Joross Gamboa, kinailangang operahan dahil sa Achilles tendon rupture


Sa tingin ni Joross Gamboa, na-rapture ang kanyang Achilles’ tendon dahil hindi siya nakapag-stretching bago siya nag-basketball. “Napaka importante talaga ng stretching sa simula. Eto lang ata yung time na naglaro ako ng di nagtodo stretching kasi late kami dumating. Kaya sa inyong lahat magiingat kayo parati.”

PHOTO: @joross_gamboa on Instagram

Sa tingin ni Joross Gamboa, na-rapture ang kanyang Achilles’ tendon dahil hindi siya nakapag-stretching bago siya nag-basketball. “Napaka importante talaga ng stretching sa simula. Eto lang ata yung time na naglaro ako ng di nagtodo stretching kasi late kami dumating. Kaya sa inyong lahat magiingat kayo parati.”

Nagpasalamat ang aktor na si Joross Gamboa sa wife n’yang si Kathy Kimberly Saga sa pag-aalaga nito sa kanya ngayong may iniinda s’yang injury sa kanyang kanang paa.

Idinaan n’ya ito sa kanyang Instagram post kahapon, November 22, kalakip ang photo n’ya habang naghihintay sa kanyang operasyon dahil sa tinamong Achilles tendon rupture while playing basketball. 

“Getting ready for my Achilles operation! Godbless everyone!” pagbabahagi ng aktor sa kanyang IG post. “Praying for a smooth operation and a quick recovery in Jesus Name!  @katz_gamboa sa pagpaparanas sakin ng 10 na pagaalag[a]! Labyu!”

According to foothealthfacts.org, ang Achilles tendon rupture ay ang pagkapunit o putol ng tendon o litid dahil nabanat ito nang husto beyond its capacity. P’wede itong makuha sa mula sa pagtalon, pag-ikot, pagtakbo o kaya ay sa pagkapatid. 

Sa naunang video post ni Joross sa Instagram last November 13, makikitang natumba ang aktor sa court habang nasa kalagitnaan sila ng laro. 

Dito n’ya rin ibinahagi ang pakiramdam ng maputulan ng litid sa paa. 

“Achilles Injury (Narinig mo yun?) Nagbasketball kami sa 3rd floor naglaro kaming 3vs3 tapos yung pagtakbo ko biglang may pumutok na malakas (may napigtas),” lahad ng Kapamilya actor. 

“[A]lam niyo feeling ng may humampas ng dospordos sa binte malamang hindi basta parang ganun. Di masakit sa simula gulat lang akala ko nga may multo nun kasi walang tao sa likod ko. Tapos dahan dahan ng sumasakit taas ng sakong ko ayun napigtas na nga Achilles ko.”

Tingin daw n’ya, nangyari daw ito dahil hindi s’ya nakapag-stretching masyado bago sumabak sa laro. 

“Napaka importante talaga ng stretching sa simula. Eto lang ata yung time na ngalaro ako ng di nagtodo stretching kasi late kami dumating. Kaya sa inyong lahat magiingat kayo parati,” paalala ni Joross.

Dahil dito, kailangan n’yang operahan at tatagal daw ng more or less anim na buwan ang kanyang recovery period. 

“Ooperahan nako nextweek pag wala na maga. 6months recovery depende sa pagiging masunurin ko sa therapy,” sey pa n’ya. 

“Basta ni lift up ko na lahat kay God kaya kahit ganito situation ko circumstances ko i still have Joy and Peace. Because of Jesus Christ my Lord and Savior! Godbless everyone!” pagtatapos ng aktor. 

Prayers for your complete recovery, Joross

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Joross Gamboa, kinailangang operahan dahil sa Achilles tendon rupture
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment