Unstoppable would be the perfect word kung ilalarawan ngayon ng pagpa-public service ng singer-actor and army reservist na si Ronnie Liang.
Iyon ay dahil sa lahat ng kanyang mga ginagawa ay hindi maikakailang malaki talaga ang puwang ng pagseserbisyo publiko sa puso n’ya.
Maliban kasi sa mga ganap n’ya sa showbiz, sa school, at sa pagiging active sa mga lingkod-bayan activities ng Philippine Army, ay heto’t kasapi na rin pala s’ya ng Philippine National Police’s Integrity Monitoring and Enforcement Group na bahagi naman Advisory Group for Police Transformation and Development (PNP IMEG-AGPTD).
Last November 5 ay pormal nang nanumpa si Ronnie bilang council member ng PNP IMEG na buong pagmamalaki n’yang ipinost sa kanyang Instagram account.
“Took my oath as a member of the Integrity Monitoring & Enforcement Group’s Advisory Council (IMEG),” pahayag ng talent Viva artist sa kanyang IG post that day.
“It’s a great honor & privilege to be a member of this council. To defend the integrity of our law enforcement agency, to prevent & to eradicate Rogue Police Officers. #ParaSaBayan #PorLaPatria”
Bilang kasapi ng PNP IMEG, bahagi ng tungkulin ni Ronnie ang pagbibigay ng guidance at pagdidisiplina sa kapulisan para mas magampanan nila nang maayos ang pagpapatupad ng batas.
Layunin din ng kanilang council na malinis ang hanay ng kapulisan mula sa kurapsyon at iba pang katiwalian.
Matatandaan na nito lang October ay ibinahagi n’ya sa kanyang online followers na kumukuha s’ya ngayon ng Master’s Degree in Management major in National Security & Administration sa Philippine Christian University (PCU) sa Manila.
February naman noong nakaraang taon nang magtapos s’ya sa Philippine Army reservist military training kung saan ginawaran s’ya ng ranggo bilang second lieutenant.
Agad n’ya namang nagamit ang mga natutunan n’ya dito nang magsilbi s’yang security frontliner matapos magpatupad ng lockdown ang pamahalaan noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Noong November 2019 naman nang matupad ni Ronnie ang kanyang pangarap na maging isang piloto. May 2021, na-receive n’ya ang kanyang Private Pilot License (PPL).
Sa showbiz naman, aside from producing music, ay napapanood si Ronnie bilang isa sa mga judges ng Sing Galing every Monday, Tuesday, and Thursday sa TV5.
More power to you, Ronnie!
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Multi-hyphenate Ronnie Liang, bantay-korapsyon na sa hanay ng mga pulis
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment