K Brosas, ayaw magka-utang, natakbuhan naman

Emosyonal ang Sing Galing/Lunch Out Loud host na si K Brosas nang makapanayam siya ng media thru zoom nitong Linggo ng hapon para ikuwento ang pinagdadaanan niyang hirap ngayon dahil sa pinatatayo niyang bahay sa Quezon City simula pa noong 2018.  Inakala umano niyang matitirhan na nilang mag-ina ang pinaghirapang bahay by 2019, pero hindi pa pala.

“Binista ko ’yung bahay na pinapagawa ko after the pandemic. Nanghina ako noong nakita ko ’yung property,” tila nanghihina pa ring kuwento ni K.

“Hindi ko na po alam kung nasaan na ’yung contractor ng bahay ko. Na-stress ako at nagka-panic attack na ako dahil sa kanya. One year na ako nakikipag-usap sa kanila na baka kung puwede isoli na lang ’yung pera pero walang nangyari.”

Kaya idinaan na lang niya sa legal na paraan ang lahat. 

Nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 10, ay nag-file ng kaso si K at kasama niyang nanunumpa para sa kaso ang mga bigating abogadong sina Nico Valderrama (CPA/lawyer), Ramon Gerard S. Hernandez (trial and corporate lawyer) at Franco Aldo Cembrano (litigation lawyer).

Walang binanggit si K kung ano ang kasong pinayl niya pero base umano sa kapal ng mga isinumite niyang complaints ay baka hindi lang isang kaso ito lalo’t tatlo ang abogado niya na iba-iba ang forte.

Nasa 7M na ang total nang naibayad ni K sa contractor ng bahay niya na mula sa hard-earned money niya.  At kaya umano niya binayaran nang buo ay dahil ayaw niya ng may utang. Naka-plano na rin kasi sa isip niyang ang next niyang pag-iipunan ay ang interior design sana ng bagong bahay.

Pero walang nangyari dahil inabandona ng contractor niya ang bahay niya na nasa 35% palang umano ang nagagawa.

“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang seven milyon inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay,” patuloy ni K.

“Binayaran ko in one year, buo, cash, and then, dapat tapos na (ang bahay), may kontrata naman po kami, legal lahat. Hindi natuloy, hindi natapos. S’yempre, stress ’yun, di ba? Kasi nakapagbayad na po tayo ng malaking halaga.”

Tanong namin kung bakit ibinigay kaagad ni K ang buong bayad na sa pagkaka-intindi namin ay puwede naman itong utay-utayin, depende sa matatapos at materyales na kailangan, para monitored ang flow ng gastos.

Tiwala naman daw kasi ang TV host/singer dahil mga kaibigan niya ang kinuha niya gawin ang pangarap niyang bahay na ipapamana niya sa nag-iisang anak na si Crystal Brosas.

Sa halagang 7M ay simpleng bahay lang naman daw ito.

“Napaka-simple lang po ng bahay, wala pong swimming pool, para sa amin lang po ng anak ko. Ang pinaghandaan ko lang po du’n, ’yung walking closet, tapos ’yung mala-spa ng banyo. ’Yun lang.”

Dahil sa mga pangyayari, nagka-mental anguish si K na solo pa namang nagtataguyod sa kanyang anak.

“’Yung anxiety disorder ko, nag-peak. Tapos, siyempre, mga naging kaibigan mo kaya mas masakit. Masakit kasi, ang tagal kong nakiusap, ang tagal kong nagmakaawa pero walang nangyari. Kailangan talagang umabot sa ganito, kasi parang wala nang respeto,” umiiyak na sabi ni K.

Hindi pa rin binanggit ng TV host kung sinu-sino ang mga taong kinasuhan niya dahil nasa korte naman na ang usapin. Alingsunod na rin daw ito sa advise sa kanya ng kanyang mga abugado.

Hindi na rin binanggit ni K kung sino ang kaibigan niyang nag-rekomenda sa contractor. Klinaro lang niyang wala raw kinalaman ito sa mga naging ganap.

Sa kasalukuyan, back to zero ang masipag na komedyana.

“Nag-iipon na naman uli ako para mapagawa ko na ang bahay ko.”

Ang bagong contractor niya ngayon ang nag-assess sa di-nayaring bahay at nagsabing 35% lang umano ang nagawa mula sa 7M niyang naibigay sa una.

“Huwag masyadong magtiwala kahit kaibigan mo pag dating sa pera,” advise ni K base sa natutunan niya sa pangyayari.

At higit sa lahat, dapat daw pala ay may personal lawyer sa simula palang ng pag pasok sa ganitong klase ng transaksyon para magbigay ng guidance sa mga hahakbangin.

Ganito na raw ang panuntunan niya sa ngayon.

“I always seek the help of lawyers. Dati hindi ako mahilig makipag-usap sa mga abogado. Pero this time, lahat ng galaw ko lalo na sa career, dinadaan ko na sa abogado.”

Nagbiro pa nga si K na baka pati ang love life niya ay isangguni na niya sa mga abogado niya. 

Six years ng single si K dahil hindi umano ito ang prayoridad niya.

Sa kabila ng mga nangyaring ito sa TV host ay labis pa rin siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi siya hinahayaang mawalan ng trabaho. Malaki rin ang pasasalamat niya sa management company niyang Cornerstone Entertainment owned by Erickson Raymundo.

“Sobrang pasalamat ko kay Erickson, grabe basta alam niya ’yun.  Tapos may shows ako, itong Sing Galing, abangan n’yo pala may bago kaming [segment na] ‘Sing-lebrity edition, simula sa September 18. Tapos meron akong Lunch Out Loud, parehong TV5.

“May mga raket ako na binibigay ng Cornerstone. May inquiry, sana matuloy ang show sa abroad. Tapos ipalalabas na ’yung movie namin ni Elisse Joson na idinirek ni Veronica Velasco noong December 2020 under MavX Production na sinyut nila sa Copenhagen, Denmark,” dagdag-kuwento ni K.

YOU MAY ALSO LIKE:

K Brosas, na-depress matapos takbuhan ng contractor ng ipinapagawa niyang bahay

K Brosas, gumawa ng “huling habilin” video nang magka-COVID

K Brosas sounds off on basher who used the word “bipolar” to insult her: “So, ano problema mo sa may bipolar?”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



K Brosas, ayaw magka-utang, natakbuhan naman
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment