Wilbert Ross, sumuot sa butas ng karayom bago unti-unting nakakamit ang tagumpay sa showbiz

Napaka-interesting pala ng life story nitong si Hashtag Wilbert Ross. Once ilatag niya sa’yo, you can’t help but be amazed. Nakakabilib ang never-say-die attitude niya.

Bata palang daw, pangarap na niyang mag-artista, tipong type niya mag-member ng Going Bulilit. Kaya nga sa high school yearbook, pinalagay niya talaga na “I want to be a celebrity.”

Kaya lang, wala naman daw opportunity sa Davao del Sur, where he is from. Mag-aantay ka lang daw ng pa-auditions pero madalang.

At kung meron man, paniguradong nakapila si Wilbert doon. Naka-apat siya sa Pinoy Big Brother pero lagi lang naso-shortlist. May isa raw na muntik na, pero sumablay pa rin.

He wanted to be in showbiz simply because naniniwala siya na kaya niya at p’wede siya. He sings, writes songs, he dances, president siya ng theater club, and just recently, nakatapos daw siya ng dalawang movie scripts. In short, kung talent din lang, he knows he has load of it. At parang di siya mapapakali until he’s able to share it to the world. Plus factor pa na may itsura siya, may built at may porma.

Kaya nang makarinig na may pa-audition sa Pinoy Boyband, kumasa na naman. And once again, he failed. Iniyak na raw niya ito sa supportive mom niya. “Bakit lagi nalang akong talo?”

But he picked up the pieces and auditioned once again sa Tawag ng Tanghalan. Waley na naman.

But he’s not ready to give up. In fact, mas nagpuyos pa ang damdamin niya to try harder to the point na kinausap niya ang nanay niya na payagan siyang pumunta ng Manila to try his luck here. Mas marami nga namang opportunity dito.

But coming to Manila means, igi-give up niya ang full college scholarship niya sa Davao, where he was supposed to take up an engineering course. Pero talaga daw mas in love siya sa arts.

Pag dating dito, nakitira daw siya sa pinsan niyang construction worker, who lives in an impoverished part ng Novaliches. Nahihiya man siya sa pinsan niya dahil nakikisabit na siya kahit masikip na sila sa bahay, wala daw siyang matitirhan talaga.

Nag-apply siya sa Star Magic work shop at habang nandoon, nakikibali-balita kung saan may audition. While doing so, pinagkakasya niya ang P1,500 a week na allowance na padala ng tatay niyang seaman. E, krisis pa man din daw ng pamilya nila at that time in 2016.

“Alam naman natin kung gaano kaliit ang P1,500 a week sa Manila,” pagre-recall ni Wilbert. “Nandoon na lahat, three meals a day, pamasahe…hindi naman ako maarte kasi probinsyano naman ako. Pero ang hirap, ang hirap pa rin [pagkasyahin].”

Apat na sakay daw mula Novaliches papuntang Mother Ignacia sa studio ng ABS-CBN. Still unfamiliar sa geography ng Quezon City, minsan daw ay nakarating siya ng Monumento dahil na-miss niya ang landmark na tinatandaan niya.

“Naiyak po ako takaga noon kasi wala po akong choice kung hindi mag-taxi,” sabi niya dahil male-late na siya sa commitment niya. “Ang laki ng mababawas sa allowance ko.”

Umaasa lang daw siya noon sa mga raket ng pag-o-online content ng Pinoy Boyband hanggang sa nawala na. Muli, umiyak siya sa nanay niya sa phone. Sabi naman ng nanay niya, bumalik nalang siya ng Davao. Pero ayaw naman niya. In his mind, laban pa.

Even the Hashtag audition, muntik daw sumablay. Mahaba ang k’wento niya tungkol dito. But long story short, he made it. At dito na nagbago ang ikot ng mundo ni Wilbert. May regular show na, may mga raket pa on the side. Nakapag-supporting roles na din sa ilang pelikula.

Una niya agad pinundar ay isang condo unit. Pangawala ay motorsiklo na binenta din niya during the lockdown dahil hindi naman nagagamit. Up to now ay wala daw siyang kotse. Tila balak niyang tapusin ang condo bago ’yon.

At dahil wala na rin silang ganap sa It’s Showtime, he went to Viva, where he is now flourishing as a sexy-comedy leading man. After ng “mahahaba ang dialogues” na role niya sa Shoot! Shoot! with Andrew E., lead role na siya sa pelikula nila ni AJ Raval na Crush Kong Curly, na incidentally ay siya rin ang kumanta at nag-compose ng original movie soundtrack (OST).

“Actually, nasulat ko po ’yong song, high school pa ako. Pang-asar ko lang sa kaibigan ko. Tapos, nagustuhan po ni Direk GB [Sampedro] ’yong title, ginawa po niyang title no’ng film,” masayang k’wento ni Wilbert. “Tapos, ako na rin po kumanta. Kaya nga sobrang memorable nito sa akin kasi, ginamit na ’yong kanta ko na title, OST pa, tapos bida pa ako sa movie.

“Kaya ngayon, pag may movie ako, magpi-pitch din ako ng kanta,” say niya bilang marami daw siyang naka-bangko.

Sabi namin sa kanya, looks like harvest time na siya sa mga in-invest niyang hirap at pagsa-sakripisyo magka-puwang lang sa showbiz. Pati YouTube niya, bongga na rin (with 1.4M subscribers).

And he can’t help but smile. Aniya, he’s proud of himself for not giving up.

At kung hindi raw siya suwertihin nang husto as an on-cam talent—which is mukang malabong mangyari dahil alagwa naman ang career niya—may back-up naman siya dahil p’wede naman daw siyang maging record producer, film director, or film producer (may script na nga siya).

Talented nga kasi. Maraming bala. All he needed was to make it in. And now that he’s in, alam na niya how to branch himself out.

And he has the right formula for showbiz. Talent, coupled with perseverance.

He’s definitely going places.

Incidentally, his first lead-role movie, Crush Kong Curly, will start streaming on Vivamax this Friday na, December 17.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Wilbert Ross, sumuot sa butas ng karayom bago unti-unting nakakamit ang tagumpay sa showbiz
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment