Kahit multi awarded ang kanyang first ever feature film na Ang Huling Cha-cha ni Anita, na isang lesbian coming-out movie, hindi agad nag-dare ang LGBTQIA+ advocate na si Direk Sigrid Andrea Bernardo na gumagawa ng isa pang lesbian film.
Meron na raw siyang concept noon pa, but she realized na mahirap pa ring ibenta sa mga producers ang mga lesbian stories. During the pandemic, nauso ang Boys Love series at may ilan ding nag-dare mag-GL (Girls Love) series gaya ng Pearl Next Door (ng Idea First Company) at BetCin (ng Rein Entertainment) kaya naisip niyang it’s about time na ilabas na niyang muli ang matagal na niyang concept. But instead na movie, series din ang nabuo niya nang finally ay upuan na niya ang script.
And she’s thankful that Vivamax is open na rin sa mga ganitong concept. And thus, she’s now giving us Lulu.
Kung hindi ka taga-LGBTQIA+ community, di mo agad mage-gets ang “lulu.” But if you are, paniguradong mapapangiti ka nang lihim.
To the unfamiliar, well, it’s the gay lingo na na-create based sa sound na nae-emit or napo-produce during lesbian lovemaking.
But Direk Sigrid is quick to point out na although maririnig ng viewers ang “lulu,” her GL series centers on the individual struggles at sa mamumuong romance ng mga characters na sina Sophie (Rhen Escaño) and Abby (Rita Martinez) at hindi sa sex. It’s a rom-com, first and foremost.
“Maririnig ninyo ang Lulu, Hahaha! Kaya nga siya title,” natatawang bungad sa amin ni Direk Sigrid. “But like for now, more than the sensuality, it’s really the chemistry, ’yon’ yong mas naka focus kami. Mas real ’yong love and hindi lang sex agad. Mas malalim and mas excited nga ako…‘Meron bang mangyayari?’ Abangan ninyo, Abangan na lang natin. I cannot tell anything. Wholesome pa rin, so far.”
So far.
Mataas kasi ang pangarap ni Direk Sigrid sa Lulu. She’s hoping na pumatok para daw magka-Season 2. At dahil libre naman mangarap, she’s also dreaming na mag-ala L Word, ang hugely successful lesbian series ng Hollywood na umabot na sa six seasons at nagka-spin off shows pa. O kaya naman daw ay Friends nina Jennifer Aniston. Para daw makapagdagdag pa siya ng casts.
“Yes, that’s my dream for Season 2,” say ni Direk “Pag pumatok ito. Hahaha! Alam mo na, ito [Lulu Season 1], patikim. Kaya nga sana masuportahan diba? Kung masusuportahan siya, ’yon ang dream ko, maging [parang] Friends. But for now, meron lang kaming two supporting roles. It’s really the introduction of character ni Sophie and Abby. So, mas doon naka-concentrate.
“Meron na kaming two supporting roles but then of course, ’yong dream ko talaga sa future maging barkada na ito.”
Kasama din kasi sa advocacy ni Direk Sigrid na makapag-cast ng mga taga-LGBTQIA+ sa mga projects niya, hindi lang sa cast, kundi maging sa production team at sinisimulan na nga niya yon sa Lulu. Ang dami raw kasing mga talented na LGBTQIA+. Especially mga lesbians. At may dalawa na nga daw siyang support cast na lesbians. And of course, ang bida niya sa si Rita Martinez is real lesbian. It’s about time daw na gawin na rin silang bida.
The Voice Philippines Season 2 finalist si Rita Martinez na flattered na flattered dahil siya ang napili ni Direk, among other auditionees, to star in her first GL Series. Feeling niya, custom-made sa kanya ang role na Abby dahil isa itong successful chef na nagi-indie band on the side. Naka-ikot ang character sa food and music na pareho siyang passion in real life.
Very natural daw si Rita kahit acting newbie ito. (Her only acting stint was via a commercial at isang bit role sa isang lumang anthology show ng ABS-CBN).
Pogi at loveless si Rita at malakas ang chemistry nila ni Rhen Escaño maski sa Zoom screen palang kaya doon palang, kinikilig na sa kanila si Direk Sigrid, whose dream it is na maka-produce ng isang legit lesbian loveteam.
E, nagkataon naman na pangarap din ni Rhen na magkaroon ng ka-loveteam. And she doesn’t mind daw at all kung lesbian man ang ka-loveteam niya.
“No, hindi po hindi naman dapat mag-matter o maging isyu ’yon,” ani Rhen about a lesbian ka-loveteam. “Before po sa Adan sobrang in-embrace ko talaga, minahal ko ’yong character ni Cindy [Miranda].
“And for sure dito din po, mapi-feel ng mga tao pa’no namin ma-express ’yong love namin ni Rita. Kung pa’no ma-in love si Sophie at si Abby and ’yon, walang issue. Kailangan din po namin mas mapakita sa mga viewers na wala yan sa babae sa lalaki, sa lalaki sa lalaki, sa babae sa babae…ang love pag naramdaman mo ’yon, love ’yon, e. Walang masama do’n. Wala siyang pinipiling gender. As long as wala kang nasasaktan, as long as wala kang nasisirang tao, wala kang tinatapakan, pag in love ka, go for it. Parang ganu’n po siya para sa akin.
“Kaya thankful po ako nabigayan ako ng ganitong opportunity. Para sa akin, kakaiba siya sa lahat sa magiging loveteams out there.”
Kumusta naman kaya ang comedy ng dramatistang si Rhen?
“Parang nasanay ako na gumawa ng mabibigat na roles, mabibigat na pelikula. ’Yon po ’yong challenge doon, kung pano ko ma-pull off ’yong character ko na si Sophie. Kailangan kasi smooth, kailangan very natural kasi doon dapat siya mahalin ng mga tao, ’yon dapat ang makita ng mga tao sa kanya. ’Yon po ’yong challenge doon.
“And so far, sabi naman po ni Miss Dolly [the acting coach], nagwo-work po siya sa akin. Nagwo-work naman po lahat ng ginagawa namin. And I’m very excited na mapanood ng mga tao. Kasi ’yon nga po, first time ko po gumawa ng rom-com and parangap ko po talaga ’to. And magkaroon naman po ako ng loveteam. Sa totoo lang, ’yon po ’yong goal ko dati, parang gusto kong mag-artista, gusto kong magkaroon ng loveteam. And ito na po ’yon—Lulu.”
Dagdag ni Direk Sigrid, she chose a light material for Lulu dahil gusto naman daw niyang ipakita na masayahin din at hindi puro sa issues lang umiikot ang buhay ng mga lesbians.
“I wanted Lulu to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary,” ani Direk Sigrid. “And it will come naturally. Of course, we will tackle ’yong mga issues pero very, very subtle. It’s more of parang every-day life ng lesbian community… na hindi po kami puro issues lang. Parang ganu’n. Kasi ’yong gusto kong sabihin sa series, na parang ’yong mga lesbians, guys, masayahin din sila. Wala pa kasi akong nakikita, sa totoo lang. Romantic comedy ito na very light. ’Yon sana ’yong change na gusto kong na ma-embrace ng mga viewers ngayon. So, I hope embrace nila.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Rhen Escaño, excited na sa loveteam nila ng real-life lesbian na si Rita Martinez
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment