Sid Lucero, ginawa palang tulay noon si Drew Arellano sa panliligaw niya kay Iya Villania


Taong 2014 nang ikasal sina Drew Arellano at Iya Villania at biniyayaan sila ng taong anak na sina Primo, Leon, at Alana. May anak na rin ngayon si Sid, ang daughter n’yang si Halo Eve, mula sa kanyang past relationship.

PHOTOS: @marspamore & @iyavillania on Instagram

Taong 2014 nang ikasal sina Drew Arellano at Iya Villania at biniyayaan sila ng taong anak na sina Primo, Leon, at Alana. May anak na rin ngayon si Sid, ang daughter n’yang si Halo Eve, mula sa kanyang past relationship.

Napuno ng tawanan ang pag-amin ng TV host-actress na si Iya Villania na niligawan s’ya noon ng aktor na si Sid Lucero.

Naganap ang bukingan sa episode ng Mars Pa More last November 15, kung saan ang award-winning actor at ang ina nitong si Bing Pimentel ang guests nila ng co-host n’yang si Camille Prats

Si Iya kasi ang na-hot seat sa segment ng Kapuso morning show na “TaranTanong.” Na-surprise pa s’ya na s’ya ang isinalang para sagutin ang surprise question.

Hindi n’ya napigilang matawa habang binabasa ni Camille ang tanong na: “Totoo ba na si Sid ang mas unang nanligaw sa iyo at ang tulay niya ay si Drew [Arellano]? Oo o Hindi?

Oo!” sagot ni Iya habang hindi pa rin mapigilan ang tawa. 

“Oh my God!” naiusal naman nang natatawang ring si Sid.

Hindi naman inakala nina Camille at ina ni Sid na si Mommy Bing na ganu’n ang magiging sagot ni Iya. 

Anong nangyari sa inyo? Bakit kami na lang ni Tita Bing ‘yung… ano ito? May revelation na naganap ngayong umaga,” sunod-sunod na tanong ni Camille.

Kaya pala sa akin napunta ’yong ‘TaranTanong,’ ah,” sabi naman ni Iya na napakamot ng ulo dahil sa nangyari. 

Matapos noon ay ipinasa niya kay Sid ang pagpapaliwanag.

Bakit? Wala…alam ko wala. Hahaha!” ilag naman ng aktor. 

Pero napilitan din s’yang umamin. Naganap daw ito noong mga bata pa sila, noong magkatambal pa sina Drew at Iya sa youth-oriented show na Click

“Yeah. I used to like… it just happened a couple of times, ’no? Visit lang sa set and brought some food,” pagre-recall ni Sid. 

Salo naman ni Iya sa kanya, “Kasi kasama n’ya, of course, pinsan n’ya sina AJ [Eigenmann]… He would come and visit the set of Click.”

K’wento pa ni Sid, close daw talaga sila noon ni Drew noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz. 

Isa sa closest friends ko from my very first workshop, which got me into the industry, was Drew. And I was just like, ‘You never said anything. What’s wrong with you,’” natatawang pagre-recall n’ya. 

Paliwanag naman ni Iya, ang pagiging magka-love team daw nila ni Drew marahil ang naisip ni Sid na dahilan kaya ginawa nitong tulay si Drew para makapanligaw ito sa kanya.

“Close n’ya kasi si Drew and I guess he also saw that…Well, because Drew and I were a love team, nakita rin siguro n’ya na Drew and I were also close. So, he would’ve been the perfect bridge.”

Pero walang pinatunguhan ’yon dahil naramdaman daw ni Sid ang espesyal na pagtitinginan nina Iya and Drew noong mga panahong ’yon. 

“You know what I said the last time I actually ever tried? I was talking to him and I said, ‘I think she likes someone else’ and he [Drew] was like, ‘Ah talaga?’ and I couldn’t say it but I was talking to the guy,” natatawang sabi pa ni Sid. 

Taong 2014 nang ikasal sina Drew at Iya at biniyayaan sila ng taong anak na sina Primo, Leon, at Alana.

May anak na rin ngayon si Sid, ang daughter n’yang si Halo Eve, mula sa kanyang past relationship.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Sid Lucero, ginawa palang tulay noon si Drew Arellano sa panliligaw niya kay Iya Villania
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment