Manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis, kinumpirmang hiwalay na ito kay LJ Reyes; Yen Santos, inabsuwelto sa love triangle angle

Lolit Solis on the Paolo Contis-LJ Reyes separation issue: “Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes, it was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends.”

Photos: @lj_reyes / @ysantos / @akosilolitsolis

Lolit Solis on the Paolo Contis-LJ Reyes separation issue: “Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes, it was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends.”

Ang manager na ng actor na si Paolo Contis na si Lolit Solis ang nagbigay ng kasagutan at kumpirmasyon sa tanong ng Netizens kung hiwalay na raw ba ang mag-partner at mga Kapuso stars na sina Paolo at LJ Reyes.

Base sa ipinost niya sa kanyang Instagram account ngayong araw, August 22, kinumpirma nga nito na hiwalay na ang dalawa. Ang sinasabing dahilan: na-outgrow na umano ang romance sa relasyon ng dalawa. 

“Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes, it was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends,” walang filter na saad ni Lolit sa IG.

At binigyang-diin din niya na wala raw kinalaman ang leading lady ni Paolo sa Top 1 trending movie ngayon sa Netflix na A Far Away Land na si Yen Santos. Sa IG post pa ring iyon ng manager ni Paolo, ipinapahiwatig nito na may karelasyong iba si Yen at huwag na raw itong idamay pa at palabasing third party.

Iyon kasi ang naging duda ng ilang Netizens na iniuugnay si Yen kay Paolo.

“Naku ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yeng Santos Salve. Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yeng Santos noh ! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas , mas shocking pa ang mangyari,” dagdag paglilinaw ni Lolit sa issue. 

“Huwag na natin idamay pa si Yeng Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ noh ! Huwag ng guluhin ang issue, huwag ng magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah hah,” may halong birong dagdag niya.

Narito ang actual Instagram post ni Manay Lolit ukol sa isyu:

“Naku ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yeng Santos Salve. Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yeng Santos noh ! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas , mas shocking pa ang mangyari. Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes , it was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends. Huwag na natin idamay pa si Yeng Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ noh ! Huwag ng guluhin ang issue, huwag ng magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah hah. Stop na natin script sa ending nila Paolo at LJ, huwag ng dagdag subplot para hindi gumulo ang istorya. Ganuon lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story. Bongga di ba Salve at Gorgy, ayaw nyo ng triangle love affair di bah ? Kaya, tapusin na duon ang story. Finish na. Babuuuu !”

Nagsimula ang isyung hiwalayan nina Paolo at LJ dahil sa pagde-delete ni Paolo ng kanyang following sa Instagram at kabilang doon si LJ. Napansin din agad ng Netizens ang pagdi-delete nito ng mga pictures nila LJ sa kanyang account.

Kasunod nito, nasilip din ng Netizens na zero following din si Yen sa kanyang Instagram account. Although mas matagal nang nag-delete ng following si Yen. Na-curios lang marahil ang Netizens at sinilip ang IG nito at saka ini-ugnay na sa pagsi-zero following ni Paolo.

Si LJ naman, for her part, ay nanatiling follower ni Paolo at nag-iwan naman ito ng ilang larawan nila ni Paolo sa kanyang IG.

Nanatiling tikom ang bibig ng mag-partner sa issue. Kahit binabaha sila ng tanong at comments ng Netizens ay deadma ang dalawa.

Ilan sa mga malalapit na kaibigan din ni LJ ang nakakausap ng pikapika.ph at halos iisa ang sinasabi ng mga ito, wala rin silang alam dahil sa ngayon, wala pang anumang sagot o balita rito.

Patuloy namang nanghihinayang ang Netizens dahil masayang pamilya ang naging portrayal nila ever since sa social media at naka-develop ng following ang pagiging “kalog” nilang mag-anak.

Naging magkasintahan sina Paolo at LJ way back in 2015 at taong 2019 nang biniyayaan sila ng anak na babae na pinangalanan nilang Summer.

YOU MAY ALSO LIKE:

Paolo Contis at LJ Reyes, kapwa walang imik sa pag-ulan ng tanong ng netizens kung hiwalay na ba sila

LJ Reyes, hindi kampanteng iwan kay Paolo Contis ang mga anak sakaling magla-lock-in taping siya?

Lolit Solis, kinalasan bilang manager si Mark Herras

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment