Non-showbiz partner ni Kristoffer Martin na si AC Banzon, napatawad na ang pagliko ng aktor?


Bagama’t umamin na nagka-relasyon sa iba matapos silang mag-break ng kanyang non-showbiz boyfriend, nagbalik-loob sa Diyos ang aktor na si Kristoffer noong July as he joined a religious community. Ito raw marahil ang naging dahilan ng kanyang pagbabagong-buhay kung kaya’t inareglo nito ang relasyon niya sa kanyang pamilya.

PHOTOS: @kristoffermartin_ & @acbanzooon on Instagram

Bagama’t umamin na nagka-relasyon sa iba matapos silang mag-break ng kanyang non-showbiz boyfriend, nagbalik-loob sa Diyos ang aktor na si Kristoffer noong July as he joined a religious community. Ito raw marahil ang naging dahilan ng kanyang pagbabagong-buhay kung kaya’t inareglo nito ang relasyon niya sa kanyang pamilya.

Masaya ang mga tagahanga ng aktor na si Kristoffer Martin na happy s’ya sa pagdiriwang ng kanyang 27th birthday last November 20 sa Bohol.

Kung pagbabasehan kasi ang kanyang Instagram post ay mukhang nagkabalikan na sila ng dati n’yang non-showbiz partner na si AC Banzon at masasabing perfect birthday gift ito para sa Kapuso actor. 

Nagpasalamat si Tuntun [nickname ni Kristoffer] kay AC at sa daughter nilang si Pre dahil sa kabila daw ng mga pagsubok na pinagdaanan nila ay heto’t magkakasama pa rin sila ngayon.

“27, with my life and my anchor. It’s been rough, but we’re still here. These two has been the strongest people I know. Thank you for your unconditional love,” sabi n’ya sa kanyang IG post kalakip ang photo nilang tatlo na kinunan habang nasa pool. 

Nagpasalamat din s’ya sa D’yos dahil sa mga bagay na na-realize daw n’ya. 

“Lord, iba ka kumilos. Salamat Lord sa mga pinaintindi mo sakin. Di mo ko iniwan from the start. I will forever trust you Lord,” aniya. 

“First family trip nitong pandemic. Deserve natin tong tatlo,” dagdag ba ni Kristoffer.

That same day naman ay nag-post din si AC sa kanyang Instagram ng series of photos nila ng aktor. 

“Few big bumps along the road and yet we’re still here. Happy birthday,” pagbati n’ya sa ama ng kanyang anak. 

Ikinatuwa naman ng kanilang mga online followers ang gestures nilang ito sa isa’t isa dahil malinaw nga na mukhang nagkamabutihan na silang muli. 

Matatandaan kasi na last January ay inamin ni Kristoffer sa publiko na meron na s’yang anak, si Pre, at pero hiwalay na daw sila ng ina nito. Hindi na n’ya idinetalye pa ang kanilang paghihiwalay at sinabi n’ya lang na “things didn’t work out.”

Nang sumunod na buwan ay si AC ang nagsalita at ikinuwento n’ya na nagbago daw si Tuntun pagkabalik nito matapos ang isang buwang lock-in taping for Babawiin Ko Ang Lahat. Nagdahilan daw ang aktor na  “pagod na” sa kanilang relasyon pero kalaunan ay umamin din na may involve na third party.

Nagkasagutan pa sila sa Twitter tungkol sa kung sino ang may pagkukulang sa kanila. 

Last April naman nang ma-hot seat ang aktor sa  comedy show na The Boobay and Tekla Show (TBATS). Dito n’ya inamin ang relasyon nila ng aktres na si Liezel Lopez.

However, pag dating ng July, si Liezel ang mismong nagsiwalat sa kanyang TikTok account na hiwalay na sila ni Kristoffer after three months. 

Sa kanya namang IG post noong July 26, makikitang nagbalik-loob sa D’yos si Kristoffer by joining a religous community. Ito marahil ang naging dahilan ng kanyang pagbabagong-buhay.

Congratulations and belated happy birthday, Kristoffer!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Non-showbiz partner ni Kristoffer Martin na si AC Banzon, napatawad na ang pagliko ng aktor?
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment