Markki Stroem classifies himself as a demisexual; aminadong nahihirapang “tigasan” lately

“Gurl, Madonna is shaking,” ito ang sinabi ni Markki Stroem sa sarili habang nakaharap siya sa salamin bilang drag queen. Ito ay para sa isang eksena ng TV series na Delivery Gurl na umere na ngayong Enero 1, 2022 sa streaming app na Cignal Play, mula sa direksyon ni Carlo Catu at produced ng Cignal Entertainment at Epic Media.

Fresh from his portrayal in the BL series na Love at the End of the World na umeere na rin ngayon sa Gagaoolala streaming app, eto’t drag queen naman ang tinanggap niyang panibagong hamon.

Sa pakikipagpanayam namin sa aktor sa dalawang magkahiwalay na events—sa virtual mediacon ng Delivery Gurl at face-to-face gala ng Love at the End of the World—marami kaming naitanong sa very open at walang filter na si Markki.

(Ang Love at the End of the World ay produced ng Temporary Insanity Pictures na idinirek naman ni Shandii Bacolod.)

Isa na ay kung bakit tila pawang gay roles o may kinalaman sa LGBTQIA+ tinatanggap niya ngayon?

 “Focused ako sa LGBTQ because it’s the LGBTQ that needs to be presented properly,” paliwanag niya. “You need to understand it. Kasi ang dami ko nang nakitang mga actors who tried to portray these roles…”

Ang ganda-ganda at ang husay ng pagkaka-atake ni Markki sa karakter niyang drag queen sa Delivery Gurl na iisipin mong talagang gay siya, pero hindi. He’s actually more.

He says he’s a demisexual o ’yong puwedeng gay, straight, bisexual, or pansexual. 

Pero kahit pa open siya sa pakikipag-relasyon sa kahit anong gender, ay aminado din ang walang filter na si Markki na nawawalan raw siya ng gana sa sex lately.

“I lost interest,” walang keber na pagtatapat niya. “I tried multiple times to get back my sexual mojo but I’m emotional…I’m emotionally attached to people but I’m not super sexual these days. Baka dahil marami akong work?  Marami akong ginagawa?”

At dahil nawala ang sexual urge niya ay diretsong tinanong namin kung hindi ba matatawag na sakit na ito?

“I don’t know, parang minsan ginagawa ko lang… tipong parang part of the motions para lang ma-feel ko na I’m sexually aroused pero minsan hindi rin tumitigas,” deretsahang kuwento niya. “These days, I don’t know what happened. And it’s a sexuality… it’s part of human sexuality, hindi lang male to female. When you find loving someone, then maybe sex will happen. And minsan, it’s okay to hug and I’m okay with it. I like to hug.”

May pagkakataon pa raw na may kasama siya buong magdamag pero walang nangyari dahil nga ayaw siyang tayuan.

“And I feel bad minsan. I tried to when I’m emotionally attached… meaning for a long-time relationship, for a period of time, or one night-stand… that’s full of emotional attachment and minsan I get aroused but it’s rare.”

Alam din daw ng magulang ni Markki ang kasalukuyang sitwasyon niya.

“Of course. Me and my family are so open.” 

Diretsong tanong ulit namin sa kanya kung hindi ba siya hinahanapan ng apo ng magulang niya na parehong may edad na.

“Ah, we had that conversation recently and they did [ask]. ’Yong pinsan ko magkaka-anak, ’yong dalawang kapatid [brothers ko], magkaka-anak. Ako gusto ko ring magka-anak in the future.

“Who knows how it’s gonna happen. Baka through science o transman ang magiging relationship ko sa dulo.  I’m into transmen. I like women who transitioned into men but still have their facilities intact. So, who knows I might have a kid with them. At the end of the day, who knows,” walang filter na pahayag ng aktor.

Nabanggit din ni Markki ang naging experience niya sa Arab Fashion week last October 2021 kung saan isa siya sa mga rumampa alongside mga nag-cross dress din na lalaki. Kakaibang maituturing ito dahil hindi legal doon ang mga lalaking nakasuot ng pambabae.

“In Arab countries, bawal ang cross-dressing. At nag-heels ako du’n (fuschia boots) and underwear and topless,” say ng aktor. 

At dahil mahilig magpo-post si Markki sa kanyang Instagram account na naka-topless o kaya naman ay naka-boxer briefs lang,  kaya marami umano siyang natatanggap na kakatwang proposals. 

“Nakakatawa kasi may nagsabi, ‘O, Markki 40 thousand o 50 thousand, sex tayo.’ ’Yong ganu’n!  Tapos nu’ng nag-post ako ng naka-drag, biglang [sabi], ‘Bakla! Bading!  Wala kang kuwenta.’ Ganu’n-ganu’n.

“And I’m just like, ‘What is wrong with you guys? What’s all these internalized homophobias? One day you’re telling me you wanna have sex because I’m masculine? And then when you see me in feminine clothing biglang there is something wrong with who I am, ang pagkatao ko?’ 

“So, one thing I learned is that there is so much internalized homophobia not just in the industry community or in general but within the LGBTQ +++ community,” pahayag ni Markki.

At dahil nga mahusay ang pagkaka-ganap niya bilang drag queen, tinanong namin si Markki kung may plano ba siyang sumali sa drag queen contest na iho-host ng Fil-Am drag queen na si Manila Luzon na may titulong Drag Race Philippines. 

“Ah, hindi actor ako, e,” napa-LOL na sagot niya. “I studied the role, pero wala akong patience matuto mag-make-up or [mag-]female fashion. As Markki, I like to wear t-shirts and shorts lang. Pero fan ako ng mga drag queens. Bilib na bilib ako sa kanila,” patuloy ng aktor. 

Pero aminado si Markki na nu’ng gawin niya ang Delivery Gurl ay humingi siya ng tulong para turuan siya ng kapwa niya Cornerstone talent na si Brigiding o Gigi Ancheta na isa sa mga contestants ng Drag Race Philippines. 

“Kinausap ko sina MZ Black and Brigiding—both top drag queens dito sa Pilipinas and then we did a drag queen 101 training wherein they taught me how to walk, they taught me how to do make-up, padding dresses, and SOGIE bill…kung ano ang ibig sabihin ng LGBTQIA +++, understanding the history of the LGBT,” pagbabahagi pa ng aktor. 

Sa Delivery Gurl ay ginagampan ng aktor ang dual characters na si Bingo sa masculine side at si Bianca sa feminine side. As Bianca, isa siyang drag queen na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Dahil dito, nagpunta siya ng Baguio City para maghanap ng trabaho at napasok siyang “delivery girl” sa kumpanyang pag-aari naman ni Victor Basa, na later on ay nagkagusto sa kanya. 

“Sa story, nawalan ako ng work because of the pandemic, o because of recession. So, pumunta ako sa Baguio, naging delivery gurl ako na naka-drag pa rin ako and when I deliver the packages, may performances,” masayang tsika ng aktor.

Pero ang unang nagpatibok ng puso niya ay si Rocky Salumbides na iniwan niya sa Maynila. Dahil sa nabuong love triangle, gugulo ang buhay ni Bianca.

Bukod kina Rocky at Victor ay kasama rin sa Delivery Gurl sina Madeleine Nicolas, Pipay Kipay, Iyah Mina, Lui Manansala, Sky Teotico, EJ Panganiban, Allison Piñeda, Brian Black, Andre Miguel, Carlos Dala, Liya Sarmiento, Kakki Teodoro, Juliana Parizcova Segovia, EJ Jallorina, Lady Gagita, at Maria Christina.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Markki Stroem classifies himself as a demisexual; aminadong nahihirapang “tigasan” lately
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment