Dingdong Dantes, sabik na sabik na sa mga anak


Ang malungkot na part lang daw no’ng Israel and Miss Universe journey nilang mag-asawa, ayon kay Dingdong Dantes, ay ’yong hindi nila naisama sina Ate Zia and Baby Sixto. At may time difference din kaya’t hindi nila madalas maka-video call ang mga ito. Kaya nga at this point, gigil na silang mag-asawang naka-uwi from quarantine.

Photos: Viva Films / @marianrivera

Ang malungkot na part lang daw no’ng Israel and Miss Universe journey nilang mag-asawa, ayon kay Dingdong Dantes, ay ’yong hindi nila naisama sina Ate Zia and Baby Sixto. At may time difference din kaya’t hindi nila madalas maka-video call ang mga ito. Kaya nga at this point, gigil na silang mag-asawang naka-uwi from quarantine.

Fresh from Israel with wife Marian Rivera at habang naka-quarantine ay sumalang si Dingdong Dantes para sa solo virtual press conference niya for A Hard Day, ang hitik sa aksyong pelikula nila ni John Arcilla na ready’ng-ready nang ikasa sa 47th Metro Manila Film Festival.

Talaga namang trailer palang, iikot na p’wet mo sa pagka-intense ng mga eksena. Sabi nga namin kay Dong, bagay na bagay sa kanya ang action genre.

Anyway, sa pakikipag-kumustahan ni Dong sa press, nag-k’wento siya nang slight about their Israel journey nila ni Misis, na nag-enjoy sa kanyang Miss Universe journey as a judge.

“Kababalik lang din namin nu’ng [December] 15th,” panimula ni Dong. “Kaya ngayon lang nag-sink in lahat ng mga ginawa namin for the past days. Masaya lang ako na nabigyan ako ng opportunity na talagang ma-witness lahat ’yon. Kasi s’yempre ang role ko naman doon ay nandoon ako to support Marian… kung ano man ’yong pangangailangan n’ya. But you know, even as part of her support group, nakita mo, na-witness mo talaga how important that event is. Not just for her but also for world.

“Parang we got to see different advocacy,” dire-diretsong k’wento ni Dong. “Kami personally, nakapunta kami ng Jerusalem—isang bagay na talagang pinangarap lang namin noon at nagawa namin ngayon. So, that, among many others, talagang masasabi kong napakagandang experience. And now that we are about to go home in the next couple of days, miss na miss namin ang mga anak namin. So, we can’t wait to be home soon.”

Aniya, ang malungkot na part lang daw no’ng Israel and Miss U journey nila ay ’yong hindi nila naisama sina Ate Zia and Baby Sixto. At may time difference din kaya’t hindi nila madalas maka-video call ang mga ito. Kaya nga at this point, gigil na silang mag-asawang naka-uwi from quarantine.

“So, alam nila hindi pa kami makakauwi kaagad ngayon,” kwento pa rin ni Dong. “Walang tigil sa kaka-video call. Parang kinakamusta namin sila. Medyo challenge nga nu’ng nandoon kami dahil nauuna ’yong Pilipinas ng six hours. So, very, very limited din yong time na nakakausap namin sila. Pero ngayon talaga we make sure natse-check namin sila from time to time. And very grateful kami that ’yong mga lola ang nandoon para alagaan sila.”

Dahil naka-quarantine pa ay hindi makakasama si Dong sa first ever fluvial parade ng MMFF na gaganapin bukas sa Pasig River. Pero pramis niyang present siya sa premiere night on the 22nd na hindi pa ina-announce ang venue.

Excited na raw siyang makapasok muli ng sine.

Ang A Hard Day, na Philippine adaptation of a 2014 hit Korean film of the same title, ay mapapanood na sa December 25 sa mga sinehan. And hopefully this MMFF really pave the way para magbalik nang muli ang publiko sa panonood ng sine.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Dingdong Dantes, sabik na sabik na sa mga anak
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment