Grand Finals ng PopPinoy, kasado na sa November


PopPinoy talent reality search is hosted by Paolo Ballesteros and Maine Mendoza (left). The six remaining band contenders are (clockwise from top left) Neu Climax, Yara, Upgrade, Fullout, A4OU, and Versus.

Photos: @popinoytv

PopPinoy talent reality search is hosted by Paolo Ballesteros and Maine Mendoza (left). The six remaining band contenders are (clockwise from top left) Neu Climax, Yara, Upgrade, Fullout, A4OU, and Versus.

Ilang linggo na lang ay grand finals na ng PoPinoy na napapanood sa TV5. Sa November 7 na kasi ang naka-takdang grand showdown ng nationwide reality talent show na ito na ang aim ay mahanap ang “country’s next biggest pop band.”

Twenty weeks din ang inabot pag-follow sa journey ng mga aspiring Pop Pinoy band members na dumaan sa iba’t-ibang challenges at rigorous trainings.

Sa 22 groups na nakapasa sa auditions na ginanap noong June ng taong ito, tatlong all-girl groups at tatlong all-male groups ang natira. Sila ay ang mga Pop Dreamers na  Full Out, Upgrade, Versus, A4OU, Neu Climax, at Yara. Sila ang maglalaban-laban para sa top spot at tinatayang magiging “next generation’s frontrunners” daw sa music industry.

Ang producer ng show, ang APT Entertainment, ay may malakas na paniniwala sa mga bagong tuklas na grupong ito.

And expected na rin naman siguro, tulad ng sinabi ng isang Triple A insider na, “’Yung winners ng PoPinoy, mako-kontrata na sa Triple A. At may mga plano na para sa kanila.”

Sa survival reality show na ito, tila ini-adopt naman talaga ang istilo ng South Korea sa pagdi-discover at pagti-train ng mga aspiring idols. Ipinakita ang journey nila bilang artists sa paggawa ng kanta, pagko-conceptualize ng mga performances, developing their personalities, at pagho-hone pa ng kanilang talento sa pagkanta at pagsasayaw through the Pop Academy.

At linggo-linggo nilang ipinapamalas ng mga Pop Dreamers ang kanilang mga bagong natutunan sa harapan ng mga Headhunters na sina Maja Salvador, DJ Loonyo, Mitoy Yonting, at Kayla Rivera.

At kung may magiging kaibahan man ang PoPinoy sa mga exisiting groups ngayon na halos karamihan ay KoPinoy [Korean-Pinoy]-inspired dahil mas lamang ang Korean influence sa music at style, ang aim daw ng PoPinoy ay makapag-produce ng grupo na ang ipo-promote at isu-showcase ay Pinoy pride sa pamamagitan ng musika.

Abangan na lang sa finale ng PoPinoy kung sino ang magiging newest P-Pop Stars kasama ang mga headliners na sina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Grand Finals ng PopPinoy, kasado na sa November
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment