
PHOTOS: @v_concepcion on Instagram
Dahil dalaga na rin ang anak n’yang si Heather Fiona from her past relationship, gusto na niyang mabigyan ng anak ang asawang si Francis Sunga. Aniya, lalaki daw sana ang maging anak nila. Pero kung anuman daw ang ibigay sa kanila ng D’yos ay tatanggapin nila.
Kung may kulang man daw sa buhay ngayon ng aktres na si Valerie Concepcion, iyon daw ay ang hinihiling n’yang isa pang anak.
Sinabi n’ya ito nang mag-guest s’ya sa Mars Pa More hosted by Iya Villania and Camille Prats na ipinalabas kahapon, October 28. Natanong kasi ang aktres tungkol sa kung ano ang sa tingin n’ya ay lacking pa sa buhay n’ya at present.
“Another baby!!!” patiling sagot ni Valerie na ikinatuwa naman ng mga hosts ng show.
Pagbabahagi pa n’ya, sinusubukan na daw nilang makabuo ng kanyang non-showbiz husband na si Francis Sunga.
“Actually, we’ve been trying…this year!” sey ni Valerie sa Kapuso morning show. “Nag-start kami this year. Nag-stop na akong mag-contraceptive. Kasi nga, sabi ng asawa ko gusto na rin n’ya [magka-baby]. Gusto namin ng one more baby. Kahit isa lang.”
At dahil 17 year old na rin ang anak n’yang si Heather Fiona from her past relationship, gusto nilang mag-asawa na lalaki daw sana ang maging anak nila. Pero kung anuman daw ang ibigay sa kanila ng D’yos ay tatanggapin nila.
“Sana healthy baby boy o kung anuman, kung anuman ang ibibigay ni Lord. Gusto na namin [magka-baby],” pagtatapos ni Valerie.
Matatandaan na August 2018 nang mag-engage sina Valerie at Francis na nauwi sa kasalan noong December 2019 na ginanap sa The Hills sa Silang, Cavite.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Valerie Concepcion wishes for a baby boy
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment