Aktor na “madaling mapagod,” nag-cause ng tension sa set

Naloka ang production staff ng isang movie dahil sa kanila naibunton ng director ang himutok niya sa isang pasaway na aktor na galing sa isang network.

Sa kalagitnaan kasi ng shoot nila ay nag-declare si aktor na “pagod” na siya kahit marami pang kukuhanang eksena.

Siguro, nanibago ito sa setup dahil matagal itong hindi naka-trabaho sa labas ng network.

Pero nagtataka ang lahat, lalo na ang leading lady ni aktor, dahil tanging siya lang, among all the people involved sa shoot, ang napagod gayung lahat naman ay pare-pareho lang nagta-trabaho. Isa pa, sagana naman sa daw sa workout ang aktor lalo’t kung ang pagbabasehan ay ang social media nito. Kaya paano daw kaya ito “napagod” agad?

Baka more on, wala lang daw ito sa mood.

Pero dahil ayaw patulan ng director ang pagpapasaway ng aktor for the sake of the movie, sa staff nalang tuloy nabaling ang init ng ulo nito. In fairness, inunawa naman nila ito dahil na-witness nila kung saan ito nanggagaling.

In turn, pinaki-usapan na lang mabuti ng isang production staff si aktor na tapusin nalang ang mga eksena niya.  Nakuha naman daw sa hagod.

Ang consensus na lang ng lahat, sunud-sunurin na lang kunan lahat ng scenes na involved ang “pagod” na aktor at nang makauwi na ito sa accommodation nito. Kumbaga, nirepaso nila ang sked for the day para ma-let go na si aktor at makapag-“pahinga” na.

Moreover, hindi na naki-involve si Direk sa actual na pagdi-direk at pinare-relay na lang kay aktor ang instructions niya habang nakikiramdam ang buong production kung magkaka-tension ba.

In fairness, nairaos naman. Kung bakit lang kinailangan pang magka-tension, p’wede namang wala. At buti nalang din, konti na lang ang natitirang araw.

Mahirap din naman talaga sa isang direktor mag-balanse ng mga bagay-bagay during production dahil pressed for time siya palagi lalo na ngayong bubble-bubble pa ang drama ng mga shoots. Any aberya is a risk. Pero pinaka-mahirap talagang aberya ang topak ng sinumang artista. Mas malaki ang at stake.

Kaya imbes na talakan si aktor, hindi na bumaba sa level niya ang beteranong director kahit natapakan ang pride niya. He chose the high road na lang and decided to finish the film and vowed na lang never to work with the pasaway aktor again. Hindi naman daw niya ipaghihirap kung tatanggi siya sa future project na kasali ulit ang madaling mapagod na aktor.

Sa part naman ni aktor, walang dudang magaling ito. ’Yon nga lang, iyon ang risk sa mga kumukuha dito, maninimbang ka lagi dahil may tendency itong magbago ng timpla.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Aktor na “madaling mapagod,” nag-cause ng tension sa set
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment