Nang mag-anunsyo ang lawyer at human rights advocate na si Chel Diokno na siya ay kumpirmado nang tatakbo sa pagka-Senator sa darating na National election on May 2022, ang Phenomenal Star na si Vice Ganda ang isa sa agad na nagparamdam ng suporta dito.
Sa kanyang Twitter account noong September 15 ay ni-retweet ni Vice ang isang quote na galing sa mga binitiwang salita ng abugado tungkol sa kanyang pag-kandidato. The retweeted quote reads: “Yes, tatakbo ulit ako sa Senado. Napakaraming bagay ang hindi patas dito sa atin—sa batas, sa ekonomiya, sa mga patakaran sa COVID. Gawin nating mas makatarungan ang buhay ng mga Pilipino.”
Kasabay noon ang isang quote card ng pahayang Inquirer na naglalaman, more or less, na kaparehong mensahe ni Atty. Diokno.
Yes, tatakbo ulit ako sa Senado. Napakaraming bagay ang hindi patas dito sa atin—sa batas, sa ekonomiya, sa mga patakaran sa COVID. Gawin nating mas makatarungan ang buhay ng mga Pilipino. https://t.co/TblCMrM7Ao
— Chel Diokno (@ChelDiokno) September 15, 2021
Pero hindi pa dito nagtapos, pagkatapos ng nasabing retweet, sinundan pa niya ito ng isang all-caps tweet na nagsasaad ng: “Chel Diokno for Senator”
Nag-trending na naman si Vice sa twitter dahil dito. At kasabay noon ay ang paghalukay ng Netizens sa mga dating niyang political stand.
May isang nakahalukay May 9, 2019 tweet ni Vice. That year ay tumakbo rin si Diokno sa senado pero hindi ito pinalad na manalo. At bagamat na-label-an si Vice bilang isa umano sa mga “enablers” Presidente Rodrigo Duterte noong tumakbo ito sa pagka-Presidente, naging vocal na, noon palang si Vice, na iboboto niya si Diokno.
Sa tweet ni Vice noon, sinabi niyang: “Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKNO. Iboboto ko sya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya. Sana maisama nyo rin sya sa iboboto nyong 12 [senators].”
Samantala, ang recent tweet ni Vice ay umani na ng halos 12.5K Retweets, 2,772 Quote Tweets, at 59.6K Likes at kulang 1,000 comments.
Marami ang natuwa sa ginawa ni Vice at meron ding mga nagkumpara rito at kay Toni Gonzaga na naging controversial dahil sa naging YouTube interview niya sa dating senator na si Bongbong Marcos.
Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa Diokno tweets ni Vice:
“sana lhat ng mga celebreties at mga influencers na may mga milyong subcribers tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyong bumoto ng nararapat sa eleksyon, palitan ng lahat ng mga pasakit sa mga Pilipino (sic).”
“SO IF VICE ENDORSES CHEL DIOKNO, HE WILL DEFINITELY NOT VOTE FOR BBM.”
“Iba na talaga si meme! You’re supporting a right person and we deserve like him to be in the Senate (sic).”
“Ang saya talaga buti pa si Vice may character development at hindi ‘apolitical’ kuno.”
“Toni Gonzaga should take notes!!”
“Nakakatuwa at nagbalik loob ka na…”
“Sabihin mo muna, hindi ka DDS.”
“Salamat Meme, gising ka na.”
“Calling calling Toe-Knee-Gone-Saga.”
But this being the Twitterverse, meron din s’yempreng salungat sa POV ni Vice.
“Juicekolord wala na bang choice.”
“kanya kanya ng paniniwala, respeto sa bawat gustong iboto ng tao.di porket gusto niya yon ay gugustuhin ko rin (sic).”
“Wala akong paki sa election.boycott ako ika nga.please dont mix showbix with https://ift.tt/3bXyxdK a dangerous game (sic).”
“ayaw mo na kay PDutz? :)”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Vice Ganda, consistent sa pagkaka-gusto kay Atty. Chel Diokno
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment