VMX Crush Angeli Khang, hindi nagpapa-pressure sa comparison kay AJ Raval


Hindi raw akalain ni Angeli Khang na after Taya ay magli-leading lady na siya sa kasunod niyang pelikula. “Sobrang feel ko po na blessed ako dahil sa second movie ko, leading lady agad ako...sobrang nakaka-flatter po na makasama si Sir Jay [Manalo] and si Sean [De Guzman] sa movie.”

Hindi raw akalain ni Angeli Khang na after Taya ay magli-leading lady na siya sa kasunod niyang pelikula. “Sobrang feel ko po na blessed ako dahil sa second movie ko, leading lady agad ako…sobrang nakaka-flatter po na makasama si Sir Jay [Manalo] and si Sean [De Guzman] sa movie.”

Wala daw nararamdamang pressure ang new sexy-drama actress na si Angeli Khang sa kaibigang aktres na si AJ Raval na isa sa mga kasama n’ya sa tinatawag na VMX Crushes.

Ibinahagi n’ya ’yan sa virtual media conference ng upcoming sexy-thriller Vivamax movie na Mahjong Nights, kahapon, October 14. 

Natanong kasi ng entertainment press ang showbiz newbie kung may pressure ba on her end dahil natural lang na lagi siyang maikukumpara sa mas nauna sa kanyang si AJ Raval.

Pareho kasi silang Viva artists na tila iisa din ang tinatahak na career path sa showbiz ngayon, ang pagpapa-sexy sa mga pelikula. Katunayan, nagkasama na silang dalawa sa psychedelic-erotic-thriller movie na Taya na napapanood pa rin ngayon sa Vivamax. 

Ako at si AJ, we’re really good friends,” sagot ng soft-spoken na si Angeli. “Talagang magkaka-vibes kami from Taya pa lang and I think, we shouldn’t compare different individuals.”

Thankful naman ang Korean-Filipina beauty na after n’yang mapasama sa Taya ay heto’t launching movie na n’ya ang ikalawa n’yang pelikula, ang Mahjong Nights, directed by Law Fajadro. 

Sobrang feel ko po na blessed ako dahil sa second movie ko, leading lady agad ako…sobrang nakaka-flatter po na makasama si Sir Jay [Manalo] and si Sean [De Guzman] sa movie,” lahad pa ni Angeli.

Napuri pa n’ya ang dalawa n’yang co-stars sa pagiging supportive at protective daw ng mga ito sa kanya habang ginagawa nila ang pelikula.

“Off-cam, sobrang bait po talaga ni Sir Jay and tinuturuan niya po ako sa mga ad libs at kung anong ia-act at kapag hindi po ako marunong i-act ang ibang scenes, siya po ’yung gumagabay sa akin at s’ya po ’yong nagko-cover sa akin,” pagre-recall ng 20-year-old Viva actress. 

Si Sean naman po, sobrang friendly po and lagi kaming magkasama and lagi kaming nagkukulitan sa set.”

Nausisa din ang dalaga kung approve ba sa parents n’ya ang ginagawa n’yang pagpapa-sexy sa pelikula. 

Sagot n’ya, “’Yong mom ko po, very supportive po talaga siya dahil ‘yong mom ko po, kasama ko dito sa Philippines. 

Sabi niya po sa akin as long as wala raw po akong natatapakan na tao at gusto ko ’yung ginagawa ko, support po siya hanggang sa dulo,” pagtatapos ni Angeli.

Maliban sa kanilang tatlo nina Jay at Sean na mga present sa virtual media conference, kabilang din sa cast members ng Mahjong Nights sina Arnel Ignacio, Jamilla Obispo at Maricel Morales. Sila ang mga ka-mahjong ni Esther (played by Mickey Ferriols) na siyang pasimuno ng mga mahjong games sa kanilang bahay. 

Habang busy si Esther sa mahjong, busy din ang second husband niyang si Leo (Jay Manalo) na molestiyahin ang stepdaughter nitong si Alexa (Angeli Khang). Alexa, in turn, finds solace in the arms of her mom’s amiga’s driver (Sean De Guzman).

Sino ang nakakalam ng lihim? Makakabistuhan ba? Iyan ang mga sasagutin ng Mahjong Nights when it streams on Vivamax on November 12.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also starting October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



VMX Crush Angeli Khang, hindi nagpapa-pressure sa comparison kay AJ Raval
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment