Manny Pacquiao, tuluyang nang isinampay ang boxing gloves


Excerpt from Manny Pacquiao’s farewell-to-boxing speech:  “To my boxing fans all over the world thank you very much.  I deeply appreciate your love and support.  Thank you for always praying for me and watching my fight through the years. Who would have thought that Manny Pacquiao will end up with 12 major world titles in eight weight different division? Even me, I am amazed of what I have done...hold the record of being the only boxer to hold world titles in four different decades and become the oldest fighter to win world welterweight title.”

Photos: @mannypacquiao

Excerpt from Manny Pacquiao’s farewell-to-boxing speech:  “To my boxing fans all over the world thank you very much.  I deeply appreciate your love and support.  Thank you for always praying for me and watching my fight through the years. Who would have thought that Manny Pacquiao will end up with 12 major world titles in eight weight different division? Even me, I am amazed of what I have done…hold the record of being the only boxer to hold world titles in four different decades and become the oldest fighter to win world welterweight title.”

Pormal nang ipinaalam ni Senador Manny Pacquiao sa publiko ang kanyang pagre-retiro sa kanyang boxing career ngayong tanghali, September 29, sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram accounts.

Nauna nang binanggit ito world-boxing champ sa panayam niya sa YouTube channel ni Toni Gonzaga-Soriano na in-upload noong September 19, 2021, ang mismong araw din ng pag-anunsyo niya ng kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo ng Pilipinas.

Pero marami ang hindi sumeryoso sa pahayag na ito ni Pacman kay Toni dahil nasambit na rin daw niya ito nang maka-ilang ulit noon pero hindi naman niya tinutupad.

Kaya ngayong araw, ay nag-live ang Pambansang Kamao para iparating sa kanyang 18M followers sa FB na seryoso siya sa sinabi niyang “goodbye” na siya sa boksing.

Sa simula ng video ay ipinakita ang walang-taong Wild Card Gym, ang training venue niya sa Los Angeles, California, na siyang naging saksi sa lahat ng malalaki niyang tagumpay sa international boxing arena. Dito siya madalas dalawin ng mga Hollywood celebrities na nagnais makadaupang-palad siya.

“Boxing has always been my passion,” bungad ni Manny sa kanyang professionally produced boxing farewell video. “I was given the opportunity of representing the Philippines, bring fame and honor to my country every time I enter the ring. I am grateful for all my accomplishments and the opportunity to inspire the fans.

“Sa pagkakataong ito hayaan n’yo po akong pasalamatan at bigyan pugay ang mga taong nagsakripisyo upang tulungan ako na maisakatuparan ang aking mga pangarap, maraming salamat po.”

At isa-isang binanggit ni Manny ang taong malaki ang naitulong sa kanya para matuto siyang mag-boksing. Nanguna sa kanyang listahan ang tiyuhin niyang si Sardo Mejia na siya umanong nag-introduce sa kanya sa sport na ito. 

Dito, binalikan din ni Manny kung paano siyang na-reject noong araw sa pag-a-apply niya para mapa-bilang sa Philippine Olympics team.

“Nangarap po ako ng pagkakataong makalaban sa Olympics, pero ngunit hindi po ako nakuha na maging bahagi ng Philippine Team,” pagre-reminisce niya. “Ni-reject po ako, sinasabing wala akong pag-asa sa boxing ngunit hindi po ako nawalan ng pag-asa. Hindi po ako na-discourage. Mabuti na lang tinanggap ako ng Davao Del Sur province upang maging bahagi ng kanilang boxing team. Sila po ay naniwala sa akin.”

Naikwento din niya na kinailangang iwan niya ang pamilya niya sa General Santos City para matupad ang kanyang mga pangarap. Sabay nito ay pinasalamatan niya ang mga taong kumupkop sa kanya na naging bahagi ng kanyang tagumpay. Inisa-isa rin niyang binanggit ang mga pangalan nila —coach, trainor, manager—hanggang sa nakarating na siya sa Amerika.

“To everyone in Team Pacquiao thank you for staking with me through the years,” saad ni Pacman.

Maging ang media na tumugaygay sa kanyang career ay pinasalamatan din niya.

“To all the media who have taken the time to tell my story and for supporting boxing, please accept my deepest appreciation.  I truly value your hard work. Thank you po.”

At s’yempre, ang mga boxing fans.

“To my boxing fans all over the world thank you very much.  I deeply appreciate your love and support.  Thank you for always praying for me and watching my fight through the years. Who would have thought that Manny Pacquiao will end up with 12 major world titles in eight weight different division?

“Even me, I am amazed of what I have done…hold the record of being the only boxer to hold world titles in four different decades and become the oldest fighter to win world welterweight title.”

Huling pinasalamatan ni Manny ang Diyos, mga magulang at kapatid, at ang asawang si Jinkee at ang kanilang limang anak.

Hiniling din niyang tulungan ang mga kabataang potential boxers na puno ng pag-asa’ng makapagdadala rin sila ng karangalan sa Pilipinas.

Matapos ’yon ay sinambit na ni Manny ang kanyang pamama-alam sa karerang boksing dahil papasok siya sa laban sa ibang larangan.

“It is difficult for me to accept that my time as a boxer is over,” aniya. “Today, I am announcing my retirement. 

“I’ve never thought that this day would come as I hang up my boxing gloves, I would like to thank the whole world especially the Filipino people for supporting Manny Pacquiao.

“Goodbye Boxing! I just heard the final bell, tapos na ang boxing maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. God is good all the time,” pigil ang luhang pagtatapos ni Manny.

Habang namamaalam ay ipinakikita ang vignettes ng kanyang mga nakaraang laban kasama ang mga taong tumulong sa kanya. Pinakita rin kung paanong nagdiriwang ang bayan sa bawa’t panalo ng nag-iisang Pambansang Kamao.

Dinagsa ng mga celebrities ang Instagram ni Manny para pasalamatan siya sa lahat ng karangalang naiuwi niya sa bayan. Kabilang sa mga sumaludo kay People’s Champ sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Rodjun Cruz, Marco Gumabao, Kris Lawrence, Dani Barretto, Enzo Pineda, at maging ang Top Rank play-by-play commentator for ESPN na si Crystina Poncher.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Manny Pacquiao, tuluyang nang isinampay ang boxing gloves
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment