Viral cover band na GG Vibes ni Gigi De Lana, may single na

Habang sinusulat namin ito ay kulang 250k views na ang “Sakalam” music video ni Gigi De Lana, finalist sa “Tawag ng Tanghalan” noong 2016 na ngayon ay isa ng talent ng Rise Artists Studio.

Si Gigi din ang vocalist ng GG Vibes band, na sumikat dahil sa nag-viral na cover nila ng “Bakit Nga ba Mahal Kita?” ni Roselle Nava. Umabot na 15M and collective views ng kanilang cover performance sa iba’t ibang online platforms.

At eto na nga ngayon, they’re are launching their debut single, “Sakalam,” na sinulat ng bandmate nilang si Romeo Marquez, katuwang ang boyfriend ni Gigi na si Erwin Lacsa na siya ring may-ari ng Tritone Studios kung saan nagla-live streaming ang kanilang grupo tuwing Miyerkoles at Sabado ng gabi.

Sa ginanap na global virtual mediacon nina Gigi at ng GG Vibes band para sa launching ng “Sakalam,” naging emosyonal ang una dahil ang sarap daw basahin ng mga feedback ng publiko sa kanila at sa kanta nila.

“’Yung puso ko umaapaw ngayon kasi ng dami naming pinagdaanan, pinaghirapan,” madamdamang lahad ni Gigi. “We are not perfect but you still love us for who we are and we are very, very thankful for that.”

“We’re very happy kasi hindi kami bumitaw doon sa goal namin and gusto naming marating even though we have different visions, we have different goals,” dagdag ni Gigi. “Pero nu’ng nagsama-sama ulit kami at nabuo namin itong ‘Sakalam’ na napakagandang song na ito. Thanks to Romeo and Erwin, we had our first single. We are so happy. I’m very happy.”

Break-up song ang “Sakalam” kaya ramdam namin ang sakit habang pinapanood namin ang music video nito. Agad daw makaka-relate dito ang mga naghiwalay na couple, na siya ring nangyari sa songwriter na si Romeo kaya nga niya naisulat ang kanta. Sariling hugot niya, kumbaga.

Ang Sakalam ay ang usong baligtad na salita ngayon na ang ibig sabihin ay malakas. At dahil uso, naisip nina Romeo at Erwin na gamitin ng titulo ito ng kanilang first single.

Bilang katuwaan sa kanilang media conference, natanong ang magba-bandmates kung ano ang maituturing nila ng “sakalam” career experience na hindi nila malilimutan?

Naunang sumagot ang sumulat ng liriko na si Romeo.

“Ako ’yung nagkaroon kami ng Gigi house,” natatawang agap ng lyricist na si Romeo. “Kasi before uwian kami nakakapagod tapos delikado.  Minsan ako personally dito ako natutulog sa studio. Although nami-miss ko ’yung family ko. Pero alang-alang sa goal ng band…’yun ang sakalam sa akin.”

“For me naman nu’ng nabuo itong GG Vibes,” hirit ni L.A. Arquero. “That’s very sakalam for me kasi eto hindi lang ito banda, e, pamilya…kaibigan na namin ang bawa’t isa. So, iyon ’yung pinaka-sakalam moment. Tapos nandito na kami ngayon. That’s very sakalam for me.”

“Ako kasi ’yung sakalam moments ko nu’ng nabuo tayo,” balik-tanaw ni Jon Cruz, sabay hagod ng tingin sa mga kasama. “Kasi ’yun talaga. Dati kasi dalawa lang kami. Kung nakita n’yo dati ’yung music videos namin, dalawa lang kami ni Gigi. Tapos unti-unti kaming nabubuo. Parang, ‘Wow, eto na!  Nangyari na.’ 

“Kasi talagang plan na namin dati iyon ni Tritone (Erwin) na gawin ito, ’yung ating Facebook Live, YouTube Live…Talagang nakalatag na ’yan. Hindi lang namin alam kung kelan kasi wala kaming funds…wala kaming funds para sa transportation kasi nga wala naman kaming work kasi pandemic.

“So, ’yung unti-unting makuha namin ’yung isa, parang ’yun na ’yung sakalam moments…na si Romeo muna, tapos si Jake, si L.A…so ’yun na ’yung pinaka-sakalam.”

Iba naman ang kuwento ni Jake Manalo dahil hindi ito tungkol sa grupo nila kundi tungkol sa asawa niya na buntis daw pala nang hindi niya alam.

“Ang sakalam moment ko ’yung sa misis ko…’yung six months na pala siyang buntis hindi ko alam. So, nagulat ako nu’ng magpa-check up kami. Umiiyak siya pagpasok ng sasakyan tapos pagtingin ko do’n sa (ultrasound results) hindi ko maintindihan, sabi ko ‘Ano ’to? 153 ang heart beat mo? Ang bilis ng heartbeat mo, high blood ka?’ Tapos ’yun pala buntis siya,” seryosong kuwento ni Jake.

Ani Jake, matagal na nilang ipinagdadasal na mag-asawa na bigyan sila ng anak.

“Ang tagal. Actually nalaglagan siya ng baby, tapos heto na. Iyon ang pinaka-sakalam moment ko.”

Ang pag-aaway daw ng GG Vibes sakalam moment naman ni Gigi.

“Kasi kino-confront namin ang isa’t isa,” lahad ng only rose among the thorns. “Kasi hindi namin sinu-sugar coat. ’Yun ang pinaka-sakalam moment sa akin kasi doon namin mas nakilala ’yung isa’t isa.  Doon namin mas inaayos ang relationship namin… kung paano kami mag-trabaho sa grupo, kung paano kami makisama sa isa’t isa, kung ano ’yung dapat naming gawin.

“And ang pinaka-sakalam sa akin is we are getting better,” nakangiting sabi ng dalaga.

Samantala, hindi lang singer si Gigi kundi isa rin siyang artista. Nakasama na siya sa pelikulang Four Sisters Before the Wedding nina Charlie Dizon, Gillian Vicencio, Belle Mariano and Alexa Ilacad na ipinalabas sa iWant nitong 2020 at kasalukuyang nasa Netflix ngayon.

May international series na rin si Gigi kasama si Gerald Anderson, ang Hello Heart, na kaka-anunsyo lang ng Star Creatives nitong Oktubre 12.  Ipapalabas naman ito sa streaming platform na iQiyi. 

Anyway, looking forward sina Gigi at GG Vibes band niya sa 1MX Dubai Filipino Music Festival sa Disyembre kung saan participants sila. 

Mapapakinggan naman ang “Sakalam” sa iba’t ibang digital music platforms. Ang music video naman nito, na dinirek ni Chad V. Vidanes at pinagbidahan din ng aktor na si actor Markus Paterson, ay mabu-view sa  Star Music YouTube Channel.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Viral cover band na GG Vibes ni Gigi De Lana, may single na
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment