Claudine Barretto, hindi na itutuloy ang pagtakbo sa pagka-konsehal ng Olongapo?


Sa simula pa lang daw, ayon kay Cristy Fermin, ay duda na siyang matutuloy ang pagtakbo ni Claudine Barretto sa pulitika. Kilala na raw kasi ang aktres sa pagiging pababago-bago ng isip. “Sa umpisa po kasama pa si Claudine d’yan pero isang araw makikita natin wala na s’ya. Una, nagbago na ang takbo ng kanyang isip. Pabago-bago naman talaga ang takbo ng utak nitong si Claudine, e. “Buti pa ’yong bagyo nahuhuli ng PAGASA kung saang direksyon pupunta. E, si Claudine hindi mo alam kung ano talaga ang takbo ng utak n’ya.”

PHOTOS: mb.com.ph & @AnakngGapoOfficial on Facebook; INSET: @AnakngGapoOfficial on Facebook

Sa simula pa lang daw, ayon kay Cristy Fermin, ay duda na siyang matutuloy ang pagtakbo ni Claudine Barretto sa pulitika. Kilala na raw kasi ang aktres sa pagiging pababago-bago ng isip. “Sa umpisa po kasama pa si Claudine d’yan pero isang araw makikita natin wala na s’ya. Una, nagbago na ang takbo ng kanyang isip. Pabago-bago naman talaga ang takbo ng utak nitong si Claudine, e. “Buti pa ’yong bagyo nahuhuli ng PAGASA kung saang direksyon pupunta. E, si Claudine hindi mo alam kung ano talaga ang takbo ng utak n’ya.”

Gaano katotoo na uurong na raw si Claudine Barretto sa kanyang kandidatura sa pagka-konsehal sa Olongapo City?

Ito ang bali-balitang pinag-usapan ng showbiz news columnist and host na si Cristy Fermin at Romel Chika sa radio and online show nila na Cristy Ferminute kahapon, December 8.

Ayon kay Manay Cristy, hindi na umano sumasama si Claudine sa kanyang mga ka-partido, sa pangunguna ng kanyang talent manager na si Arnold Vegarfria, sa tuwing mag-iikot ang mga ito sa Olongapo. 

Sa maraming pagkakataon po na umiikot ang team ng kanyang tumatakbong mayor, s’yempre, si Arnold Vegafria, hindi po sumasama si Claudine. Hinahanap s’ya ng mga tao, s’yempre, artista s’ya, pang-kaway s’ya, ’di ba? Imbitasyon sa audience,” k’wento ni Cristy sa show. 

Ang kawalan daw ng pondo ng aktres ang dahilan kaya hindi na s’ya sumasama sa kanyang mga ka-partido sa paglilibot ng mga ito . 

“Hindi na po sumasama si Claudine dahil ang pangako daw po sa kanya ni Arnold Vegafria nu’ng kunin s’ya para tumakbong konsehal, si Arnold ang taya sa lahat ng gastos. Wala raw anumang gagastusin si Claudine basta’t tumakbo lang,” lahad pa ni Manay Cristy. 

However, magpa-hanggang ngayon daw ay wala pang natatanggap na pondo si Claudine, ayon daw sa malapit na kaibigan ng aktres. 

“Pero ang sabi ng best friend ni Claudine na best friend ko rin…kaya hindi mo ’to p’wedeng i-deny… hanggang ngayon, naka-ilang buwan na kayo wala pa ring bumababang pondo,” pagsisiwalat n’ya. 

“E, saan nga naman kukuha ng pera si Claudine? Kaisa-isa n’yang pelikula, e, hindi pa naipapalabas, ’yong sa kanila ni Mark Anthony. Nasa post production stage pa lang. Saan kukuha si Claudine ng pampuhunan sa kampanya, e, wala nga s’yang proyekto.”

Sey pa ni Manay Cristy, nagduda na daw s’ya nu’ng una pa lang na nakarating sa kanya ang balitang papasok ang tinaguriang Optimum Star sa pulitika. 

“Nu’ng unang nakita ko ang poster ni Claudine Barretto na tatakbo nangang konsehal sa Olongapo, anong sinabi ko, Romel? Naku, tandaan po natin anong araw ngayon,” sabi n’ya.

“Sa umpisa po kasama pa si Claudine d’yan pero isang araw makikita natin wala na s’ya,” pagpapatuloy n’ya. “Una, nagbago na ang takbo ng kanyang isip. Pabago-bago naman talaga ang takbo ng utak nitong si Claudine, e.

“Buti pa ’yong bagyo nahuhuli ng PAGASA kung saang direksyon pupunta. E, si Claudine hindi mo alam kung ano talaga ang takbo ng utak n’ya.”

Pag-uulit pa ni Manay Cristy, “At ang pinakamahalaga, sinabi po ng aming common friend na wala pang pondong ibinababa si Arnold Vegafria. Wala pa pong pera na ibinibigay sa kanya kaya hindi na s’ya sumasama sa pag-iikot ng kanilang partido sa Olongapo.”

Hirit naman ni Romel Chika, kung nasa puso daw talaga ni Claudine ang pagsisilbi sa publiko ay baka p’wedeng sumama muna s’ya sa kanyang partido kahit wala pa s’yang natatanggap na pondo. 

Sagot naman sa kanya ni Manay Cristy, “Mahirap kumilos sa mundo ng pulitika kung wala kang pera. Para kang may baril, wala ka namang bala. Wala ring saysay ang armas mo.”

Dagdag pa n’ya “’Yon ngang sustento ng mga anak n’ya kay Raymart hinahabol pa n’ya, ’di ba? E, wala naman s’yang trabaho. 

“Kay Gretchen [Barretto] p’wede s’yang sumandal. Pero hanggang kailan? S’yempre gusto rin ni Gretchen na maging responsable s’yang magulang, ’di ba? 

“Makapagbibigay si Gretchen, makatutulong. Pero hanggang kailan? ’Yon ang kuwestiyon,” pagtatapos ni Manay Cristy.

At press time ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Claudine tungkol sa balitang ito.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Claudine Barretto, hindi na itutuloy ang pagtakbo sa pagka-konsehal ng Olongapo?
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment