Dingdong Dantes, mainit ang pag-welcome sa kumpadre niyang si Kuya Kim Atienza


Ngayong araw ay pormal at personal nang winelkam ni Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang kuya at kumpadreng si Kuya Kim Atienza sa Kapuso Network. Ani Dingdong sa kanyang Instagram: “...today, i’d like to take this opportunity to welcome you into a place that i have considered home for the past decades...Kaya Kuya, kumpadre, welcome! Ngayon, matatawag na rin kitang KAPUSO.”

PHOTO: @dongdantes on Instagram

Ngayong araw ay pormal at personal nang winelkam ni Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang kuya at kumpadreng si Kuya Kim Atienza sa Kapuso Network. Ani Dingdong sa kanyang Instagram: “…today, i’d like to take this opportunity to welcome you into a place that i have considered home for the past decades…Kaya Kuya, kumpadre, welcome! Ngayon, matatawag na rin kitang KAPUSO.”

Sa kanyang Instagram post idinaan ni Dingdong Dantes ang mainit n’yang pag-welcome sa bagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza. 

Matatandaan nga na kasama pa ang aktor sa inilabas na video teaser ng GMA-7 for Kuya Kim kung saan sinalubong n’ya ito habang papasok sa GMA-7 building at nag-finger heart pa ang noon ay hindi pa ipinakikita ang mukha na si Kuya Kim pagkatapos.

Aniya sa kanyang Instagram post ngayong araw, October 4, maraming beses na silang nagkasama ni Kuya Kim sa iba’t ibang occasion noon at ramdaman daw n’ya ang pagiging bukas nito sa kanya. 

“Not many may know this, but I have always given so much value and importance to the many occasions where @kuyakim_atienza wholeheartedly welcomed me into communities that have changed my life— from running, to our love for motorcycles and even spirituality,” panimula ng tinaguriang Kapuso Primetime King in his IG post ngayong araw. 

“Ni minsan, hindi siya naging madamot sa pagbabahagi ng kaniyang kaalaman, passion at pananaw sa kung ano ang nararapat at kailangan.”

Big brother na rin daw ang turing ni Dong sa long-time weatherman ng TV Patrol kaya tinatawag n’ya rin itong kuya. 

”Kaya naman ang tawag ko sa kaniya ay KUYA, hindi dahil ‘yan ang screen name niya, kundi ‘yan ang tingin ko sa kaniya— isang nakatatandang kapatid,” lahad pa ng award-winning actor. 

Maliban pa doon, parehon daw sila ng kinabibilangang grupo kaya sila naging close sa isa’t isa na naging dahilan para kunin n’ya itong ninong ng bunsong n’yang si Baby Sixto. 

“KA- EM, because we belong to the same riding group. Ka- GOTTA, because we belong to the same health and wellness circle. KUMPADRE dahil siya ay Ninong ng aking anak,” patuloy pa ni Dong. 

“But today, i’d like to take this opportunity to welcome you into a place that i have considered home for the past decades…

“Kaya Kuya, kumpadre, welcome! Ngayon, matatawag na rin kitang KAPUSO,” pagtatapos ni Dingdong sa kayang IG post that came with a photo of them na kinunan sa labas ng GMA Building.

Tugon naman ni Kuya Kim sa comment section, “Salamat sa lahat my dear Kumpadre.”

Pinusuan naman ng kanilang online followers ang gesture ni Dingdong para kay Kuya Kim. 

Last October 1 ay naging emosyonal si Kuya Kim sa kanyang naging pamamaalam sa TV Patrol at bilang Kapamilya for 17 years.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Dingdong Dantes, mainit ang pag-welcome sa kumpadre niyang si Kuya Kim Atienza
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment