Habang sumasagot ng mga katanungan from the press si Rhen Escaño during the media conference ng latest movie niyang Paraluman kamakailan ay kasalukuyan palang nasa Singapore ang versatile Viva actress shooting her first international film.
#Blessed ang Rhen, who is now reaping the fruits of her patience at hindi pag-give up sa showbiz. Matagal-tagal ding hinintay ni Rhen ang big break at nang dumating, through Untrue (2019)—na mas nauna palang gawin sa Adan (2018) pero mas naunang ipalabas ang Adan—nagsunod-sunod na.
Nag-Ang Probinsyano pa, where at some point, kailangan na siyang i-pull out dahil may mga other commitments nang nakalatag. Like ang kaka-“showing” lang na The Other Wife sa Vivamax, itong Paraluman, isa pang naka-bangkong Yam Laranas movie din (Rooftop) at itong ngang Singaporean film na may titulong Sunday, na debut film ng isang umano ay promising Singaporean director na si Sean Ng.
Na-curious tuloy ang press kaya nausisa na rin siya tungkol sa kanyang international project nang wala sa oras.
“Actually, p’wede naman na akong mag-share [about it],” panimulang k’wento niya. “Kasi before pinagbawalan po nila akong mag-post… [Year] 2020 pa po ako nag-audition and ang alam ko po marami kaming nag-audition for the role.”
Love story daw ang pelikula about a Filipina domestic helper (siya) and a Vietnamese busboy (which is also played by a real Vietnamese actor, Ho Thanh Trung) at kung paano sila nakakahanap ng solace sa isa’t isa while working away from home.
“Sobrang meaningful ’yong k’wento,” ani Rhen. “It’s like a love story kung pa’no masu-survive ng dalawang characters na ’yon ang buhay sa malayo. And nakakatuwa kasi na ma-portray mo or mapapakita mo o mari-represent mo ’yong mga kababayan nating nasa ibang bansa na nagtatrabaho doon para sa mga pamilya nila.
“So, nakakatuwa siyang gawin and ’yon, ngayon nasa Day 10 na namin [ng shoot]. Meron pa kaming 20 shooting days. So, grabe, ang haba niya.”
Worth it naman daw kahit matagal siyang mawawala sa Pilipinas dahil marami siyang bagong natututunan at maraming naiipong new experiences.
“Nakakatuwa na marami akong na-experience na mga bagong bagay na hindi siya usual na ginagawa natin sa Pilipinas or hindi ko na-experience sa bansa natin. Marami akong nakikilalang mga tao and excited po ako talaga dito and sobrang sana mapapanood ng lahat sa bansa natin and yon sana abangan ng lahat kasi special itong project na ito for me.”
Aniya, mas naghigpit daw ng mga health and safety protocols doon noong pag dating niya dahil nataong tumataas na naman ang mga Covid-19 cases doon.
“Guys, sobrang naloka po ako dahil nag-quarantine po ako 14 days and then pag dating po namin dito medyo mas naghigpit sila dahil parang tumaas ’yong cases,” dagdag-info niya. “Pero 80% po ng population dito sa Singapore vaccinated sila.”
Pero bagama’t mahigpit, hindi raw required mag-bubble ang mga productions doon.
“Meron kaming ginagalawan na safe na lugar and siguro masasabi ko mas nakakagalaw po ng hindi ganun kahigpit…hindi po kami naka-lock in, hindi kami naka-kulong sa bubble unlike sa Philippines na kailangan nasa isang area lang kayo na hindi kayo p’wedeng lumabas.
“Dito p’wede po kaming lumabas and nakakabawas din siya ng anxiety. Pero pag nasa set kami super mahigpit po sila kailangan pa rin ng facemask, of course, face shield ganyan. And very maalaga po talaga sila sa akin, sa aming dalawa nu’ng ka-partner ko.
“And ’yon nakakatuwa na nandito ako ngayon kasi meron akong something and may mga tao akong mare-represent dito sa pelikula na ginagawa ko ngayon. Very safe naman dito, guys.”
Sana ay maipalabas din sa Vivamax ang Sunday.
Pero bago ’yon, Paraluman muna na nakatakda nang ipalabas sa Vivamax on September 24.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
YOU MAY ALSO LIKE:
Look: Rhen Escaño is one captivating “Paraluman” in Vivamax’s latest offering
Rhen Escaño, kinikilig sa comments na “Next Lovi Poe,” pero…
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
0 comentários :
Post a Comment