Inamin ni Kapamilya actor Gerald Anderson na willing s’yang mag-reach out sa dati n’yang girlfriend na si Bea Alonzo at umaasa s’yang mapapatawad s’ya ng aktres.
Ito ang sinabi n’ya sa virtual interview with King of Talk, Boy Abunda, kasama ang mga Init sa Magdamag co-actors n’yang sina Yam Concepcion at JM de Guzman na in-upload sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel kagabi, August 20.
Doon ay natanong kasi si Gerald na kung mabibigyan ba ng pagkakataon ay may balak ba s’yang ayusin ang mga nangyaring isyu sa pagitan nila ni Bea Alonzo, kung saan nadawit din ang girlfriend na niya ngayong si Julia Barretto.
Matatandaang last March 2021 ay naging maingay din ang naging interview sa kanya ni Boy Abunda dahil doon na niya inamin ang matagal ng ispekulasyon ng publiko—na magkasintahan na sila ni Julia Barretto. Doon din niya inilahad kung bakit sila naghiwalay ni Bea Alonzo.
“Sana, Tito Boy,” sagot ni Gerald. “Kung p’wede kong baguhin ’yong nangyari kaso…I mean…Ang hirap, Tito Boy, e. And it’s done. I’ve made mistakes. We both made mistakes.”
Natanong din ang Init sa Magdamag actor kung may plano ba s’yang mag-reach out sa ex n’yang si Bea at sa bago nitong nobyo na si Dominic Roque.
“More siguro kay Bea,” aniya. “I mean, ‘wag na po siguro tayo mandamay ng ibang tao. I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me… Nagho-hope lang po ako, Tito Boy.”
In good place na daw s’ya sa ngayon matapos ang mga pinagdaanan n’yang controversies sa kanyang love life.
“I think kailangan kong pagdaanan ‘yan para makarating ako dito sa state kung saan ako ngayon sa sitwasyon ko,” dagdag-paliwanag ni Gerald sa interview.
“S’yempre, kung hindi p’wedeng dumaan sa ganu’ng klaseng sitwasyon…but that’s life. Hindi ko naman masasabi kung ano’ng mangyayari or hindi ko na mababago ’yong nangyari as much I wish I could. Hindi ko na po hawak ’yon.
“I just can absorb and learn and just move on in life kasi...that’s what life is about, it’s falling down and getting back up.”
Hindi rin pinalagpas ni Tito Boy na matanong ang aktor kung ready na ba s’yang yayaing magpakasal si Julia. Naging vocal kasi ito sa kanyang mga vlog entries na gusto na daw nitong bumuo ng sarili nitong pamilya.
“Alam mo, Tito Boy, gusto ko sagutin ’yan talaga,” sey ni Gerald. “Siguro alam n’yo po kung anong isasagot ko d’yan.
“But dahil siguro she’s still very young and ang dami pa n’yang maio-offer sa industriya natin and ang dami pa n’yang ipapakita sa inyo, sa audience natin. Ayaw ko po maging hadlang doon.”
Kung s’ya lang daw ang masusunod ay tiyak na oo agad ang desisyon n’ya sa kasal.
“If I had my way, of course. Kaso hindi pa kami quota, Tito Boy,” pagtatapos ni Gerald.
YOU MAY ALSO LIKE:
Gerald Anderson, isinama ang nobyang si Julia Barretto sa gift-giving sa Zambales
Julia Barretto, gusto nang magka-pamilya “next year”?
Dennis Padilla, may tagubilin kay Gerald Anderson
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
0 comentários :
Post a Comment