Exclusive: Candy Pangilinan, nataranta sa pag-aakalang mako-Covid ang anak na si Quentin

Last October 16, Candy Pangilinan’s unico hijo, Quentin, turned 18. On day’s leading to his birthday, napansin namin sa Instagram ng aktres na tila madalas ang pre-birthday celebration nila sa bahay nila.

Natanong namin siya tungkol dito nang maka-exclusive one-on-one namin siya kamakailan. Aniya, ngayon palang daw kasi nauunawaan ni Quentin ang konsepto ng birthday.

[To the unfamiliar, si Quentin po ay diagnosed with both (ASD) Autism Spectrum Disorder at ADHD (attention deficit hyperactivity disorder).]

Kaya daw slightly big deal ang pagse-celebrate nila ng 18th birthday nito na may pa-Twitter party pa noon mismong araw ng birthday. Maski daw kasi si Quentin ay nagde-deklarang big boy na siya.

At proud na um-agree doon si Candy dahil malaki naman na talaga ang improvements ni Q (palayaw ni Quentin) lalo na daw noong pasukin nilang mag-ina ang vlogging. Maski daw ang loyal viewers nilang mag-ina sa kanilang YouTube Channel na meron ng 1.16M subscribers ay napansin din ang pagma-mature ni Quentin.

But did you know na some three weeks ago, nagka-Covid scare sa household nina Candy involving Quentin and his yaya. Na-paranoid s’yempre ang nanay kaya nag-isolate silang mag-ina sa isang room habang naghihintay ng result ng RT-PCR test Hindi p’wede syempre’ng iwanan mag-isa si Q.

May lumitaw daw kasing slight pink na guhit sa Antigen test nito kaya pina-RT-PCR to be sure.

At habang naghihintay ng result sa isolation room, nag-vlog nalang ang mag-ina habang naka-face mask all throughout si Candy. S’yempre with matching dasal na sana ay mag-negative dahil hindi niya alam kung paano sila tatagal mag-ina sa isolation ng 14 days. Moreover, usually ay sa ika-5th day lumalabas ang matitinding symptoms…ayaw s’yempre niyang makaramdam ng anuman ang anak lalo na sa espesyal na kalagayan nito.

“It was scary because hindi ko alam kung ano’ng gagawin kung talagang nag-positive siya,” pag-amin ni Candy. “Kung papaano? Though nu’ng time na ’yon nakikita ko naman sa kanya na parang okay siya.  Pero nag-iisip na ako ng mga paraan kung paano kami magsu-survive—kasi dalawa kami sa loob [ng room] kasi automatic ’yon kapag nag-positive siya, dahil kasama ko siya sa loob so automatic ako na rin yon diba?”

Inaliw nalang nang inaliw ni Candy ang anak during Day 1 ng kanilang isolation kahit na sa loob-loob niya ay kabadong-kabado siya. At sakaling nag-positive si Q, automatic na hawa siya dahil magka-sama nga sila. Although nagka-Covid na daw siya so, hindi niya alam kung immune na siya.

But in all that, hindi niya ipinaramdam kay Q na worried siya.

“Kasi s’yempre ’yong energy ko….’yon ang napansin ko kay Quentin, e, and I think most of the parents ganu’n din… ’yong kung ano ’yong energy nu’ng magulang, ’yon ang na-i-imbibe nu’ng bata. So, pag nararamdaman nila ’yong worry mo, stress mo, ganu’n din ang nararamdaman nila. So, kung ikaw steady, relaxed ka, parang happy ka lang, you make it very easy, very light…sila ganu’n din.

“Hindi nga niya naintindihan ’yong positive-negative. Sabi ko, pag positive… ‘E, di okey, mom.’ Sabi ko, ‘Hindi, hindi.’ Akala niya pag positive okey ’yon.

“The night before nu’n nakita ko na nu’ng nakita niya ’yong initial reaction namin na nag-positive siya doon sa antigen na may pink line ta’s nilayo na namin si lola niya ta’s nag-mask na lahat ng tao, nag-sanitize na dito ta’s diniretso na siya sa k’warto ta’s in-isolate na siya, nagtatanong na siya, ‘Who is sick?’ Sino daw may sakit?

“‘Are you sick mom?’ Ako pa talaga ’yong may sakit?

“Sabi ko, ‘No, Quentin, you’re sick.’

“Sabi niya, ‘What happened to me?’

“Sabi ko, ‘I think you have the virus but we are not yet sure.

“Sabi niya, ‘Why?’ Sabi ko, ‘I don’t know.’

“So, mahirap i-explain. gusto niya malaman kung bakit, kung paano at kung saan nakuha? And those are the things na kahit matanda hindi mo alam kung saan mo nakuha, diba? So, ‘I don’t know Quentin. I really don’t know. We just have to pray for it.’

“So, nu’ng natulog kami magkahiwalay kami ng kama. Nasa isang k’warto kami pero magkahiwalay kami at saka naka-mask ako. Naka-mask ako nakatulog, naka-mask din siya natulog. So, it’s like that.”

Mabuti nalang at negative ang naging resulta at agad lumabas ng room si Quentin na obvious namang inip na inip na.

And that’s their Covid scare story.

Pero may isa pang scary story si Candy, at ito ay ang horror-comedy movie niyang Sa Haba ng Gabi. Hindi lang kami sure kung ang scary ba doon ay ’yong fact na sila ang pinag-loveteam ni Jerald Napoles doon—in the presence of his real dyowa Kim Molina. O mas malamang ’yon ang comedy part?

Zombie film ang Sa Haba ng Gabi na ang istorya ay iikot sa kanilang tatlong mga katiwala sa mansion ng isang senador. Kung paano nila itatawid ang longest night na iyon ng kanilang buhay ang magbibigay ng scare at katatawanan sa pelikulang mapapanood na on October 29 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

 

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, since October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 



Exclusive: Candy Pangilinan, nataranta sa pag-aakalang mako-Covid ang anak na si Quentin
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment