Pia Wurtzbach, dream sa buhay ang maging theater actress; aminadong frustrated singer din


“Basta, it’s my big ‘what if’ in life,” ani Pia Wurztbach regarding becoming a theater actress. “Frustrated singer din kasi ako kung hindi n’yo alam.”

PHOTO: @piawurtzbach on Instagram

“Basta, it’s my big ‘what if’ in life,” ani Pia Wurztbach regarding becoming a theater actress. “Frustrated singer din kasi ako kung hindi n’yo alam.”

Nagpaunlak si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na sagutin ang tanong ng kanyang mga fans tungkol sa kanyang buhay, plano at pangarap. 

Ito ang naging content ng kanyang latest vlog entry entitled “Pia Life Update: Finally Answering Your Questions!” na in-upload kahapon, September 19, sa kanyang YouTube Channel.

At isa nga sa naitanong sa kanya ay kung nagpa-plano na ba s’yang bumuo ng sarili n’yang pamilya. Kitang-kita kasi sa social media kung gaano kasaya si Pia sa kanyang love life ngayon with her CEO boyfriend Jeremy Jauncey. 

Sagot ni Queen P, marami pa daw s’yang gustong ma-achieve sa buhay bago tuluyang lumagay sa tahimik. 

Hindi pa and hindi rin ako nagmamadali,” sagot ng Filipino-German beauty queen. 

“And meron kasi akong checklist sa isip ko na matagal ko ng goals, personal goals ko sa sarili ko na bago ako ikasal, bago ako magka-anak… Actually, mas sa anak kasi mag-iiba na ang priority mo sa buhay pag nagka-anak ka na, e…na may mga gusto muna akong ma-achieve sa sarili ko bago ako magkaroon ng family.”

Kabilang daw sa mga goals na ito ang magkaroon muna s’ya ng sarili n’yang bahay at business. 

“So, kasama na d’yan na magkaroon ako ng sarili kong bahay. Magkaroon ng sarili kong negosyo. ’Yong mga ganu’n,” lahad ni Pia sa video. 

Gusto ko na maging stable ako na babae bago ako maging mom, bago ako maging…makapag-take on ng responsibilities na mas malaki pa. Imi-make sure ko muna na secure at stable ako sa sarili ko.”

Payo pa n’ya sa viewers, “There’s no rush in that, ladies.”

Natanong din ang actress-turned-beauty queen tungkol sa kanyang ultimate dream at ’yon pala ay ang makapag-perform sa isang theater production. 

“My ultimate dream—huwag kayong tatawa ha— theater is my ultimate dream. It’s my big what if in life,” pag-amin ni Pia. 

Ay naku. Alam ko tatawa kayo at sasabihin n’yo na, ‘Huh? ’Yong TV nga at movies hindi mo magawa nang maayos,’” pagse-self-deprecating humor niya. “Pero seriously, iba ’yong teatro sa TV, sa movies, ibang discipline ’yan.

Pagpapatuloy pa ng third Pinay Miss Universe winner, “But I really have high, high respect for theater actors and actresses. Parang ibang mundo s’ya. It really takes a lot of talent and a lot of discipline to do it. 

“Every time I watch a play or a musical in person, I feel like I’m being transported into that world and I can’t help but think na ‘Grabe. Ang galing nila. Ang galing nilang lahat.’ Kahit saan ako tumingin may nangyayari.

Nagbigay din s’ya ng kanyang personal knowledge kung paano ba tumatakbo ang isang show sa teatro. 

Ang theater kasi, from my understanding ha, hindi ako expert… But theater is a kind of discipline where…wala kasing cut, ’di ba sa theater? Walang ‘Cut! Take 2!’ Walang ganu’n,” aniya 

“You only get one chance to do it because live s’ya. So, pag nagkamali ka…actually, hindi ka p’wedeng magkamali. 

Sa pagkakaintindi ko, kahit hindi mo lines, kailangan alam ko ’yong script nu’ng buong scene. Pati ’yong lines ng co-actors mo dapat alam mo din para alam n’yo kung paano n’yo sasaluhin ang isa’t isa pagka may nagkamali.

Basta, it’s my big ‘what if’ in life. Frustrated singer din kasi ako kung hindi n’yo alam,” natatawang dagdag pa ni Pia. 

Maliban sa kanyang endorsements at isinusulong na advocacy, abala rin si Pia with fellow beauty queens na sina Carla Lizado and Bianca Guidotti sa kanilang podcast na Between Us Queens.

Doon ay tinatalakay nila ang mga bagay-bagay tungkol sa buhay, relationship, work, family life, body issues, self-improvement, and more.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Pia Wurtzbach, dream sa buhay ang maging theater actress; aminadong frustrated singer din
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment