Ruffa Gutierrez, minsang pinangarap maging congresswoman para maisulong and divorce bill

Nasugod-dressing room ni vlogger/comedian Ogie Diaz ang magka-kaibigang Janice de and Gelli de Belen at Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN. Kapwa mga guests kasi ang tatlo sa Magandang Buhay at habang naghihintay na mai-salang ay sumingit ng tsika si Ogie para sa kanyang vlog.

Naka-sentro ang interview kay Ruffa dahil gusto sanang hingin ni Ogie ang reaksyon niya tungkol sa isang “Reina ng Tahahan” contestant na napahiya umano sa paninita ni Ruffa dito. May kinalaman iyon sa pag-iiwan ng contestant ng anak niya sa nanay niyang hirap din sa buhay.

Ayaw patulan ni Ruffa ang isyu. Ang mahalaga daw ay naipag-fundraiser na nila ang nanay ng contestant para matulungan ito kahit papaano.

Kaya nabaling nalang ang tsikahan sa pulitika. Natanong ni Ogie sa kanya kung may mga nagkumbinse din ba sa kanya na lumahok sa pulitika gaya ng ibang mga artistang sumusubok na sa larangang ito.

Marami na,” pag-amin ni Ruffa. “Marami nang kumukuha sa akin bilang konsehal, party-list [representative], whether sa Quezon City or sa Cebu. And talagang sabi ko, ‘Hindi.’” 

Aminado kasi s’ya na hindi pa ganu’n ka-lawak ang alam n’ya sa politics at masaya naman daw s’ya showbiz. 

Nag-e-enjoy ako sa buhay-showbiz,” paliwanag n’ya. “Ako naman, ayokong pumasok sa isang bagay na alam kong hindi ko magagawa ’yong best ko.

At kung bibigyan man daw s’ya ng opportunity to serve the public, mas bet n’ya ’yong through appointment na lang at hindi na kailangang daanin pa sa botohan. 

“And if ever pumasok ako sa politics, ang gusto ko talaga parang…Gusto ko talaga parang [nasa] Department of Foreign Affairs, ’di ba, or Secretary of Tourism [department],” pag-amin pa ng Binibining Pilipinas-World 1993 titlist. 

P’wede akong pumunta sa ibang bansa to represent the Philippines. Parang feeling ko mas bagay sa akin ’yong ganu’ng posisyon. 

Hindi ’yong botohan pa, appointment [na lang]…na something na I enjoy doing na bagay sa akin and akma sa knowledge na alam ko.

Mangangampanya na lang ako sa mga friends ko,  hahaha!” natatawang dagdag niya.

At dito na n’ya naisip magbiro na gusto n’ya rin daw maging first lady o ang unofficial title na karaniwang hawak ng asawa ng presidente.

Ay, first lady na lang. Pa-wave-wave. Ganu’n na lang, first lady na lang. P’wede,” ani Ruffa.

Pero tanong sa kanya ni Ogie: “First lady nino?

Ay wala pa,” mabilis n’yang sagot. “Can you find me someone? Hahaha! Sino ba? Wala!

Pakiramdam naman daw n’ya ay magiging mabuti s’yang first lady kung sakaling magkatotoo ito. 

“Feeling ko I’ll be a very good first lady, ’di ba?” lahad n’ya. “At least ’yon hindi talagang, ‘Ruffa, kailangang gawin mo ’to,’ ’di ba? I can help because gusto ko…

Putol naman sa kanya ni Gelli: “So, ano’ng first project mo as first lady? S’yempre may mga ganu’n ’yan, e…”

Lahat!” sagot ni Ruffa.

Ano nga?” giit naman sa kanya ni Janice.

Ang first na gagawin ko, actually, magpapatayo ako ng mga houses [para] sa mga mahihirap…” seryosong patol naman ni Ruffa.

Sa’n mo kukunin ang pera? Sa’n ka kukuha?” muling tanong sa kanya ng magkapatid na de Belen.

“I’m gonna ask and say, ‘Hi, guys. Can you please give me some donations ’cause I’m planning to… I’ll give them receipts naman, ’di ba?” natatawa pa ring sagot n’ya. 

At muling sumingit si Gelli, “What’s your next [project]? Kasi…how many years ang presidency? Six years ba?

Dito na medyo naloka si Ruffa. 

Ay, ano ba ’to? First lady ng president? Akala ko ano lang, first lady ng, you know, a city. Hahaha! [Pang-] president pala ’to. D’yos ko.

Naiisingit tuloy ni Ogie ang pangalan ni Herbert Bautista, ang former mayor ng Quezon City at kakandidato ngayon as senador, na kasalukuyan ding nali-link sa kanya matapos nilang gawin ang series na The House Arrest of Us.

Ano namang kinalaman n’ya dito sa ating usapin?” pairap na tanong ni Ruffa.

Paliwanag ni Ogie, nali-link nga daw kasi sa kanya ngayon ang actor-turned-politician. 

Talaga? Hindi ko nga alam, e. My God,” pabirong sagot ng aktres. “Si kuya na naging mayor na ngayon ay senador na [ang tatakbuhan]?”

Wala mang inamin kung may katotohanan ang bali-balita sa kanilang dalawa pero susuportahan daw n’ya ang kandidatura nito ani Ruffa.

“Let’s support him naman. He’s a nice person. At may pinag-aralan,” pagbibida pa ni Ruffa kay Herbert. 

At hindi s’ya kasali sa mga [taga-] showbiz na katulad ng mga...Ummm! ‘Ay, bakit s’ya tatakbo?’ Di ba? Ito may pinag-aralan. P’wede…p’wede,” ma-intrigang paghahambing pa ni Ruffa sa mga di pinangalanang tao.

On a serious note, importante daw talaga ang may pinag-aralan bago sumabak sa pulitika para alam ng kandidato ang kanyang gagawin once na manalo s’ya. 

Alam mo lahat ng bagay p’wede mong gawin basta paghandaan, may pinag-aralan ka, alam mo ang gagawin mo. Hindi ’yong papasok ka sa isang bagay na wala kang alam,” seryosong saad niya.  

Naihalimbawa pa n’ya sarili. Goal n’ya daw kasi ngayon na tapusin ang kanyang college degree. 

“I’m studying now. I’m finishing my college. Kasi I’m a high school graduate so I have to finish my college [studies] because I prioritized my career [before],” pagbabahagi n’ya sa video.

At sa puntong ito niya naalala na minsan na niyang naging pangarap maging congresswoman para maisulong ang divorce bill ang turn it into law.

“When I was a kid kasi my dream was to become a congresswoman,” pagbabalik-tanaw niya. “I really want to file the divorce bill. And I want to create laws for women and children based sa experience natin dito sa ‘Reina Ng Tahanan’ [sa It’s Showtime].”

Dahil daw kasi sa mga hinaing ng nanay contestants sa “Reina ng Tahanan,” na usually ay may kinalaman sa pamba-babae at pang-a-abuso ng mga asawa nila, kaya mas na-realize niyang kailangan nang maisulong talaga ang diborsyo sa Pilipinas. 
 
Kung papano ko gagawin, hindi ko pa alam. Hindi ko pa pinag-aaralan ’yon. Pero kung papasok [ako] sa bagay na ’yon I have to know about it. Hindi naman tayo pupunta doon na parang wala kang alam,” pagtatapos ni Ruffa.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Ruffa Gutierrez, minsang pinangarap maging congresswoman para maisulong and divorce bill
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment