Ayos lang daw para sa comedian-actor na si Jerald Napoles na maging side kick sa mga pelikula kahit na kahit papaano naman ay may napatunayan na rin s’ya sa industriya.
Iyan ang naging pahayag ni Je during the virtual media conference para sa upcoming action-comedy and superhero movie nila ni Janno Gibbs na Mang Jose. In that film kasi ay ’yon mismo ang role niya, as side kick ni Janno.
Kaya naman natanong ng entertainment press kung bakit s’ya pumayag na maging side kick pa gayong successful naman ang mga pelikula gaya ng Kaka, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Ikaw at Ako at ang Ending, and more kung saan s’ya ang naging leading man.
“Janno Gibbs ’yan, e,” mabilis na sagot ni Je. Hehehe! Ganu’n lang kasimple ang sagot du’n.”
At keber din daw kahit kaninong artista pa s’ya magiging side kick dahil para sa kanya ay wala namang maliit na role pag dating sa TV or movie project.
“At saka okey lang kahit kanino mag-side kick. Ganu’n po talaga. Wala namang small role, e. Okey lang ’yan,” dagdag pa ni Je.
May benefits pa nga daw ang maging side kick ng isang bigating artista dahil mas nag-i-improve daw ang acting skills n’ya.
“Minsan nga mas naha-highlight pa lalo ang talent mo pag nag-side kick ka sa isang magaling na aktor, e. Kasi kailangan mong mag-level up, ’di ba? So, sa akin, blessing na mapasama sa pelikulang ito at mag-side kick sa isang Janno Gibbs,” pahayag pa ng nobyo ni Kim Molina.
At dahil magka-vibes sila ni Janno dahil nagkasama na rin sila dati sa pelikulang Pakboys Takusa, “Sa mga susunod n’yang pelikula okey lang mag-side kick pa uli ako.”
Pagmamalaki naman ni Je regarding their movie, kung k’wento lang din daw ang pag-uusapan ay kayang makipagsabayan ng Mang Jose sa iba pang superhero movie dahil unique daw ang concept at story nito.
S’ya kasi ang gaganap na taga-singil ni Mang Jose, (Janno), na isang superhero na nagpapabayad sa kanyang mga tinutulungan.
“Sa akin, ibabase ko sa role ko sa pelikula bilang ako ’yong taga-singil, e. ’Yong premise kasi ng Mang Jose, from the song to the movie itself, is one of a kind,” paliwanag n’ya.
“Kung bigyan mo ito ng subtitle at ipapanood mo sa ibang bansa o kahit anong nasyon, nakakatawa ’yong idea at nag-iisa lang ’yong idea na… Ito lang yata as far as I know, ito lang ’yong superhero na nagpapabayad. That premise alone is a powerful content,” dugtong pa n’ya.
“Kung may log line tayong ipi-pitch, kahit kanino mo i-pitch na producer ’yon, ‘Gag* ’yan, ah!’ Ganu’n kaagad ang iisipin [ng producer]. ‘Sige, tara! Gawin natin ’yan.’ Kasi ang dami agad conflict na maiisip, e, for the story pag ganu’n ang nangyayari. Alam mo kagaad na ’yong superhero [ay] tao, ’di ba?
“So, I think, ’yon ang pinaka para sa akin magandang premise at pinaka bentahe nu’ng pelikula. It’s the concept itself,” pagtatapos ni Jerald.
Mapapanood ang advance streaming ng Mang Jose sa Vivamax Plus on November 17 at magiging available naman ang pelikula for regular streaming on December 24 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Also, simula noong October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.
And beginning November 19, available na din ang Vivamax sa US at sa Canada.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Jerald Napoles, willing pa rin maging side kick kahit bumibida na sa mga pelikula
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment