LOOK: 7 Celebrity Kids join the GMA Artists Center

Pito sa dalawampung new talents na inilungsad ng GMA Artist Center kamakailan ay pawang mga celebrity kids na nangangarap sundan ang yapak ng kanilang mga arista parents. And they were given a virtual media launch, en masse, kamakailan.

Kilalanin natin silang isa-isa.

MATT LOZANO

Matt Lozano isn’t exactly a newbie pero ngayon palang talagang nabibigyan ng pansin ang multi-talent na kaya niyang i-offer.

“More than a decade” na nga daw sa showbiz si Matt and that’s because he used to be a child actor.

Matt is the son of film/TV producers couple na sina Marlon and Elaine Lozano na matagal nagtrabaho noong araw sa Regal Films. His mom Elaine is also a part-time actress na mahusay ding kumanta. Mukang sa kanya nga nagmana si Matt kaya he aced Eat Bulaga’s “Spogify Singing Baes” competition in 2016.

“I’ve been in the showbiz industry for over a decade now and bata palang ako Kapuso na ’ko. Sobrang fan na ako ng Kapuso ang sobrang dati pangarap ko na magkaroon ng isang supehero series and now it’s finally happening,” say ni Matt na ang tinutukoy ay ang Voltes V Legacy, kung saan siya ang gaganap na Big Bert Armstrong, ang pilot ng Volt Panzer o ’yong torso ni Voltes V.

Ani Matt, super thankful siya sa GMA-7 for recognizing his talents.

“I’m very thankful dahil sa lahat ng pagod at hirap na dinanas ko simula nag magsimula ako sa showbiz, ngayon lang nabibigyan ng value ’yong craft ko,” emosyonal na lahad niya. “Kasi lahat ng pinapangarap mo dati, unti-unti kong nakakamit dahil sa kanila [GMA-7].”

At kung meron daw siyang plus factor na mai-offer sa publiko is the fact that aside from acting and singing, he also writes his own songs.

“I write my own songs and siguro I can say na every time I write my song and kung mari-release ’yong mga kantang sinusulat ko, sobrang matutuwa po ako dahil lagi kong binibigay ’yong pinaka-truthful na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanta. I love my work. Binibigay ko naman ’yong best ko sa lahat ng ginagawa ko.”

Another wish granted dahil just this September, he has launched his debut single, “Walang Pipigil” under GMA Music, which he wrote back in 2011.

LALA VINZON

This 19-year-old beauty is the daughter of versatile character actor Roi Vinzon.

Music lang daw ang pakay niya noong unang mangarap siyang mag-showbiz. But now, she also decided to give acting a try dahil na-inspire siya sa good examples ng kanyang dad.

“My life before was all about music and songwriting and ngayon parang gusto ko pong pasukin ’yong acting which is close to my heart dahil ’yong dad ko. Through him, I witnessed the value and discipline of an actor and I wanna apply it to myself,” lahat ng eloquent mestiza.

“So, maybe one of the reasons why I entered showbiz is because just the attitude that we need to apply as actors, we can be a good role model not only mga ginagampanan nating roles, but we are obliged to be a better person for the people who are rooting for us.”

Nakakatawa dahil hindi daw siya aware noong bata siya na artista pala ang dad niya until makapanood sila ng mga kapatid niya ng pelikula nito. At “traumatizing” daw sa kanila ’yon.

“Dahil nga kontrabida, lagi siyang pinapatay sa mga pelikula,” natatawang recall ni Lala. “Sobrang nasasaktan ako. Iyak kami nang iyak pag pinapanood namin ’yong pelikula. Traumatic sa akin ’yon no’ng bata ako.

“But then, once I learned about his work, mas lalo akong humanga…not only because of his talent but also because of him having close relationship with the people around him. Doon po ako mas saludo sa kanya.”

At nakakabilib din kung paano sila pinalaki ng kanyang Daddy Roi. Simpleng buhay lang daw sila at never nitong in-assert ang pagka-celebrity nito kaninuman. Kaya nga maski siya, hindi agad naging aware na artista pala ang tatay niya.

“Growing up, sinanay kami ng papa ko na maging simpleng tao… like to live in the province, pag mag-aaral hindi laging naka-service. Minsan naglalakad lang ako pauwi from school. Ayaw nila kaming paranasin na masyadong kang parang importanteng tao. Gusto niya kaming maging regular na tao lang. Kaya isa ’yon sa pinagpapasalamat ko sa tatay ko, na pinalaki niya kami nang simple.”

Supportive naman daw ang dad niya sa plano niyang mag-showbiz. Medyo kinabahan lang daw nang malamang gusto na rin niyang umarte. Dati daw kasi ang music lang ang alam nitong puntirya niya.

“Sabi niya, ‘Naku, pag arista, bawal tumanggi sa role kasi baka hindi ka na kunin…

When asked kung advantage or disadvantage bam aging celebrity kid sa showbiz, both and sagot niya.

“Advantage because s’yempre parang nilagay na sa bag mo ’yong ugali, talent, at ’yong creativity ng isang artista. Pinrepare ka ng magulang mo para sa ganitong lifestyle. Kumbaga, meron kang support system galing sa mga taong sumusuporta sa tatay mo.

“But disadvantage because of pressure at ’yong isipin ng mga tao nakuha mo ’yong mga projects because of your dad. Kaya nag-audition din po ako kasi parang natatamaan ’yong ego mo as an artist. Na-challenge ko doon, which is also good.

“Big shoes to fill. But I’m thankful but also pressured—in a good way.”

SANDRO MUHLACH

Bata palang daw ay sinasama na siya ng daddy Nino Muhlach niya sa mga shooting nito lalo na pag maganda ang location like Manila Zoo. Nasanay na rin daw siya nai-interrupt ang pagma-malling niya dahil maraming nagpapa-picture sa dad niya.

At bata palang din daw siya ay ine-encourage na siya ng dad niyang mag-artista. In fact, dahil nagte-theater play director din ang dad niya, kaya ang unang sabak niya sa acting ay ang impromptu nitong pagsalang sa kanya sa isang stage play.

“Sinabak lang ako basta, binigyan ako ng script, pina-memorize sa akin ng one hour,” natatawang recall ni Sandro.

It’s these little snippets of celebrity life kaya marahil dito na rin nabuo ang dream niyang maging artista like his dad.

But Sandro takes pride in the fact na hindi siya nagpatulong at all sa dad niya para makapasok sa GMA Artist Center.

“Tiningnan ko lang po IG ng GMA Artist Center na nagpapa-audition sila,” pagtatapat niya. “Nag-audition ako, nagdasal talaga ako. Actually eight months ako ng nag-audition bago ako natanggap. As in pasa ako nang pasa ng mga audition videos. Hirap na hirap akong makapasok until noong December, tinawagan ako ng GMA Artist Center na nakapasok ako. Pinagdasal ko talaga siya, iniyakan…”

Kaya nga aminado siyang nasasaktan siya kapag sinasabing dahil sa tatay niya kaya siya nasa showbiz ngayon.

“Parang ’yong mga comments kasi sa akin, ‘O si Sandro, naging artista lang yan dahil anak ni Niño Muhlach.’ Hindi gano’n, e. Hindi porke’t anak ka ng artista madali ka nang makakapasok. No. Kaya  naha-hurt ako pag sinasabi ng mga tao na dahil anak ng artista…Nag-audition talaga ’ko.”

Aware din siya Sandro that he has big shoes to fill. St add pa sa pressure na galing siya sa isang showbiz clan talaga.

“Ang dami kong kamag-anak sa showbiz—Aga Muhlach, Arlene Muhlach, Almira Muhlach, dad ko…Oh, my God! Pero dini-diffrentiate ko sarili ko sa kanila. I’m just doing my best as an actor.”

BRIANNA BUNAGAN

Brianna is the second—and only girl—among Michael V’s four kids. At dahil bago pa man siya ipinanganak ay artista na ang kanyang iconic dad, kaya normal lang sa kanya ang lahat. Unaware na hindi pala common ang magkaroon ng celebrity parents.

“For as long as I can remember, work lang po niya ’yon para sa amin. Hindi po siya big deal. Nakakatawa kasi later in life lang nag-start to sink in na hindi pala normal para sa ibang bata na makita ’yong dad nila na naka-cross dress. [sa TV]. So, ayon po. Bata palang kita ko na siya sa mga commercials especially ’yong Joy [dishwashing liquid] commercial? They’re everywhere.”

(Sa Bubble Gang, kung saan bahagi ng creative team si Bitoy—palayaw ni Michael V.—ay mahilig siyang mag-create ng mga female characters na siya din mismo ang uma-akting kaya madalas siyang lumabas nang naka-cross dress.)

Brianna, like her dad, is a singer-songwriter first. But she’s also open to doing teleseryes. At bata palang daw siya, nakita na ito ng parents niya kaya’t alam nilang darating ang panahon ang papasukin at papasukin niya ang showbiz. Isa lang daw ang naging kasunduan nila—ang tapusin niya muna ang pag-aaral. And she did.

The new Kapuso talent graduated from the Ateneo De Manila University with a bachelor’s degree in Fine Arts Major in Theatre Arts.

The beauty and brains says that for the most part, advantage sa kaya ang maging celebrity kid, especially because she’s proud of her dad.

“Kasi ’yong career ni daddy, ’yong passion niya, I’ve seen that growing up. And it has greatly affected me. Tapos, me and my dad, we share a lot when it comes to our passions…mahilig kami sa creatives, sa arts…and dad being in the industry before me, it has really opened the doors for me and I’m very thankfuk for that. And I’m just really excited for what the future has in store.”

ALEXANDRA YAP

Biro ni Alexandra Yap, ang magandang anak ng magaling na aktres na si Melissa Mendez, it took her “20 years” to convince her mom na payagan na siyang mag-artista.

Pero ang kondisyon daw nito ay tapusin muna ang pag-aaral na sinunod naman niya.

“I just graduated last year from college, nag-work po ako. I went corporate and I only started showbiz this year. So far, I’ve only been doing workshops,” panimula ng B.S. Management graduate from De La Salle University in Manila.

Pero kung siya daw ang nasunod, noon pa niya gusto.

“Sobrang growing up, I saw my aunt also, and I followed my mom to tapings and sobrang  that’s always been my dream also, to be able to show emotion and share authentic stories of people.”

Moreover, she adds: “Like Brianna, I also wanna share stories and be a voice also for the voiceless…I’m so excited for this journey.”

Like most celebrity kids, aware daw siya, at a young age, na artista ang mom niya.

“Sa bahay po kasi may mga poster ng movies niya before. And even at school, mga teachers ko din sinabi, ‘Nanay mo pala si Melissa Mendez…’ I got used to it.  Also, pag lumalabas may nagpapa-picture.”

Dahil pinili na niya ang showbiz path, advantage daw sa kanya na may nanay na artista.

“Kasi like sa workshop, may homeworks kami, my mom would help me out, ‘Ah pangit yan. Ganito gawin mo.’ Sobrang naa-appreciate ko ’yon kasi tinutulungan niya ako, gina-guide niya ako.”

Kung meron man daw disadvantage, ’yon ay ’yong realidad na she has big shoes to fill at may kakaibang ine-expect sa kanya ang publiko.

“Like sila mama and ang tita ko [Glenda Garcia, Melissa’s sister], sobrang galing nilang mga artista…Parang overwhelming kasi people have this…alam nila na artista ’yong parents mo, parang may ine-expect from you. But at the same time, I have this motivation to exceed their expectations.”

SAVIOUR RAMOS &TANYA RAMOS

Hindi rin daw secret sa magkapatid na Savior at Tanya Ramos na matinee idol ang dad nilang si Wendell Ramos.

Sanay na umano sila sa dialogue na: “Uy, tatay mo pala si Wendell Ramos?”

“Saka pag sinasama niya kami para mag-shopping sa Bench, kasi po bench model siya, nakikita ko po mga poster niya,” say ni Saviour.

Lagi rin daw silang bitbit nito sa mga tapings lalo na sa set ng Bubble Gang noon.

Pero noong nag-decide silang magkapatid na subukang makapasok sa showbiz ay hindi raw sila humingi ng tulong dito. Kaya nang makapasa sila pareho sa pa-audition ng GMA Artist Center, proud na proud daw ito sa kanila, pero hindi na raw na-surprise ito sa desisyon nila.

“I think he wasn’t  surprised at all kasi tri-nain niya na po kami, ’yong personality namin…and he gave us values and gano’n niya na po kami pinalaki,” say naman ni Tanya.

“He was proud and all kasi hindi naman po lahat natatanggap. Me and my brother, dumaan naman po sa mga auditions, mga panels…So, I think we worked hard naman po to achieve this and nagpapasalamat po kami sa GMA Artist Center for this opportunity.”

Pinatotohanan ito ni Saviour, na siya nga raw ay hindi nagpa-alam kaya naging proud ang dad niya nang malamang Kapuso artist na siya.

Prior to this, he had his acting debut via the online drama anthology “Unlocked” at naging bahagi na siya ng isang BL series called “Happenstance.” 

Mukang malakas talaga ang confidence nitong si Saviour. In fact, confident din niyang sinasabi madalas na gusto umano niyang malampasan pa ang narrating ng poging tatay niya.

“Ang big dream ko po talaga is malagpasan ko po ’yong dad ko. Gusto ko pong makilala bilang drama actor po, hindi po sexy and comedian. And gusto ko pong maging motivation sa ibang tao.”

And now that he and Tanya are starting their career in GMA, may lang ilang daw paalala ang kanilang daddy sa kanila.

“Lagi niya pong sinasabi sa amin ng sister ko is, ‘Ang pagiging arista, hindi yan biro, lifestyle yan. Kailangan mong mas maging reponsable, mas maging focused every day. Pag naging artista ka, lahat ng ginagawa mo dapat pinag-iisipan mo.’

“Basta pa may role daw po, kahit small roles yan… kahit ayaw mo ’yong role, dapat daw ipasok mo ’yong puso mo doon kasi doon  ka mas matututo, mapupuntahan mo ’yong success at mas gagaling ka doon.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



LOOK: 7 Celebrity Kids join the GMA Artists Center
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment