Mosang, kilig na kilig sa mala-Robin Padilla’ng hirit ng boyfriend niya


Kung siya daw ang nagpapatawa on-cam, behind it ay siya naman daw ang kayang-kayang patawanin at pakiligin ng kanyang boyfriend na hindi niya pinangalanan. Mala-Robin Padilla daw ang style ng mga hirit nito.

PHOTOS: @marspamore on Instagram; INSET: imdb.com

Kung siya daw ang nagpapatawa on-cam, behind it ay siya naman daw ang kayang-kayang patawanin at pakiligin ng kanyang boyfriend na hindi niya pinangalanan. Mala-Robin Padilla daw ang style ng mga hirit nito.

Napaamin ang aktres at komedyanang si Maria Alilia Bagio o mas kilala sa showbiz bilang si Mosang na kinikilig s’ya sa mga banat ng kanyang nobyo. 

Nasabi n’ya ito sa episode ng morning show na Mars Pa More na ipinalabas kaninang umaga, September 29. 

Sumalang kasi si Mosang at ang isa pang guest na si DJ Durano sa segment ng show na “Pasabog na Chika” kung saan isa-isa silang sumagot sa mga tanong habang nag-i-inflate ng balloon. 

Ang siste, kailangan nilang sumagot ng as many questions as they can hanggang sa pumutok ang balloon na hawak nila na s’yang magsisilbi nilang timer. 

Unang sumalang dito si Mosang, ang Aling Baby ng comedy series na Pepito Manaloto, kung saan natanong nga s’ya kung sino ba huling ang nagpakilig sa kanya.

Dahil sa taranta ay napasigaw si Mosang ng, “D’yowa ko [na] 28 years old! Charot! Hahaha!”

Nang matapos silang lahat sa laro ay nahingan ng mga Mars Pa More hosts na sina Camille Prats at Iya Villania ng paliwanag si Mosang sa kanyang naging sagot. 

Proud kasing ibinida ng 49-year-old comedienne ang edad ng kanyang nobyo na hindi n’ya pinangalanan.

“Five years na kami ha,” proud pa ring sagot ni Mosang. 

Ani Mosang, kinikilig daw siya dahil mala-Robin Padilla daw kasi ang mga the moves at hugot ng boyfriend sa kanya. 

“Parang Robin Padilla ’yon, e. ’Yong mga hugot lines na natatawa ako,” paliwanag n’ya. “Pag minsan mag-uusap kami [sasabihin ko] ‘Oh, Babe, kumusta ka? Saan ka?’ Sasabihin n’ya, ‘Andito…sa puso mo.’ May mga pa-ganu’n-ganu’n.

“‘Hoy tumigil ka!’ Hahaha!” tugon naman daw n’ya dito in a pa-bebe way. 

Dagdag pa ng Kapuso comedienne, huling-huli daw ng nobyo n’ya ang kanyang kiliti kaya napapatawa s’ya nito kahit na sa kanilang dalawa ay siya itong nagpapatawa talaga sa TV. 

“May mga ganu’n s’ya. He’s a funny guy. Kahit alam n’yang komedyante ako s’ya ang nagpapatawa sa akin most of the time. ’Yong Robin Padilla na ugali, ’yon,” pagtatapos ni Mosang.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Mosang, kilig na kilig sa mala-Robin Padilla’ng hirit ng boyfriend niya
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment