Isa daw sa mga naging pangarap noon ng aktres na si Rhen Escaño ang makasali sa isang girl group.
Inamin n’ya ito during the virtual media conference para sa upcoming movie n’ya na Paraluman. Napa-research daw kasi s’ya nang i-offer sa kanya ang project at malamang ang 90’s heartthrob na si Jao Mapa ang makakatambal n’ya doon.
“Actually, hindi ko pa na napanood ’yong mga nagawa n’ya [pelikula] before pero nag-research ako about him,” natatawang pahayag ni Rhen sa entertainment press via Zoom.
“Pinanood ko po ’yong mga videos n’ya na nakikita ko online. Kinilala ko po s’ya sa mga nakikita ko online like YouTube, Google, ganyan, bago ko po s’ya na-meet para may idea na lang.”
At dahil nga nasa magka-ibang henerasyon sila, isa daw sa mga natuklasan ng aktres ang pagiging co-member noon ni Jao sa all-male group na Gwapings kung saan kasama nito sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, at Eric Fructuoso.
Dito na napa-throwback nang slight si Rhen dahil maging s’ya daw noon ay pinangarap din na mapabilang sa girl group na magpe-perform sa stage or TV.
“Nakakatuwa lang kasi ako rin po before gusto ko rin magkaroon ng girl group,” masayang lahad ng Viva actress.
“Nu’ng time ni Jao, naging part s’ya ng sikat na boy group. Sila ’yong mga Gwapings noong araw. Nakakatuwang isipin na sa panahon ko ngayon meron akong naka-trabaho na mula sa ganu’ng group.”
Kaya na-excite daw noon ang dalaga sa kalalabasan ng tambalan nila at happy s’ya na na-pull off nila ’yon sa pelikula.
“Exciting! Ganu’n naman po ’yong nilu-look forward ko every time na may bagong nakaka-work, kung ano ’yong mga bagong bagay na mae-experience at mararamdaman at matututunan ko po sa kanila,” pagtatapos ni Rhen.
Mapapanood ang pelikula ni Rhen na Paraluman, na nagsisilbi ring comeback movie din ni Jao, simula September 24 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Rhen Escaño, pinangarap na makasali sa isang girl group
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment