Ken Chan at Rita Daniela, miss na miss nang magharutan


Ken Chan, miss na miss na daw ang live audience ng The Clash. Hirit naman ni Rita Daniella: “Ako maliban sa audience, nami-miss ko si Ken.”

PHOTOS: @missritadaniela & @akosikenchan on Instagram

Ken Chan, miss na miss na daw ang live audience ng The Clash. Hirit naman ni Rita Daniella: “Ako maliban sa audience, nami-miss ko si Ken.”

Nami-miss daw ng actor-TV host na si Ken Chan ang energy ng live audience sa studio ng The Clash

Muli kasing magbabalik for its fourth season ang original Filipino-made singing competition, and this time ay wala uli silang live audience because of the pandemic still.

Last year kasi ay wala ring walang live audience ang show due to safety and health protocols pero successful na naitawid naman ’yon ng Kapuso Network.

Hiling ni Ken sa virtual media conference ng The Clash kahapon, September 28, sana raw ay bumalik na sa dati ang lahat para magkaroon na uli sila ng mga manonood sa studio. Indicator daw kasi ang studio audience kung mahusay ba ang isang Clasher o contestant ng The Clash.

Sana dumating ulit ’yong panahon na may [studio] audience kasi for me isang way ’yong audience para ma-confirm namin na ’yong Clasher na ’yon [ay] magaling. Kasi nakikita namin sa audience kung gusto nila ’yong Clasher, kung nagagalingan sila,” pahayag ng actor-TV host sa entertainment press via Zoom.

Ngayon kasi walang [live] audience, e. ’Yong Clash Nation at ’yong Kapuso viewers natin hindi namin nakikita physically kung ano ’yong reaction nila,” pagpapatuloy n’ya. 

Pero kapag may [live] audience kasi, nakikita namin… Tinitingnan namin sila… ‘Oy, nagugustuhan nila [‘yong performance ng Clasher].’ So, nako-confirm namin na ‘Oo nga, ‘yong Clasher na ’yon [ay] magaling.’ Pagnananahimik naman sila parang, ‘Oops, may mali.’ Ganu’n.

Dagdag pa ni Ken, malaking tulong din daw talaga ang live audience sa mga judges ng competition na sina Christian Bautista, Ms. Ai-Ai delas Alas, and Ms. Lani Misalucha. 

“So, nakikita namin. Nakakatulong din ’yon sa aming lahat especially sa Clash Panel natin, ’yong reaction ng [live] audience and ’yong connection nila doon sa Clasher na nagpe-perform. Sana bumalik [’yong time na p’wede magkaroon ng live audience],” muling hiling ng Kapuso star.

Sagot naman sa amin ng ka-love team n’yang si Rita, “Ako maliban sa audience, nami-miss ko si Ken.”

At dito na nauwi sa kulitan ang usapan. 

Tanong ni Ken mula sa kabilang linya, “Bakit, Choi  [term of endearment ni Ken kay Rita]? Bakit?

Balik na tanong ng actress-singer sa kanya, “Huh? Tinatanong pa ba ’yon? Ano sa tingin mo bakit kita nami-miss?

Dahil dito, si Ken na mismo ang sumagot sa sarili n’yang tanong. 

Aniya, “Dahil hindi tayo makapagharutan [sa studio] nang magkadikit, e.

Kailangan nga daw kasi nilang sumunod sa social distancing protocol. 

Natatawang baling pa ni Ken sa press, “Hindi na n’ya ako nasusuntok kasi bawal. Hindi na n’ya ako mahawakan. Bawal. Kaya n’ya ako nami-miss siguro, no? Hahaha! Ang saya ko!?

Tinukso naman s’ya ni Rita by saying, “Masaya ka ba o kinikilig ka lang?” 

“Both,” kinikilig na sagot ni Ken. 

Ganu’n daw talaga ang nararamdaman nila kahit pa matagal silang nagkasama sa lock-in taping sa katatapos lang na teleserye na Ang Dalawang Ikaw. 

Heto’t may bago na naman silang project together, ang The Clash Season 4, pero hindi pa rin daw maiwasan na ma-miss ni Rita si Ken. 

Lagi po. Lagi. Kasi s’yempre pag nakasama mo ’yong tao halos araw-araw tapos [biglang malalayo sa ’yo] kahit three days lang parang hinahanap mo ’yong presensya n’ya. WOW!” natatawang lahad ng aktres. 

Pagsang-ayon naman ni Ken sa sinabi ng kanyang ka-love team, “Totoo po ’yan. Totoo.

Maliban sa journey segment hosts na sina Ken and Rita, nagbabalik din as Clash Masters sina Julie Anne San Jose and Rayver Cruz sa The Clash Season 4 na magsisimula na sa October 2 on GMA Network.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Ken Chan at Rita Daniela, miss na miss nang magharutan
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment