Mahjong Nights lead actress Angeli Khang, thankful sa pagkakaroon ng Pinoy and Korean blood


Dahil walang boyfriend ang VMX Crush na si Angei Khang, natanong siya kung ano ang mas type niya sa lalaking mamahalin, kung kasing edad daw ba ni Jay Manalo o ka-edaran ni Sean De Guzman? “I think po, not too old but also not too young. ’Yong mature mag-isip pero masaya kasama,” pahayag ni Angeli.” (Both actors are his co-stars in her launching movie Mahjong Nights.)

PHOTOS: Viva

Dahil walang boyfriend ang VMX Crush na si Angei Khang, natanong siya kung ano ang mas type niya sa lalaking mamahalin, kung kasing edad daw ba ni Jay Manalo o ka-edaran ni Sean De Guzman? “I think po, not too old but also not too young. ’Yong mature mag-isip pero masaya kasama,” pahayag ni Angeli.” (Both actors are his co-stars in her launching movie Mahjong Nights.)

Itinuturing na asset ng showbiz newbie na si Angeli Khang ang pagkakaroon ng magkahalong dugong Pinoy at Korean.

Ikinuwento n’ya iyan sa virtual media conference ng launching movie n’ya na Mahjong Nights kamakailan. Natanong kasi s’ya ng entertainment press kung paano n’ya makukuha bilang Filipino-Korean beauty ang atensyon ng Pinoy viewers na fans ng Korean pop culture. 

Sagot ng aktres, it comes naturally daw dahil nararamdaman n’ya ang amazement mula sa mga taong nami-meet n’ya kapag nalalamang she has mixed heritage. 

“Thankful ako na half-Korean ako dahil pag naririnig ng mga tao na may half [blood] ako naa-amaze sila. And lalo na po na magaling ako magsalita ng Tagalog,” pahayag ng soft spoken na si Angeli.

Sabi po [’yan] ng mga nakakasabayan ko lalo na sa mga pag-uusap with my friends sa US. Sobrang thankful po ako na meron akong knowledge na ganito and meron po akong asset.”

At dahil marunong din s’ya magsalita ng Korean language, natanong si Angeli kung pumasok ba sa isip n’ya na subukan ang mag-artista sa Korea. 

“It’s a privilege po kung sakali man na maging artist ako sa ibang bansa dahil it’s Filipino pride,” sagot n’ya. “And sobrang blessed ko dahil makakamit ko at mas lalaki ang kinakamit ko sa buhay.

Heto nga’t matapos ang tagumpay ng first movie n’ya na Taya, isang sexy-thriller film naman ang agad na kasunod kung saan bida na siya, ang Mahjong Nights. Dito ay muli n’yang makakatambal ang kanyang Taya co-star na si Sean De Guzman, habang first time naman niyang makaka-trabaho ang seasoned actor na si Jay Manalo. 

Gaya sa pelikulang Taya, daring at palaban din ang role ni Angeli sa Mahjong Nights kung saan gaganap s’yang si Alexa, ang babaeng momolestiyahin ng stepfather n’yang si Leo na character naman si Jay. 

Dahil pangalawang movie na n’ya ito na sexy ang tema, natanong din ang Viva actress sa reaction ng kanyang parents o boyfriend tungkol sa paghuhubad n’ya sa pelikula. 

’Yong mom ko po, very supportive po talaga siya dahil ’yong mom ko po, kasama ko dito sa Philippines,” lahad ni Angeli. “Sabi niya po sa akin as long as wala raw po akong natatapakan na tao at gusto ko ’yung ginagawa ko, support po siya hanggang sa dulo.

Wala po akong boyfriend,” agad ding paglilinaw niya. “I think career muna [ang uunahin ko]. Basta nandyan na ’yong love I’ll gladly accept it naman.

At dahil single ang aktres at present, inusisa pa s’ya ng press kung ano ba ang mas type niyang lalaki, kasing edad ni Jay Manalo o ka-edaran  ni Sean De Guzman?

“I think po, not too old but also not too young. ’Yong mature mag-isip pero masaya kasama,” pahayag ni Angeli. 

Maliban kina Jay at Sean, makakasama din ni Angeli sa Mahjong Nights sina Mikee Ferriols, Arnel Ignacio, Jamilla Obispo at Maricel Morales.

Mapapanood na ang launching movie ni Angeli Khang, which was directed by Lawrence Fajardo, sa Vivamax starting November 12.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also starting October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Mahjong Nights lead actress Angeli Khang, thankful sa pagkakaroon ng Pinoy and Korean blood
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment