
PHOTOS: @jao_mapa on Instagram
Ani Jao Mapa, marami umanong tukso sa showbiz kaya’t hindi rin daw siya naka-iwas noong araw. “Here in showbiz, madaming tukso d’yan. You can’t help but, you know, get engulfed by it.”
Umamin ang aktor na si Jao Mapa na naranasan din n’yang magloko habang nasa isang relasyon during his younger years.
Sa exclusive virtual interview n’ya with pikapika.ph kamakailan ay natanong namin ang actor-painter tungkol sa character n’ya sa kanyang comeback movie na Paraluman, kung saan gaganap siya bilang isang committed guy na matutukso sa isang mas batang dalaga.
Sabi namin, kung halimbawa kayang binata pa siya at napunta siya sa ganoong sitwasyon, pipiliin ba niya—in the end—ang matagal na niyang karelasyon na kilalang-kilala na niya pero less na ang excitement ng kanilang relasyon; o itong bago na hindi pa niya kilala nang husto pero pinabibilis ang pintig ng puso niya?
Napa-isip muna nang malalim si Jao bago sinabing in all honesty, ay nakaka-relate naman ang former binatang Jao sa character niya sa pelikula.
“I was more of a stick-to-one [guy] pero I would have on the sides, mga one-night stand na hindi alam ng partner ko at that time,” lakas-loob na pagbabahagi ni Jao.
Pero paglilinaw n’ya: “Hindi naman ako ’yong [two-timer] na dalawa [ang girlfriend nang] sabay o tatlo-sabay…hindi.”
Madali daw kasi s’yang bumigay sa mga tukso noong araw dahil prevalent ito sa showbiz industry.
“Here in showbiz, madaming tukso d’yan. You can’t help but, you know, get engulfed by it,” paliwanag pa ni Jao.
Pero sa huli, mas naging matimbang pa rin naman daw sa kanya ang babaeng minahal n’ya at nakarelasyon sa mahabang panahon kesa sa mga naka-fling lang.
“There comes a time that I got to realize na ’yong babae na para sa’yo…mahirap hanapin ’yang mga ganyang klase at iba rin ’yong pinagdaanan n’yo through the years,” lahad pa ni Jao.
At present ay dalawang dekada nang happily married na si Jao sa kanyang misis na si Cecille at biniyayaan ng tatlong tsikiting—sina Benjamin, Caleb, at Amber Marie—ang kanilang pagsasama.
Mapapanood naman ang comeback movie ni Jao na Paraluman kung saan kasama n’ya sina Rhen Escaño, Gwen Garci, Raul Morit, and more simula September 24 sa Viva streaming app na Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
YOU MAY ALSO LIKE:
Jao Mapa artistically makes the most out of Pinoy bayongs
Look: Rhen Escaño is one captivating “Paraluman” in Vivamax’s latest offering
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Jao Mapa, aminadong “nag-on the sides” noong binata pa siya
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment