![](https://pikapika.ph/storage/media/image/article/44821f701cc30140043698441975b284/images/9cac2ca53c5fe723c249d012d6091c50/conversions/viber_image_2022-01-11_17-01-21-095-feature.jpg?v=1641892225)
Agad na nanghingi ng dasal ang isang actor sa mga ka-chat niya sa isang Viber group ng mga artista nang malaman niyang nag-positive siya sa Covid-19 kamakailan.
Takot na takot ang aktor dahil last year ay may kamag-anak umano siyang nadali rin ng Covid at napakalaki ng nagastos nito sa ospital.
Ayaw ng aktor na maranasan ang nangyari sa kamag-anak na walang naging choice kundi manawagan ng tulong dahil nasaid na ang bulsa sa laki ng gastos.
Lalo pa’t matumal ang mga naging projects during the pandemic. Sapat-sapat lang ang kita sa mga basic needs. Kaya’t kung magkakasakit nga naman ay paniguradong malaking gastusan.
Sino nga ba sa panahon ngayon ang hindi magpa-panic. RT-PCR test palang ay ke mahal na.
Agad din siyang nanawagan kung meron siyang kasamahan na may access sa Molnupiravir, isang gamot na pinaniniwalaang mabisang pamuksa ng Covid-19.
Dahil mahusay makisama ang aktor, agad din namang may tumugon sa panawagan niya kaya’t agad siyang napadalhan ng nasabing gamot ng isang nagmamalakasit na co-actor.
Mabuti nalang at mild symptoms lang naman ang meron ang aktor and at press time ay balitang fully recovered na ito.
Nakaraos na siya sa pangamba na baka ma-ospital siya.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pa-divang aktres, tinanggihang i-manage ng isang talent agency
Aktres na mataas mag-presyo, markado na sa isang producer
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Aktor na na-Covid, nag-panic; natakot sa posibleng gastos sa ospital
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment