May nakakapanindig-balahibong experience ang aktor na si Jameson Blake na naganap sa Baguio kung saan kinunan ang “Hotel” episode nila para sa horror trilogy na Huwag Kang Lalabas.
Ikinuwento n’ya ito virtually sa showbiz columnist and host na si Cristy Fermin at Romel Chika sa radio and online show nilang Cristy Ferminute last December 13.
Kadalasan kasi may mga nakakatakot na karanasan ang mga artista kapag gumagawa sila ng horror film na sa mga nakakatakot din na location kinukunan. Kaya natanong ang aktor kung meron rin ba s’yang nakakatakot na experience sa shooting nila sa Baguio.
“May na-experience po ako kasi kung saan kami nag-shoot sa Baguio, medyo nakakatakot doon,” lahad ni Jameson.
“And then may kasama akong staff pauwi after the shoot. And pinost n’ya ’yong [Instagram] Story na magkasama kami na naka-prosthetic ako, para akong mukhang ghost,” dagdag pa ng aktor.
“Pinost n’ya tapos may nag-comment sa Story n’ya na parang mag-ingat daw kami kasi may nag-follow daw sa amin or something. First time nangyari sa akin ’yon so nakakatakot.”
Pinatotohanan ito ng supervising producer na si Joy Sison sa press preview ng pelikula a few days ago.
Pagre-recall ni Joy sa nangyari: “Tatlo lang kami sa van. Sabi ko kay Jameson tabi na lang kami. May sumama raw sa amin na parang babae after ng shoot.
“So, sobrang takot na takot kami habang nagbi-biyahe. Hindi talaga kami tumitingin sa likod kasi baka pagtingin namin nandu’n s’ya.
“Bigla kasi nag-text ’yong ispiritista matapos n’ya makita ’yong picture na post ko. Kasi yata ’yong multo parang nakita n’ya na mukhang matutulungan s’ya ni Jameson.”
Kung may creepy experience man, masaya daw si Jameson na makatrabaho sa pelikula ang co-star n’yang si Kim Chiu.
“This is my first time na makasama si Kim Chiu sa isang film. Kasi usually, kasama ko s’ya sa ASAP [Natin ’To], ito ’yong first time na kasama ko s’ya for a movie,” aniya.
“Okey naman, na-enjoy ko naman. Nag-level up naman ’yong experience working with her. It’s something different.
“Even with ’yong kasama kong ibang cast [members] na-enjoy ko naman. I met new people, and also working with Direk Adolf [Alix Jr.]. Masaya naman. ’Yong lugar lang siguro… With everyone, okey naman,” pagtatapos ni Jameson.
Maliban sa “Hotel” episode nina Jameson and Kim, kabilang din sa pelikula ang maraming artista gaya nina Elizabeth Oropesa at Beauty Gonzalez para sa “Kumbento;” at Aiko Meledez with James Blanco and Joaquin Domagoso sa “Bahay.”
Official movie entry ang Huwag Kang Lalabas sa Metro Manila Film Festival ngayong taon na mapapanood na simula sa December 25 in cinemas.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Jameson Blake, sinundan daw ng multo mula sa location set nila sa Baguio
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment