Sinimulan ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho ang tanong sa award-winning ding actor at bagong Kapuso na si John Lloyd Cruz kung bakit daw ito lumipat sa GMA-7.
“Napakahirap naman ng unang tanong,” natawang reaksyon naman ni John Lloyd sa naging exclusive interview niya sa KMJS (Kapuso Mo Jessica Soho).
“Siguro nasa punto ako na susundan ko na lang ang trabaho. Nag-uugat sa pagtulong sa isang grupo na malapit sa puso ko.
“Kung magsasama-sama kami ulit, mas may tsansa na magkaroon ng trabaho ang lahat.”
Hindi man tinukoy ni John Lloyd ang grupo na ito, posibleng ang grupo na pinangungunahan ni Direk Edgar Mortiz ang kanyang pinakahulugan. At kasama rito ang mga kasama niya ngayon sa bagong sitcom na sina Miles Ocampo at Jason Gainza na galing ng ABS-CBN.
Samantala, sa El Nido, Palawan ginawa ang exclusive interview ng KMJS kay John Lloyd. Mahalaga kasi ang lugar na iyon sa aktor dahil ito ang paulit-ulit niyang binalikan noong panahong nag-leave muna siya sa showbiz. Doon raw kasi nakahanap ng katahimikan si JLC.
Sa isang banda, sa mga hindi nakakaalam, sa GMA-7 pa napanood ang isa sa mga programang una niyang nilabasan noong nagsisimula siya, ang “Kakakabakaba.” Ipinapanood pa ni Jessica ang clip sa actor.
Matapos noon ay tinanong ni Jessica ang aktor kung ano ang message niya ngayon sa kanyang younger self.
“Siguro I’ll tell him to be more patient,” saad niya. “Siguro I’ll tell him na ’wag i-impose ang truth niya sa lahat.”
Nagsimula na ring mag-taping si John Lloyd para sa kanyang bagong sitcom sa GMA-7 na Happy Together.
When asked about the show, hindi naman daw ito nalalayo buhay niya, or sa buhay ng typical male of his age.
“Pero ang kakaiba rito, ‘yung structure ng family na kinabibilangan niya. Plus dito, meron akong anak din,” dagdag info ni Lloydie.
Inamin ni John Lloyd na isang paraan din ang pagsi-sitcom para mapawi ang pagka-miss sa anak na kadalasan ay nasa poder ng ina nitong si Ellen Adarna.
“Siguro, para mabawasan ‘yung pagka-miss ko sa kanya kapag hindi na kami magkasama, kapag nasa trabaho ako.”
At nabanggit na rin lang ang anak, kinamusta rin ni Jessica si John Lloyd kung anong klaseng tatay siya sa tatlong taong gulang na si Elias.
“Sana may k’wenta,” mabilis na sagot niya. “Sabi no’ng katuwang ko na nag-aalaga sa kanya, si Ate Sol—tawag niya e, nanay niya—pinapakinggan naman daw ako ng bata.
“I tried my best to lead without imposing. As much as possible, I bring him closer to nature kung saan may alon. Mahilig siya sa animals.”
Pag dating naman sa mga future projects na susuungin, kalma nalang muna daw si JLC. Hindi na raw siya maghahanap, bagkus ay mag-aabang nalang kung ano ang dumating at saka siya magde-desisyon.
“Itong pagkakataon na ito, hindi ako maghahabol o mangangahog sa content na gusto ko, hahayaan ko sila na dumating nang kusa.
“’Yung mga pelikulang ginawa ko with Lav Diaz, ‘yung mga naidulot na experiences no’n, hindi ko rin matatawaran.”
[Ang mga collaborations niya sa internationally renowned director na si Lav Diaz ay ang mag sumusunod: Ang Babaeng Humayo (2016), Hele sa Hiwagang Hapis (2016), Historya ni Ha (2021), at ang paparating na Servando Magdamag (2022)]
Hindi raw kaya dahil naabot na niya kasi ang pinakarurok ng p’wedeng maabot ng isang actor kung kaya’t tila wala nang pagpilian?
“Importante rin kasi ’yung may tama kang motivation habang sinusuong mo ’yung daan sa hinahanap mo. Sa karanasan ko kasi, hindi ko nabantayan ’yung kapit ko sa sarili ko, kung ano ’yung mga prinsipyo na pinapaniwalaan ko.
“Siguro nga, tama ka na nauuntog ka na, wala ka ng ibang masalungat kung hindi sarili mo na kaya siguro gano’n.
“Pero tingin ko, kung barado rito sa taas, p’wede ka sa gilid. Mas interesting nga kapag sa maliliit na butas ka dadaan,” matalinhagang pagtatapos ni JLC.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Paglipat ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, hindi para sa sarili
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment