AJ Raval at Sean De Guzman, “nagkakitaan na” kaya wala ng ilangan

Parang-sila-pero-hindi—o hindi pa—ang description ni Sean De Guzman sa special friendship nila ng Taya co-star iyang si AJ Raval. “Kami po kasing dalawa ni AJ, ano kami, e, as in close na talaga. Alam mo ’yong konti nalang me gano’n na...me something na, di ba? Hindi ko naman sinasabi na kami pero parang ganu’n ’yong level ng samahan namin. Parang wala talaga kaming ilangan sa isa’t isa.”

Photos: Vivamax

Parang-sila-pero-hindi—o hindi pa—ang description ni Sean De Guzman sa special friendship nila ng Taya co-star iyang si AJ Raval. “Kami po kasing dalawa ni AJ, ano kami, e, as in close na talaga. Alam mo ’yong konti nalang me gano’n na…me something na, di ba? Hindi ko naman sinasabi na kami pero parang ganu’n ’yong level ng samahan namin. Parang wala talaga kaming ilangan sa isa’t isa.”

Sa second virtual press conference ng Taya, muling natanong ang mga bidang sina Sean De Guzman at AJ Raval kung paano nila naalis ang ilang factor sa tuwing sasalang sila sa mga daring sexy scenes. 

At ayon kay AJ, sa Nerisa palang, ang pelikulang pinagbidahan naman ni Cindy Miranda, nag-usap na sila nang masisinsinan about it—na as magkapareha sa mga ganoong hubarang eksena, kailangan din muna nilang hubarin ang mga natitira pang inhibitions nila sa katawan. It’s a commitment to the craft and to the project na ino-ohan nila.

May isang mainit din kasi silang eksena sa Nerisa. Testing the water of sort bago sila i-launch as sexy tandem sa Taya.

Sa Nerisa palang po nag-usap na kami na maging open kami sa isa’t isa,” paliwanag ni AJ. “Sweet po kami on cam and off cam, wala pong wall. Para maganda po kalabasan no’ng eksena.”

Dagdag pa niya, it helped na maka-wavelenght talaga ang personalidad nila kaya hindi naging mahirap kumampante.

“Isa pa po, nakikita rin po namin ’yong mga sarili namin sa isa’t-isa” pahabol ni AJ. “Sa pagiging makulit, kalog…ayon.”

Napanood na namin ang Taya sa special press screening. At napatunayan naming wala na nga ni katiting na inhibitions between AJ and Sean. Parang wala ng camera kung mag-intimate moment sila, huh! Kung ano ang hiningi, ibinigay nila. Kaya masasabi naming sugapa din sa libido ang pelikulang ito. 

Balik sa press con, nagdagdag pa kasi si Sean sa sinabi ni AJ. Aniya, sa bilis ng pag-level up ng friendship nila ni AJ, p’wede mo nang pag-isipan na sila na kahit hindi pa. At dahil do’n, wala ng ilang-ilang pa. 

“Kami po kasing dalawa ni AJ, ano kami, e, as in close na talaga,” elaborate ni Sean. “Alam mo ’yong konti nalang me gano’n na…me something na, di ba? Hindi ko naman sinasabi na kami pero parang ganu’n ’yong level ng samahan namin. Parang wala talaga kaming ilangan sa isa’t isa.”

At ang wapak na dagdag niya na ikinatawa ng lahat: “Kasi nakita ko na ’yong kay AJ, nakita na niya ’yong sa akin…so, wala nang ilangan talaga.”

Sumundot din si AJ: “Nagawa na po namin lahat…isa nalang po ’yong hindi namin nagagawa…”

“’Yong matuloy…Joke lang! Hahaha!” malupit na salo ni Sean

Ang Taya ay tungkol sa isang film documentary student na in dire need of a kakaibang topic for his project. He will chance upon an old buddy (Pio Balbuena) na magi-introduce sa kanya sa underground online gambling world ng pa-ending, kung saan ang premyo ranges from digital cameras to guns to women (one-night stand). 

Nataon na isa sa “pa-premyo’ng” babae ay ang matagal na niyang pinagpapantasyahang schoolmate (Jela Cuenca) kaya na-adik siyang tumaya.

When he finally won, ibang babae ang ipinadala sa kanya, si Nanette (AJ Raval) na kai-inlaban niya to the point na gugustuhin niya itong ilayo sa sindikatong nagpapatakbo ng online gambling den.

Dito na papasok ang nakakahilong juxtapositions ng mga violent at sexy scenes.

But will he succeed?

Ngayong araw na, August 27, ang “opening” streaming ng Taya sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, at Vivamax.

Watch Taya and more blockbuster movies and shows when you subscribe to VIVAMAX. Subscribe using VIVAMAX app via Google Play Store and App Store. For only P29, you can unli-watch for three days, P149/month, and P399 for 3 months for bigger savings! You can pay through GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya or PayPal account that’s linked on your Google or Apple account. 

You can also subscribe at web.vivamax.net, select a plan and you can pay through EC Pay outlets: 7 Eleven, and All Day, or through PayMongo, GrabPay, and GCash or through PayMaya.

YOU MAY ALSO LIKE:

Sean De Guzman, inaming tinablan sa isang ka-intimate scene; AJ Raval, binistong siya ’yon

First Look: Stills from the AJ Raval and Sean De Guzman’s erotic thriller, TAYA

Exclusive: Taya star Sean De Guzman answers pikapika’s Random (naughty) Questions

AJ Raval, napikon sa “virginity” question sa press conference ng Taya

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment