Xian Gaza, KathNiel naman ang puntirya; tanong ng netizens, obsessed ba siya kay Barbie Imperial?


PHOTOS: @foreverkathniel30 & @BarbieImperialOFC on Facebook; INSET: @christianalbertgaza on Facebook

PHOTOS: @foreverkathniel30 & @BarbieImperialOFC on Facebook; INSET: @christianalbertgaza on Facebook

Mukhang ayaw pang lubayan ng controversial internet personality na si Xian Gaza si Barbie Imperial dahil nagsimula na naman ito sa pang-iintriga sa aktres. 

Matatandaan na umingay at pinag-usapan sa social media ang inilabas na “pasabog” ni Gaza kung saan dawit si Barbie, ang nobyo nitong si Diego Loyzaga, at ang sexy-drama actress na si AJ Raval noong nakaraang taon. 

Diumano’y pumupunta ng Pampanga ang aktor para dalawin si AJ, habang walang kaalam-alam si Barbie. Dinenay ito ni AJ, habang tinawag na “noise” lang ni Diego ang mga pangsa-sabong ni Xian.

Pero ngayong unang linggo ng 2022, heto’t si Barbie na naman ang laman ng mga cryptic posts nito sa kanyang Facebook page. This time, mukhang kay Kathryn Bernardo naman isinasabong ni Xian si Barbie dahil idinidikit nito ang pangalan ni Barbie sa long-time boyfriend ni Kath na si Daniel Padilla.

Sa unang patikim ni Gaza sa kanyang Facebook post noong gabi ng January 5 ay kapwa naka-tag pa sina Barbie at Kathryn. 

“Barbie Imperial neseye ne eng lehet Kathryn Bernardo,” maikling pangto-taunt ni Xian sa kanyang FB post.

Nang madaling araw ng January 6, sinundan n’ya ito ng isang screenshot photo mula sa vlog entry ng Beks Battalion na in-upload sa YouTube last December 23 kung saan ay nangaroling sina Chad Kinis, MC Muah, Lassy Marquez, and their friends sa bahay nina Karla Estrada

Makikita sa screenshot photo si Karla habang nasa bandang likod n’ya ang isang babae na kamukha ni Barbie Imperial.

Tanong ni Gaza sa kanyang caption: “Si Barbie ba yung nasa likod ng mom ni DJ?”

Kunwang pasintabi naman  n’ya sa kasunod n’yang FB post: “Karla Estrada Madam, wala po akong balak siraan yung anak niyo dahil mataas po respeto ko sa mga lalaking kamukha ko. Ang nais ko lang po ay malinawan. 

“Ano pong ginagawa ni Barbie sa bahay niyo? May namamagitan po ba sa kanilang dalawa ni DJ?” diretsong tanong n’ya sa Kapamilya TV host-actress. 

Isa pang screenshot photo pa ang ipinost ni Gaza na mula pa rin sa vlog entry ng Beks Battalion. Dito, tila may pahaging s’ya na hindi daw dapat ipinasisilip sa iba ang laman ng private messages mula sa phone dahil p’wedeng p’wede daw ’yon makarating sa kanya. 

“MORAL OF THE STORY: Huwag na huwag mong hahayaang masilip ng ibang tao yung phone screen mo dahil yung mababasa nilang private message dito ay maaaring mai-chika sa iba tapos pasa-pasa na hanggang makarating kay XIAN GAZA,” pahayag ng aminadong pinaka-Marites na lalaki sa bansa. 

Nag-trending kahapon, January 6, si Xian Gaza dahil dito. Nasaling niya kasi ang damdamin ng mga loyal KathNiel fans. Ayon sa mga ito, matagal nang magka-ibigan si Barbie at ang kapatid na dalaga ni Daniel na si Magui.

Idinipensa ng mga KathNiel fans si Daniel na malabo umanong pagtaksilan si Kathryn na siyang ini-insinuate ni Gaza. Naniniwala silang matatag ang pagsasama ng dalawa at sila, as fans, ay mananatiling hindi mapagpaniwala sa ingay na nililikha ni Gaza.

Ilang netizens din ang nagpahayag ng pagkabahala sa sunod-sunod na pang-iintriga ni Gaza kay Barbie. Tingin nila, obsessed diumano ang internet celebrity sa aktres matapos masaling ang feelings nito noong sinabihan s’ya ni Barbie sa isang old vlog entry na ayaw niya dito dahil “di ba, scammer ‘yon?”

Hindi naman apektado sa New Year, new paandar na ito ni Gaza si Daniel. Pinayuhan pa n’ya ang KathNiel fans na “wag niyo ng pansinin” ang mga pinagsasabi nito sa social media dahil “nonesense” daw ang mga ito. 

SCREENSHOT: @solidkathniel on Instagram

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Xian Gaza, KathNiel naman ang puntirya; tanong ng netizens, obsessed ba siya kay Barbie Imperial?
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment