Ritz Azul, ikakasal na!


Walang ina-anunsiyo na actual date ng kasal ang Kapamilya star na si Ritz Azul, pero base sa Instagram post niya kunsaan, ibinahagi niya ang naging bachelorette party niya, posibleng ngayong December ng taon na ito na nga ang kanyang kasal sa kamyang non-showbiz fiancé na si Allan Guwi (inset).

Photos: @milesocampo / @ritzazul / @allan_guwi

Walang ina-anunsiyo na actual date ng kasal ang Kapamilya star na si Ritz Azul, pero base sa Instagram post niya kunsaan, ibinahagi niya ang naging bachelorette party niya, posibleng ngayong December ng taon na ito na nga ang kanyang kasal sa kamyang non-showbiz fiancé na si Allan Guwi (inset).

Walang ina-anunsiyo na actual date ng kasal ang Kapamilya star na si Ritz Azul, pero base sa Instagram post niya kunsaan, ibinahagi niya ang naging bachelorette party niya, posibleng ngayong December ng taon na ito na nga ang kanyang kasal.

Senyales ang pagkakaroon na niya ng bachelorette party sa isang sosyal na resort sa Bohol, na malapit na nga ang kasal niya sa non-showbiz fiancé na si Allan Guwi.

Ang isa sa mga maids of honor na si Miles Ocampo ang isa sa mga unang nag-post ng mga pictures sa naging bachelorette party.

Nagpasalamat ito na napili siya ni Ritz bilang isa sa kanyang magiging maids of honor.

Ayon kay Miles na ginamit ang hashtag na BacheloRITZ: “From our S-pass application bonding hahaha, to our island concert, photo shoots, heart to heart talks, MMK tuko and being the youngest shufi.. thank you for this memorable trip, ates!!

“Ate @ritzazul, thank you for choosing me as one of your Maid of Honors… I love you, ate (sic).”

Sa Instagram post naman ni Ritz, walang-duda na nag-enjoy ito kasama ang apat na girls sa kanyang future wedding entourage.

“Thank you sooo much for this wonderful trip, girls! Roller coaster feelings, pustahan sunset viewing, height realizations and more! I love you all!!! Alam nyo na yan. See you soonest!.”

At may pa-goodluck pa ito sa mag-speech daw.

Sa mga hindi nakakaalam, mula pa nang maging 4th Final Star sa TV5’s talent search na Star Factor noong taong 2010 hanggang sa maging Kapamilya siya ay madalas nang sabihin ni Ritz na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend.

Kaya kung pagbabasehan ang mga naging pahayag niya, certified NBSB si Ritz—meaning, no boyfriend since birth—at ang kanyang fiancé na si Allan ang una at huling boyfriend niya.

Ritz and Allan got engaged in June 2020.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Ritz Azul, ikakasal na!
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment