Solenn Heussaff, gusto nang bigyan ng kapatid si Baby Tili

Tingin ni Solenn Heussaff, ito na daw ang tamang panahon para sundan nila ng asawang si Nico Bolzico ang anak nilang si Baby Tili na 19 months old na sa ngayon.  Pero medyo nagdadalawang-isip pa daw s’ya dahil sa sitwasyon. Hindi daw kasi biro ang mag-alaga ng baby habang may umiiral na pandemic.  “But let’s see. Baka sometime next year kasi takot din ako sa Delta variant.”

PHOTOS: @solenn on Instagram

Tingin ni Solenn Heussaff, ito na daw ang tamang panahon para sundan nila ng asawang si Nico Bolzico ang anak nilang si Baby Tili na 19 months old na sa ngayon.  Pero medyo nagdadalawang-isip pa daw s’ya dahil sa sitwasyon. Hindi daw kasi biro ang mag-alaga ng baby habang may umiiral na pandemic.  “But let’s see. Baka sometime next year kasi takot din ako sa Delta variant.”

Gusto na daw magbuntis muli ni Solenn Heussaff at bigyan ng kapatid ang daughter nila ni Nico Bolzico na si Thylane Katana o Baby Tili.

Inamin ito ng Kapuso actress-TV host sa virtual interview sa kanya ni GMA reporter Cata Tibayan na ipinalabas sa kagabi, September 13, sa 24 Oras.

Tingin n’ya, ito na daw ang tamang panahon para sundan ng anak si Baby Tili na 19 months old na sa ngayon. 

“Actually, gusto ko [magbuntis uli] to be quite honest kasi 36 [years old] na ako and gusto ko ng dalawang anak. So now would be the perfect time,” lahad ni Solenn sa interview.

However, medyo nagdadalawang-isip pa daw s’ya dahil sa sitwasyon ngayon. Hindi daw kasi biro ang mag-alaga ng baby habang may umiiral na pandemic. 

“But let’s see. Baka sometime next year kasi takot din ako sa Delta variant,” natatawang saad n’ya. “So, first pregnancy ko medyo mahirap.

Sa ngayon ay full-time mommy ang ganap ni Solenn kaya busog sa bonding moments ang daughter nila ng kanyang Argentinean husband. 

“I like to do popsicles with Tili and I’m going to teach her how to cook as well even if she’s only 19 months,” pagbabahagi pa ng French-Filipina actress.  

Kasi para sa akin, importante din to develop a child’s brain is to let her play with things exist around us.”

Number one rule nga daw sa kanila ang pag-iwas sa pagbababad sa mga gadgets. 

“With the child, it is important to let them explore, it’s important to let them get dirty, and it’s important to let them around different people, different languages. Ganu’n,” ani Solenn.

Pero kahit na busy sa pagiging mommy, hindi naman daw nakakalimutan ng aktres na bigyan pa rin ng time ang kanyang sarili. 

“I do meditate. Meditating…ibig sabihin be on your own. Hindi ibig sabihin nag-a-‘Uhmm…uhmm’ ako dito sa kwarto,” paliwanag n’ya. 

“I paint. I tried to paint. Tapos every morning I walk around the village, mga one hour and a half,” pagtatapos ni Solenn. 

Unang ikinasal via civil wedding sina Solenn at Nico sa Esperanza, Argentina noong December 2015 at sinundan ng kanilang church wedding sa Combourg, France last May 2016.

YOU MAY ALSO LIKE:

Solenn Heusaff, nag-sorry matapos bansagan ng Netizens na “poverty porn” ang kanyang art exhibit promotion

Pika’s Pick: Solenn Heussaff gives sneak peek of house wear collection for pregnant and breastfeeding moms that she designed herself

Nico Bolzico and Solenn Heussaff exchange sweet messages to celebrate their 4th wedding anniversary

Sanya Lopez, pantasyang makatambal si Solenn Heussaff sa isang lesbian-themed project

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Solenn Heussaff, gusto nang bigyan ng kapatid si Baby Tili
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment