Pokwang sa mga gaya niyang COVID-19 positive at nasa isolation: “Laban lang mga mahal ko.”

Ngayong araw, January 12, ay ika-anim na araw na ng quarantine ng komedyanang si Pokwang mula nang magkaroon siya ng Covid-19 virus. Kinakaya naman daw ng kanyang katawan ang sakit dahil nabakunahan daw s’ya. “Dear Covid doo bee dap dap, eto ako nagpapaaraw para lumakas muli at makabawi,” pa-kwelang bungad ni Pokwang sa kanyang Instagram kalakip ang photo n’ya na kinunan sa kanilang rooftop. “Ika 6 days kona ng isolation buti nalang bakunado ako kaya kinaya kita ng bongga!”

PHOTOS: @itspokwang27 on Instagram

Optimistic pa rin ang komedyanang si Pokwang kahit na nag-positive s’ya sa Covid at kasalukuyang naka-isolate para hindi mahawa ang kanyang pamilya. 

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, January 12, sinabi n’yang anim na araw na daw s’yang naka-quarantine. Kinakaya naman daw ng kanyang katawan ang sakit dahil nabakunahan daw s’ya. 

“Dear Covid doo bee dap dap, eto ako nagpapaaraw para lumakas muli at makabawi,” pa-kwelang bungad niya sa IG kalakip ang photo n’ya na kinunan sa kanilang rooftop. “Ika 6 days kona ng isolation buti nalang bakunado ako kaya kinaya kita ng bongga!” 

Nagbigay din s’ya ng words of encouragement para sa mga gaya n’yang inaasahan ng pamilya pero naka-isolate ngayon dahil nahawa sa Covid. 

“Sa mga tinamaan ni pareng Covid doo bee dap dap wag panghinaan ng loob lalo na kapag may pamilya tayong umaasa satin, Laban lang mga mahal ko. [D]asal at tiwala lang kay God oki?” aniya. 

Paalala pa ng actress-entrepreneur, “[I]nom ng maraming tubig, vitamins i doble, suob, wag na muna lalabas kung may nararamdaman na symptoms. [M]ag isolate agad agad oki kapit lang. #ibakapagmaybakuna,” pagtatapos ni Pokwang. 

Kabilang si Pokwang sa mga celebrities na naka-isolate ngayon matapos tamaan ng Covid-19 gaya ng mag-asawang sina Iya Villania at Drew Arellano, her fellow comedienne Candy Pangilinan, actress Ina Raymundo, and more.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Pokwang sa mga gaya niyang COVID-19 positive at nasa isolation: “Laban lang mga mahal ko.”
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment