayos sila ng kanyang pamilya.
“Sana… Sana. Sana maging okey,” sagot n’ya. “Kasi ang problema, parang nalagpasan ko na ang galit o sama ng loob… Parang ganu’n.
“Wala na talaga. Wala na akong maramdaman sa kanila. Napakasakit, napakasaklap sabihin pero inaamin ko sa’yo na wala na akong nararamdaman sa kanila,” pag-amin pa n’ya kay Ogie.
Kung meron man daw siyang hiling ay hindi na para sa pagkakasundo pa kundi ang makita ang mga kamag-anak na inaayos ang buhay nila.
“Sana maging maayos ang buhay nila. Baka ’yon. Baka pag nakita kong maayos na ang buhay nila, ‘Ay, very good.’ Baka ’yon na lang.”
YOU MAY ALSO LIKE:
John Lapus, napagod mag-direk ng ‘Kadenang Ginto;’ babalik muna sa acting
John Lapus, ayaw tumanda at mamatay ng walang pera
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
John Lapus, inaming pinutol na ang relasyon sa kanyang mga ka-anak
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment