Awra Briguela, matapos mapagtapos sa college ang tatay, nakapagpundar naman ng bahay


Isa daw sa magandang panuntunan sa buhay na turo ng kanyang tatay Oneal kay Awra Briguela ay ang maging mapagpatawad. “Kaya po lahat po nang nagiging isyu ko na may kaaway po ako, kahit sobra na po ’yong ginagawa sa akin ng mga tao, si papa lang po ’yo ng laging [napapayo na], ‘Patawarin mo. Kasi sila, hindi ka nila kayang tingnan sa mata. Sila, kaya mo silang tingnan nang nakataas pa ’yong ulo mo.”

Isa daw sa magandang panuntunan sa buhay na turo ng kanyang tatay Oneal kay Awra Briguela ay ang maging mapagpatawad. “Kaya po lahat po nang nagiging isyu ko na may kaaway po ako, kahit sobra na po ’yong ginagawa sa akin ng mga tao, si papa lang po ’yo ng laging [napapayo na], ‘Patawarin mo. Kasi sila, hindi ka nila kayang tingnan sa mata. Sila, kaya mo silang tingnan nang nakataas pa ’yong ulo mo.”

Napa-throwback ang young comedian na si Awra Briguela sa proud moment n’ya nang mapagtapos niya sa kolehiyo ang tatay n’yang si Oneal Brian. 

Naganap ang throwback sa interview niya para sa vlog ng journalist-vlogger na si Karen Davila na in-upload sa YouTube last December 4. House tour talaga ang pakay ni Karen sa pagbisita n’ya sa bagong bahay nina Awra pero nauwi iyon sa malalimang interview nang maabutan n’ya doon ang kakauwi lang na tatay ni Awra. 

Kinuha na ni Karen ang pagkakataon na ma-interview ang mag-ama tungkol sa relasyon nila.

Ayon kay Oneal, bata pa lang si Awra, maging ang younger brother nitong si Brione, ay alam na n’ya ang gender preferences ng mga ito at agad daw niyang natanggap ’yon. 

Mga three years old pa lang ramdam ko na, e. Kasi pag binibilhan ko ng bola, ang gusto n’yang laruin ’yong Barbie [doll] ng ate n’ya. Sa akin naman po, e, kung saan masaya ang anak ko doon po ako masaya,” walang pagkukubling pahayag ni Oneal. 

Nu’ng nararamdaman kong ganu’n s’ya, tinanggap ko na sa sarili ko. Kasi kung hindi ko po matatanggap, papaano pa ’yong ibang tao?

At ramdam naman daw ’yon nina Awra at Brione dahil never daw silang ikinahiya ng kanilang ama. 

Hindi n’ya po ako kinakahiya sa ibang tao lalo na sa mga tropa n’ya at kaibigan n’ya,” very appreciative na lahad naman ng Kapamilya comedian. “Binibida pa po n’ya kaming magkapatid. Pag may occasion po pinapasayaw kami ni papa. Proud s’yang may anak s’yang gay.”

K’wento pa n’ya, bagama’t naiwan sila sa tatay mula nu’ng maghiwalay ang mga magulang nila ay masaya na s’ya ngayon dahil naghilom na ang sugat sa kanilang pamilya. 

Siguro po kasi nu’ng time na ’yon…si papa ko kasi talaga ’yong nagpapa-aral sa amin that time,” lahad ni Awra. “Pero ngayon po happy naman kami kasi okay na po both sides. Happy na po, like, kaya po naming lumabas magkakasama.

Mas nangibabaw daw kay Oneal ang magpatawad para maging maayos ang pamilya nila. 

Ganu’n po talaga, e. Kasi kung hindi ka po magpapatawad… Naiiyak ako,” medyo emosyonal na sabi n’ya. “Kasi ang turo po sa akin ng mga magulang ko, ’yong tao daw po na nagpapakumbaba s’ya ’yong inaangat ng D’yos.

At ang panuntunan na ito sa buhay ay siya rin daw ipinapasa ngayon ni Oneal sa mga anak.

Kaya po, Ms. Karen, lahat po nang nagiging isyu ko na may kaaway po ako, kahit sobra na po ’yong ginagawa sa akin ng mga tao, si papa lang po ’yong laging  [napapayo na], ‘Patawarin mo. Kasi sila, hindi ka nila kayang tingnan sa mata. Sila, kaya mo silang tingnan nang nakataas pa ’yong ulo mo,’” pagbabahagi ni Awra.

Dito na natanong si Awra tungkol sa pagpapaaral n’ya sa kanyang tatay. 

Matatandaan na naibalita noong na si Awra ang tumutustos sa pagpapaaral kay Oneal. Taong 2019 nang magtapos sa kolehiyo ang kanyang ama. 

Nu’ng time kasi na ’yon, gustong gusto ni papa bumalik sa pag-aaral kasi nga gusto n’yang ipakita sa amin na kahit ano’ng edad mo pa p’wede kang bumalik sa pag-aaral anytime. And gusto n’ya patunayan sa amin na sobrang mahalaga talaga ang pag-aaral,” pagre-recall ni Awra. 

K’wento naman ni Oneal, medyo naasiwa s’ya nu’ng umpisa dahil mga bata ang kasabayan n’ya sa pag-aaral. 

Nagsimula po uli ako sa first year college. Thirty-two years old na ako nu’n, e. Ako ’yong pinakamatanda sa batch namin na grumadweyt,” pagbabaliktanaw ng tatay ni Awra.

Nu’ng una po nahihiya ako, e,” pag-amin nito sa interview. “Pero ang mindset ko pakapalan na lang ng mukha ito. Kung hindi ko kakapalan ang mukha ko walang mangyayari, e. Awa naman po ng D’yos, habang tumatagal, mas na-appreciate nila ’yong ganu’ng mindset.”

Dagdag pa ni Oneal: “Na-realize ko po na iba kapag may aral, e. Iba kapag naka-graduate ka. E, ayoko din naman mangyari sa point na dumating ang mga anak ko sa ganu’n, e.

S’yempre, proud anak ang peg ni Awra noong graduation day ng ama n’yang si Oneal dahil team effort nila ’yon bilang mag-tatay. 

Ang pinaka nakaka-touch [na moment] ’yong ako ’yong isa sa umakyat sa stage para bigyan s’ya ng diploma. Nandu’n po ako nu’ng binigyan s’ya ng diploma,” nakangiting pagbabalik-tanaw ng proud dawter.

S’yempre, nakita ko po nu’n kung gaano s’ya ka-desidido bumalik sa pag-aaral and proud na proud po kami nu’ng umakyat s’ya ng stage at nakuha n’ya ’yong gusto n’ya talaga.”

Kung proud s’ya noon ay proud at masaya din si Awra sa bago niyang achievement. Ang maipagtayo ng bagong bahay ang pamilya sa isang mas maayos na lugar.

“Super happy po kasi ’yong pinanggalingan namin [na lugar] super iba talaga dito. [Nasa] squatter area po talaga kami before. Ngayon iba na, secured na kami sa subdivision. Bilang lang ang nakakapasok. Tapos sobrang ganda pa nu’ng house kaya iba talaga s’ya,” sey pa batang komedyante.

“Super happy po talaga ako na nakalipat na kami kasi this Christmas and New Year, sasalubungin namin ’yong bagong taon na maganda ’yong house namin,” pagtatapos ng nakaka-proud na young achiever.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Awra Briguela, matapos mapagtapos sa college ang tatay, nakapagpundar naman ng bahay
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment