Long-time talent manager, kinalasan ng singer-aktres nang makatikim ng slight na pagsikat

Masamang-masama ang loob ngayon ng isang talent manager nang sabihan siya ng kanyang alagang singer-actress na hindi na ito magpapa-manage sa kanya.

Matagal na ang kanilang pinagsamahan dahil mula pagkabata ay siya na ang manager nito. Malapit kasi ang kanilang pamilya to the point na maging sa mga personal needs ng pamilya ng singer-actress ay malaki ang nai-ambag nito.

Ngayon na kung kailan medyo uma-angat na ang career ng adult na niyang alaga ay saka  naman ito bumibitiw sa kanya.

Tila ang nais daw iparamdam ng singer-actress ay wala namang nai-ambag sa career niya ang talent manager at ang pag-angat niya ay dahil sa kanyang talent at hindi dahil sa pagpupursige ng manager.

Pero hindi iyon ang alam ng mga taong naka-saksi sa pagtataguyod ni manager sa dati ay walang pumapansin na young star. Idinuduldol niya ito sa mga concerts ng kung sinu-sino magka-raket at makilala lang. Siya din ang nangungulit sa mga executives ng TV station na bigyan ng project ang alaga niya.

Umabot pa sa puntong pinag-produce niya ito ng show pero hindi ito bumenta.

Pero tila lumaki na nga ang ulo ng singer-actress matapos makaranas ng slight na pag-angat ng career. Ang wordings pa umano ng singer-actress sa manager ay masyado namang busy ang manager kaya walang time na alagaan siya kaya’t hindi nalang magpapa-manage sa kanya.

Wala namang balak mag-demanda ng friendly’ng manager pero tila gusto nitong kausapin ang mga bosses ng TV station kung saan naka-kontrata ang singer-actress para alamin ang puno’t dulo ng pagbabago ng kanyang alaga.

Hindi naman ikapaghihirap ni manager kung mawala man sa poder niya ang singer-actress. Hindi naman kasi ang pagta-talent manager ang kanyang bread and butter. Nalulungkot lang daw ito sa biglaang panlalamig ng singer-actress sa kanya to the point na tila nabura na sa memory nito ang mga nagawa niya para dito during their lengthy relationship as manager and talent.

Nalulungkot din ang aming source na nakasaksi sa kung paano inalagaan ng manager ang singer-actress through the years. Nasasaktan siya para sa manager dahil hindi nito deserve umano ang panlalamig ng talent niya sa kanya.

Oh, well…

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Long-time talent manager, kinalasan ng singer-aktres nang makatikim ng slight na pagsikat
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment