Kakandidatong si Aiko Melendez, may death threat na ngayon palang?


Bukod sa banta, nauna nang naireport kay Aiko ng mga supporters niya na may nakuhanan ng video na mga taong nagtatanggal ng mga tarpaulins niyang naka-paskel sa iba’t ibang parte ng District 5 ng Quezon City.

Photos: @aikomelendez

Bukod sa banta, nauna nang naireport kay Aiko ng mga supporters niya na may nakuhanan ng video na mga taong nagtatanggal ng mga tarpaulins niyang naka-paskel sa iba’t ibang parte ng District 5 ng Quezon City.

Si Aiko Melendez may death threat?  Sino at ano ang motibo ng nagpadala sa kanya ng mensahe na huwag na niyang ituloy ang kandidatura niya?

Si Aiko ang mismong nagbanggit sa amin na may natanggap siyang mensahe kamakailan na ikinagulat niya. Wala pa naman daw kasi siyang anunsyo kung anong posisyon ang tatakbuhin niya sa 2022 pero eto at hinaharang na siya kaagad siya sa pamamagitan ng pagbabanta.

Ipinadala niya sa amin ang mensahe ng anonymous sender na halatang gumamit ng prepaid SIM card.

Narito ang naka-saad sa text message: “Ingat lang nakamasid kami sa lahat ng galaw mo. Kung ako sa’yo ‘wag ka na tumuloy tumakbo. Alam namen lahat pati san ka nakatira at kung asan ka ngayon. Mag isa ka dba?”  

Nitong Miyerkoles, Setyembre 22, daw natanggap ni Aiko ang text message pero araw ng Martes Setyembre 21 ay ibinalita na sa kanya ng kanyang mga supporter na may mga nakita silang mga taong nagtatanggal ng kanyang mga tarpaulin. Nakunan daw ng video ang naging ganap na ito ng mga anti-Aiko kaya’t may mga ebidensyang hawak ngayon ang aktres.

Base naman sa napanood naming tsikahan ng malapit na kaibigan ni Aiko na si Ogie Diaz at mga vlog co-hosts niyang si Mama Loi and Tita Jegs, nabanggit nilang either posisyon ng pagka-congresswoman o councilor ng Quezon City ang plano’ng kandidatuhan ni Aiko.

“Kawawa naman si Aiko, tinatanggal ang kanyang mga tarpaulin at ang nakakaloka may banta kay Aiko!,” nanlalaki ang mga matang kuwento ni Ogie.

At binasa nila sa vlog ang mensaheng katulad ng ipinadala sa amin ng aktres.

“So, nananakot?  Death threat ito!,” bulalas ni Ogie. “Oo, halatang kalaban sa politika. Mukhang nalalakasan sila kay Aiko Melendez sa District 5 sa Quezon City.”

Sundot naman ni Mama Loi: “Talagang kapag hitik ang bunga pinupukol.”

“Ewan ko ba, pag sa politika, wala. Aasahan mo talaga napakarumi at s’yempre ’yung mga sanay na sanay na ang gumagawa n’yan,” pag-oopinyon ni Ogie.

“Anyway, sana huwag ganu’n ha?,” dagdag ni Ogie. “Dapat pag ganyan, bigyan natin ng chance ‘yung iba na i-perform ang kanilang mga ginagawa hindi rin naman sila nakakatapak sa inyo.

“Sana wala ng ganyang mga bantaan hindi maganda yan kasi baka bumalik pa yan sa inyo, maka-karma pa kayo at ang ending n’yan kayo ’yung ano, di ba?

“Saka kung naniniwala kayo na kayo ang karapat-dapat na maluklok sa puwesto, hindi ninyo kailangang ma-tense, hindi ninyo kailangang matakot na baka merong pumalit sa puwesto.

“Kung naniniwala kayong totoong nagta-trabaho kayo at totoong binibigay n’yo lahat ang serbisyo sa kapwa n’yo, e, hindi kayo dapat kabahan dahil kayo ‘yung iboboto ng mga tao, hindi si Aiko!” mahabang pahayag ng kilalang talent manager at vlogger.

YOU MAY ALSO LIKE:

Aiko Melendez, dasal ang sagot sa Netizen na nang-insulto sa pagkaka-Covid ng boyfriend niya: “Sana hipuin ng Dios ang Puso [mo] ng magbago ka na.”

Malalim na sugat ni Aiko Melendez sa noo, hindi nakuha sa pakikipag-sapakan

Aiko Melendez, hindi pa sure kung anong posisyon ang tatakbuhan sa Quezon City sa paparating na 2022 elections

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Kakandidatong si Aiko Melendez, may death threat na ngayon palang?
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment