Kylie Padilla’s mom Liezl Sicangco tells Cristy Fermin to “Shut your mouth!!!!”

Ibang klase ring mag-SOCO (new slang for research) ang nga Aling Marites ngayon. Akalain mong may makahanap pa sa private account ng nanay ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco (Le1z_zel) at in-screenshot ang mga posts nitong may kinalaman sa mga isyung kinakaharap ng ikalawa sa apat nilang anak ng ex-husband niyang si Robin Padilla.

Legit Instagram account ni Liezl ang nai-screenshot-an ng posts dahil kabilang sa mga followers nito ang anak na si Queenie, panganay ni Mariel Padilla na si Isabella, at maging ang account ng show na Tonight with Boy Abunda.

Ang una sa dalawang pinagpapasa-pasahan ng mga Netizens na screenshots ng posts niya, who made internet rounds noong Martes ng madaling-araw, October 26, ay tumutuligsa sa beteranong entertainment writer na si Cristy Fermin, na nauna nang nakasagutan ni Kylie noong October 22, via a now-deleted post na naglalaman ng maa-anghang na salita.

Ani Kylie sa post:

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo. Nag titimpi ako para sa mga anak ko.

“Tingnan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. 

“Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda n’yo na. At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.”

Ang pinanggagalingan ng tirada ng mag-ina ay ang mga ibinalita ni Cristy sa kanyang radio/online show na Cristy Ferminute na umano’y madalas mahuli ni Aljur Abrenica si Kylie na may kausap na lalaki sa telepono kahit dis-oras ng gabi.

Quoting a source, sinabi rin ni Cristy na pinagbabawalan umano ni Kylie ang kasambahay nilang ipaluto si Aljur. Hayaan na umanong magutom ito dahil wala naman itong ambag sa mga expanses nila sa bahay.

Sa kanyang kasunod na Tweet, hiniling nalang ni Kylie to “leave my mother out of it.”

Nag-ugat naman iyon sa pagbanggit din ni Cristy sa radyo na: “Madalas magpunta si Kylie sa Pampanga sa kanyang ina, nandoon kasi noon si Liezl at saka mga tita niya…na kapag bumabalik si Kylie [sa Manila], iba na ’yung naturalesa niya. Iba na ’yung kanyang ugali.”

Sa pagbuwelta ni Liezl, nirepost niya ang October 22 Instagram artcard post ng pikapika.ph na naglalaman ng headline namin ukol sa pag-usig ni Kylie kay Cristy.

“Sobra kana Cristy Fermin!!!” mainit na bungad ni Liezl sa kanyang caption.

“Gawin kaya sayo yang pinaggagawa mo, siraan ka ng hindi totoo, gusto mo? 

“Walang kalaban-laban ang mga taong sinisiraan mo. One sided ka!!!

“D mo naman alam ang totoo at kung ano ang pinagdadaanan ng tao.

“Magbago kana bago kapa bawian ng buhay.” 

Sa mga kasunod na posts, hindi pa rin hupa ang ngitngit sa tono ni Liezl.

Addressing the radio host, sinabihan niyang manalamin ito at magdasal bago matulog para mapag-isipan daw nito ang mga aksyon nito. 

Pahabol niya: “You are wicked toxic poisonous woman. Now anak ko naman ang sinisiraan mo.

“Nasan ang puso mo? Wala kang remorse.

“Hindi mo alam ang pinagdaanan ng anak ko. Shut your mouth!!!!” 

Ang sumunod na pinagpiyestahan ng Netizens ay ang post ni Liezl na patungkol naman kina AJ Raval at Aljur. Si AJ ang napapabalitang bagong kasintahan ni Aljur na naparatangang kabit at homewrecker ng Netizens.

Pero kumpara sa tonong ginamit niya kay Cristy, tila malumanay at consiliatory ang tono niya sa dalawa.

Ang mas nakatawag pansin pa sa post na ito ay ang paggamit ni Liezl ng wedding photo nina Aljur at Kylie at sinuper-impose niya sa ulo ng anak ang ulo ni AJ.

“Wish you both all the best in life,” mensahe ng ina ni Kylie sa rumored new couple. “Sana forever na kayong dalawa. Happy naman si Kylie para sa inyong dalawa at nakamove on na narin cya at happy cya.”

Dagdag patutsada niya kay Cristy Fermin at sa source nito in the same post: “Sana ganon din ang source ni Cristy. Tama na ang bitterness nakaka wrinkles. Move on (emoji peace sign).”

Ayon sa source namin na may access sa private account ni Liezl ay agad naman itong dinelete kagaya ng pa-pull out ni Aljur sa kanyang “Breaking Silence” post a Facebook at sa “Hi Cristy Fermin” post ni Kylie sa FB din.

Samantala, sa October 25 edition ng radio show ni Cristy na Cristy Ferminute, hindi niya binalikan si Liezl dahil nauunawaan umano niya ang pinanggagalingan nito. Pareho umano silang ina na kapag anak ang kinanti ay paniguradong papalag.

“Alangan namang hindi niya kampihan ang anak niya, hindi ba? S’ympre, ina yan, e.”

Marahil ay naisip din ni Liezl na hindi tama ang ginawa niya dahil kaagad din niya itong tinanggal tulad ng pagtanggal din ni Aljur ng ‘breaking silence’ post niya laban sa dating asawa.

Samantala, sa comments section ng mga entertainment sites na nauna nang naglabas ng mga screenshots ng post ni Liezl gaya ng Talk Posh PH at Fashion Pulis, hati ang reaction ng netizens.

May nasabing wala raw palang pinag-iba si Liezl sa ina ni AJ Raval na sawsawera din. Matatandaan na gaya ng anak na si AJ, nirepost din ni Alyssa Alvarez ang kontroberyal Facebook post ni Aljur.

Aniya ng isang @ _blank” Zhiin Hilary Ariola Acaso: “insulto yan s ina n Aj kakahiya parehas ang mag inang Aj saw sawira iyan butinga s iniong mag ina kakahiya ku heyzzz punta ku kay cristy mag p kampo kc oarehas kyong saw sawera.

HAHAHAHA THIS PHOTO IS SOOOOOOO CREEEEEPPPYYY (sic).”

Ang basa naman ng ilang netizens sa ginawang ito ni Liezl, ay panunuya umano.

Say ng isa: “She’s being sarcastic dahil nahurt sya sa ginawa nina AJ at Aljur na pag rampa sa public amidst the hiwalayan na wala man lang respeto sa anak nya at mga apo kaya she took it further to give them a taste of their own medicine!

“Yes, she was being sarcastic,” pag-sang-ayon ng isa pa. “It still doesn’t change the fact na petty pa rin siya. Ano siya, 13 years old?”

Samantala, ngayong gabi ay may mga panibagong posts si Liezl, mga quote cards sets in black background, na ang laman ay tila mga panibagong parinig kay Cristy Fermin.

“Before you spread gossip about somebody’s life and their failures 

“Remember, there are chapters of your life you don’t want to read out loud either.”

Ang pangalawa ay nagsasaad na: “IF PEOPLE HAVE A PROBLEM WITH YOU, IT IS THEIR PROBLEM NOT YOURS.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Kylie Padilla’s mom Liezl Sicangco tells Cristy Fermin to “Shut your mouth!!!!”
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment