Rita Avila to Isko Moreno: “Meron ka namang nagawang tama kaso mas malakas ang tama mo.”


Tinuligsa ni Rita ang lumabas na pahayag ni Mayor Isko laban sa Vice President ng bansa ngayon na si Leni Robredo at isa sa makakalaban nito sa pagka-Presidente. “Ang babaw yorme,” ani Rita. “Yan lang ang kaya mong isipin at sabihin?

Photos: @iskodomogoso / @msritaavila

Tinuligsa ni Rita ang lumabas na pahayag ni Mayor Isko laban sa Vice President ng bansa ngayon na si Leni Robredo at isa sa makakalaban nito sa pagka-Presidente. “Ang babaw yorme,” ani Rita. “Yan lang ang kaya mong isipin at sabihin?

Magkasunod ang naging Instagram post ng actress na si Rita Avila laban sa dating actor-turned-Manila mayor at ngayo’y isa na sa mga presidential aspirants sa May 2022 elections na si Isko Moreno.

Tinuligsa ni Rita ang lumabas na pahayag ni Mayor Isko laban sa Vice President ng bansa ngayon na si Leni Robredo at isa sa makakalaban nito sa pagka-Presidente.

Ang quote ni Mayor Isko, na ginamit ng @inquirerdotnet sa kanilang Twitter quote card na inilabas noong October, 8, ang pinuntirya ni Rita. Nirepost niya ang quote card, kung saan ang statement ni Isko ay lumalabas na kumukuwestiyon sa motibo ni VP Leni sa pagtakbo nito bilang president.

“’Yan lang ba ang dahilan kung bakit siya tatakbo? Paano naman kaming mga Pilipino, wala kaming trabaho?” usig ni Mayor Isko sa statement.

“Bakit kailangan uminog ang mundo namin ngayon sa away ng Marcos at Aquino?  Sa away ng anak ni Marcos, at mga anak at kasama ng yellowtards?” patuloy ng statement ng mayor.

Ang statement na iyon ng Manila mayor laban sa dati niyang “kabati” na si VP Leni ay nag-ugat sa statement naman ni VP Leni na ang stand at paghanga ni Mayor Isko sa mga Marcos ang nag-trigger sa kanya para tuluyan nang tumakbo sa pagka-presidente independently.

Non-negotiable umano ang katangiang ito ng mayor para sa kanya. Ito ang isa sa last effort ni VP Leni to unite the opposition para tapatan ang administration party na hindi nga nangyari.

Sa unang Instagram post na ito ni Rita, malinaw na tinawag nitong “mababaw” si Isko. At sarkastikong nagpalasamat din dahil agad daw ipinakita nito ang kanyang tunay na kulay.

“Ang babaw yorme,” bungad ni Rita. “Yan lang ang kaya mong isipin at sabihin? Kung hindi mo makita ang buti sa mga sinabi ni VP, kakahiya ka naman.

“Maganda nga ang sinabi tungkol sa ‘yo ni VP Leni. At ikaw din maganda sinabi mo sa kanya nung nakaraan. After few days ganyan ka na? Gollum lang? Paiba-iba ng mukha at sinasabi?

“At yellowtards pa talaga ha? Ako nga ayoko pag tinatawag ang mga DDS ng Dutertards kasi ‘di naman dapat magpakababa ng pagkatao by calling them that just bec. DDS sila.

“Pasensya na ha? Pero salamat sa pagpapakita mo ng kulay.”

Sa unang IG post na ito ni Rita, nag-post naman ng comment ang actress na si Pinky Amador na tila na-disappoint din kay Isko.

Ayon sa comment ni Pinky: “And to think na less than 1 month ago magkasama pa sila sa vaccine express ni VP Leni. What a turn-coat! Mabuti na rin na habang maaga pa magkaalaman na hindi ka deserving mag-presidente. What a disappointment.”

Sa kasunod na Instagram post ni Rita, ginawan niya ng collage ang ilan sa mga comments ng netizens na hindi rin nagustuhan ang mga naging pahayag ni Isko.

Ilan sa mga obserbasyon at akusa sa Manila mayor na mababasa sa mga comments na pinost ni Rita ay gaya ng:

“Younger version of Duterte.”

“Pasalamat po tayo lumabas agad tunay na kulay.”

“Hindi ito away ng pamilya! Kundi mga ninakaw sa bayan na pagbabayaran ng ating mga kapu-apuhan!”

“Bakit ang tanga?”

“Gosh! Isko, you can go this low? Sayang! What a disappointment?”

At sa caption ni Rita, ni-reveal din nito na mabuti na lang daw at hindi siya natuloy na gumanap bilang nanay ni Isko sa biopic nito. Tila sinunod nito ang instinct niya kaya hindi niya umano tinanggap.

Kung tama ang hinuha namin, ang tinutukoy na pelikula ni Rita ay ang Yorme, The Movie. Hinindian ito ni Rita kahit malapit sa kanya ang director nitong si Joven Tan.

“Klarong-klaro naman mga Pilipino. Mayor Isko Moreno, aga mo namang pinahamak ang sarili mo. Pero salamat dahil nalaman agad namin ang pagkatao mo,” matalas na saad ng aktres na muling diretsong naka-address kay Mayor Isko.

“Buti talaga na di ako ang lumabas na nanay mo sa pelikula mo. Mahal ko ang director pero di talaga maganda ang kutob ko sa ‘yo.

“Pinagtanggol pa kita nung siraan ka ng pangulo tungkol sa bold photos mo. Meron ka namang nagawang tama kaso mas malakas ang tama mo. 

“Pasensha na ulit. Sa tama at tutoo lang ako.”

Kasunod nito ang mga hashtags niya na #truecolors at #mayoriskomoreno.

Sina Rita at Isko ay masasabing parehong mga produkto ng That’s Entertainment ng namayapang Master Showman na si German Moreno. Naging magka-kuwadra din sila noon sa bakuran ng Seiko Films ni Robbie Tan.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Rita Avila to Isko Moreno: “Meron ka namang nagawang tama kaso mas malakas ang tama mo.”
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment