LJ Reyes, lumipad na ng New York kasama ang mga anak

Ngayong araw, September 1, isang araw natapos lumabas ang teaser ng kanyang interview with Boy Abunda, ay mapapansing nag-un-follow na rin si LJ kay Paolo sa Instagram, kung saan sila kapwa aktibo. Ang “Paolo” search sa kanyang following ay magyi-yield ng isang “Paolo” result pero si Paolo Ballesteros iyon.

Photos: @lj_reyes

Ngayong araw, September 1, isang araw natapos lumabas ang teaser ng kanyang interview with Boy Abunda, ay mapapansing nag-un-follow na rin si LJ kay Paolo sa Instagram, kung saan sila kapwa aktibo. Ang “Paolo” search sa kanyang following ay magyi-yield ng isang “Paolo” result pero si Paolo Ballesteros iyon.

Pagkatapos ng tila pananahimik ng Kapuso actress na si LJ Reyes sa isyung hiwalayan nila ni Paolo Contis, ang kanyang long-time partner at ama ng ikalawang anak na si Summer, at bigla itong tila may pasabog ngayon.

Ngayong gabi ipalalabas ang kabuuang interview niya kay Boy Abunda sa YouTube channel ng huli. Sa teaser palang na inilabas ng The Interviewer ni Boy Abunda obvious nang kinumpirma na ni LJ ang hula ng mga Netizens na hiwalay na nga sila ni Paolo.

Nagsimula ang mga speculations tungkol sa “on the rocks” nilang relasyon nang mapansin ng mga Netizens ang pag-si-zero ng following ni Paolo sa kanyang Instagram account. Kasunod noon ang pagdi-delete nito ng mga posts na naglalaman ng ang larawan ni LJ sa kanyang Instagram.

Nanatiling tahimik lang si LJ at walang hakbang na ganting pag-a-unfollow o pagde-delete ng mga larawan ni Paolo sa kanyang Instagram.

Pero ngayong araw, September 1, isang araw natapos lumabas ang teaser ng kanyang interview with Boy Abunda, ay mapapansing nag-un-follow na rin si LJ kay Paolo sa Instagram, kung saan sila kapwa aktibo. 

Ang “Paolo” search sa kanyang following ay magyi-yield ng isang “Paolo” result pero si Paolo Ballesteros iyon.

Kung sa mga pictures na magkasama sila, matagal na rin naming napansin na wala na siya halos post na picture na magkasama sila. Ang huling post ni LJ tungkol kay Paolo ay noong June pa, Father’s Day kunsaan binati niya ito ng simpleng “Happy Father’s Day.” Malayo sa mahahaba at madamdaming captions niya noon para dito.

Walang-duda na marami ang naku-curious sa sasabihin ni LJ sa kanyang interview. Ang teaser pa lang ng YouTube ni Boy na may 0.21 seconds lang ay meron ng mahigit 1 million views wala pang isang araw simula nang mai-upload ito.

Sa teaser, isang teary-eyed na LJ ang nagsabi na, “It was so difficult. It was so painful. Kung hindi malakas ang pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”

Sa tanong kung sino ang humiwalay sa kanila ni Paolo, sinagot ito ni LJ na, “Tito Boy kasi, matagal ko ng nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”

Sa isang banda, kinumpirma din ni LJ kay Boy Abunda na last week pa siya umalis papuntang New York kasama ang dalawang anak niya—si Aki na anak niya kay Paulo Avelino at si Summer na anak nila ni Paolo.

Dual citizen si LJ kaya madali para rito na makaalis ng bansa kahit na may pandemic. Nasa U.S. din ang kanyang ina at kapatid.

Sa ilang malapit kay LJ na nakausap namin, naniniwala naman ang mga ito na “better” daw para kay LJ at sa mga bata na nasa America nga muna ito ngayon, lalo na at sa situwasyon ng bansang Pilipinas ngayon.

YOU MAY ALSO LIKE:

Manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis, kinumpirmang hiwalay na ito kay LJ Reyes; Yen Santos, inabsuwelto sa love triangle angle

Paolo Contis at LJ Reyes, kapwa walang imik sa pag-ulan ng tanong ng netizens kung hiwalay na ba sila

LJ Reyes, hindi kampanteng iwan kay Paolo Contis ang mga anak sakaling magla-lock-in taping siya?

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



LJ Reyes, lumipad na ng New York kasama ang mga anak
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment