Vic Sotto, aminadong sa bunsong si Tali lang naging 100% daddy


Na-aliw daw si Bossing Vic Sotto sa discovery niya ngayong pandemic na kaya raw pala niyang maging100% daddy. At ang pinaka nag-benefit nga raw ng atensyon niya ay ang bunso niyang si Tali, unica hija nila ni Pauleen Luna.

Photos: @pauleenlunasotto

Na-aliw daw si Bossing Vic Sotto sa discovery niya ngayong pandemic na kaya raw pala niyang maging100% daddy. At ang pinaka nag-benefit nga raw ng atensyon niya ay ang bunso niyang si Tali, unica hija nila ni Pauleen Luna.

Magda-dalawang taon na ang pandemic at sa hindi inaasahang pangyayaring ito sa buong mundo, isa si Bossing Vic Sotto na nasiraan ng rhythm kumbaga. Kung dati ay sanay na araw-araw bumibiyahe papuntang APT Studios sa Marcos highway mula Laguna, biglang naging taong-bahay ito gaya rin ng kumpareng Joey de Leon niya.

Nang magluwag-lugwag sa mga restrictions ay bawal pa rin silang mga “seniors” sa studio.

Napa-work-from-home set-up din si Bossing at sa pamamagitan din ng online siya nagho-host ng Eat Bulaga at nagte-tape ng mga eksena para sa three-year-old sitcom niyang Daddy’s Gurl.

Ngayon nga ay nagagamay na niya ito at baka magulantang na naman ang system niya sakaling umokey na ang sitwasyon for face-to-face tapings.

Na-appreciate na raw niya ang pagiging nasa bahay lang lalo pa’t mahabang panahon daw ang ginugol niya sa labas nito.

Na-aliw din daw siya sa discovery niya ngayong pandemic na kaya raw pala niyang maging100% daddy. At ang pina-nag-benefit nga raw ng atensyon niya ngayon ay ang bunso niyang si Tali, unica hija nila ni Pauleen Luna.

“Dahil nga ’yung mga anak ko, I’ll be honest, hindi naman talaga ’ko 100% na daddy [sa kanila] dahil nga more than half of my life, I was working,” pagbabalik-tanaw na pag-amin ni Bossing Vic sa Daddy’s Gurl virtual media conference kahapon, October 19.

“Nagta-trabaho ko, para rin naman sa kanila, sa pamilya and this is the first time na halos lahat ng highlight ng isang bata e, nakita ko.”

Ibang-iba nga raw sa pagiging daddy niya noon kina Danica, Oyo Boy, Vico, at Paulina.

“Not like with Danica…si Oyo na noong lumalaki, most of the time I was out of the house,” pagpapatuloy niya. “I was out working, shooting, taping. Si Vico, Paulina, I wasn’t there 100%.

“This is the first time na naging 100%,” aniya. “Nakita ko ’yung first step [ni Tali]. ’Yung mga first word, kung ano ang una niyang nabasa. Kung ano ’yung first na kinanta ni Tali na buo na naintindihan ko.”

“Kung meron man akong nadiskubre, okay naman pala ’kong Tatay,” may halong pagmamalaking sambit niya.

Pero dahil lumaking mga matitino at responsible adults ang apat na nauna niyang anak, hindi maikakailang naging mahusay pa rin siyang ama sa kabila ng mga pagkukulang niya.

“Well, the credit goes to the mommies also,” maagap na sambit ni Bossing na ang tinutukoy ay sina Dina Bonnevie (Danica and Oyo), Coney Reyes (Vico), at Angela Luz (Paulina).

Samantala, tuloy-tuloy ang pagiging on-cam daddy niya kay Maine Mendoza sa kanilang Daddy’s Gurl sitcom, which is now running on its fourth year.

This Saturday, October 23, ay ii-introduce na ang apat na bagong cast nila na sina Jem Manicad, Prince Clemente, Carlos San Juan, at Prince Carlos. Magiging borders ng mag-ama ang roles ng apat na newbies.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Vic Sotto, aminadong sa bunsong si Tali lang naging 100% daddy
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment