Tandem nina Xian Lim at Glaiza de Castro, hindi raw pinagseselosan nina Kim Chiu at David Rainey


Si Glaiza ang magiging kauna-unahang Kapuso leading lady ni Xian matapos pansamantalang mahinto ang production ng project nila ni Jennylyn Mercado na Love. Die. Repeat matapos makumpirmang buntis ang huli. Mapapanood ang romcom series na False Positive nina Glaiza at Xian sa GMA Telebabad soon.

PHOTO: @gmanetwork on Instagram; INSET: @glaizaredux & @chinitaprincess on Instagram

Si Glaiza ang magiging kauna-unahang Kapuso leading lady ni Xian matapos pansamantalang mahinto ang production ng project nila ni Jennylyn Mercado na Love. Die. Repeat matapos makumpirmang buntis ang huli. Mapapanood ang romcom series na False Positive nina Glaiza at Xian sa GMA Telebabad soon.

Busog daw sa kilig moments ang upcoming romantic comedy series na False Positive na pinagtatambalan nina Xian Lim at Glaiza de Castro.

Newlywed couple kasi ang papel ng dalawa sa first-ever team up nila sa isang teleserye kaya marami daw ditong kilig moments and kissing scenes na dapat abangan ng mga manonood. 

Pero trabaho lang daw at walang dapat ipagselos ang kani-kanilang mga kasintahan, ayon sa dalawa nang makausap sila via Zoom ng entertainment press kahapon, December 16.

Tsika pa ni Glaiza, naipakilala na nga raw n’ya si Xian sa Irish fiancé n’yang si David Rainey

“One time, kasama ko si David tapos nakita ko ’yong billboard ni Xian. Tapos sabi ko sa kanya, ‘He’s going to be my leading man,’” pagbabalik-tanaw ng aktres. 

Kahit aware daw si David sa nature ng trabaho n’ya bilang isang artista ay patuloy pa rin s’ya sa pagbibiday ng update dito kung ano ang mga ganap nila sa set. 

E, si David naman gets n’ya naman ’yong trabaho ko, e. Tapos nagse-send din ako sa kanya ng mga pictures, mga videos namin,” aniya. 

“Of course, medyo weird na meron kaming mga sweet moments. Alam mo ’yon, naninibago pa rin s’ya. Pero very supportive pa rin s’ya when it comes to… ‘Ah, sige. Usap lang kayo.’

Hindi naman daw ito nagde-demand sa kanya ng oras lalo pa’t LDR o long distance relationship ang set up nila sa ngayon. 

“Never naman n’ya akong kinuwestiyon na, ‘Ah, bakit hindi mo na ako tinatawagan? Bakit wala ka ng time?’ ’Yong ganu’n,” kuwento pa ni Glaiza. 

“So, I make it a point naman talaga to talk to him and slowly introduce din ’yong mga co-actors ko, si Xian. Nu’ng nag-video call kami in-introduce ko s’ya. 

Sabi ko sa kanya, ‘This is Xian, my love team [partner].’ Mga ganu’n. Never s’yang nag-question. Tinatanong pa nga n’ya ako, ‘Oh, kumusta naman sa set?’ Ayon, masaya na ako du’n sa part na ’yon,” pagtatapos n’ya.

Pinatotohanan naman ito ni Xian dahil saksi daw s’ya sa kung paano ang communication nina Glaiza at David. 

Idagdag ko lang, ’yong pagka-solid ng foundation nila as a couple, nakakatuwa lang kasi lagi silang magka-usap… He looks like he’s really a supportive guy,” pagbabahagi naman ng aktor. 

For his part naman, wala na daw kailangang paliwanagan sa kanila ng nobya n’yang si Kim Chiu dahil alam nito ang nature ng work nila bilang pareho silang artista. 

“And in my case naman, I think, sa amin naman ni Kim, it’s more of pareho naman kaming nasa industry so parang no explanation needed,” saad n’ya. 

“We already understand ’yong mga requirements ng work namin. We’re very supportive sa mga individual projects namin,” pagtatapos ni Xian.

Si Glaiza ang magiging kauna-unahang Kapuso leading lady ni Xian matapos pansamantalang ma-hinto ang production ng project nila ni Jennylyn Mercado na Love. Die. Repeat matapos makumpirmang buntis ang huli. 

Mapapanood ang romcom series na False Positive nina Glaiza at Xian sa GMA Telebabad soon.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Tandem nina Xian Lim at Glaiza de Castro, hindi raw pinagseselosan nina Kim Chiu at David Rainey
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment