Mainit-init pa sa pagkakasalang sa streaming platform na Vivamax ang psychological thriller na The Other Wife, kung saan gumanap si Rhen Escaño bilang isang scheming third wheel opposite Lovi Poe and Joem Bascon, ay heto’y may panibagong Vivamax movie na naman siya, ang erotic romance na Paraluman, this time with come backing actor Jao Mapa.
Ani Rhen, na-challenge siya sa character niya bilang Mia dahil may pagkakapareho ito sa character ni Ellen sa erotic thriller namang Adan two years ago.
Mia and Ellen are both barrio lasses na walang muwang sa love and lust. Ultimo buhok daw ay pareho. Naiba lang in the sense na isang lesbian (Cindy Miranda) ang pumukaw sa kanyang carnal instincts sa Adan habang sa Paraluman, isang older man naman (Jao Mapa) ang babasag sa kanyang innocence.
Nagpa-guide nalang daw siya sa kanyang writer-director na si Yam Laranas para maiba niya ang characterization ni Mia sa Paraluman, both in speech and actions.
Conscious daw siya all the time and she always asks Direk Yam, who is the creator of Adan, after each take kung naiba ba niya. And Rhen, being the good actress that she is, managed to pull off a new character.
Bukod sa age-gap factor nila ng character ni Jap (Peter) sa story, isa pa sa dilemma kakaharapin ni Mia is the fact na makakasira siya ng relasyon as Peter is already set to be married to Giselle (Gwen Garcia) until he met her. Doon palang, makakahugot na si Rhen ng emotions not present in Adan’s Ellen.
Isa iyan sa malalim na napag-diskusyunan sa online media conference ng Paraluman kamakailan.
Pero sa kabilang banda, nahingan din ng reaksyon si Rhen tungkol sa pagpasok ni Julia Montes sa FPJ’s ang Probinsyano, na naging tahanan niya for over a year as the initially annoying Clarisse Padua.
Aniya, nandoon pa raw siya sa cast ay nadidinig-dinig na niya ang planong pagpasok ni Julia sa show. At that time daw, na-excite siya nang husto dahil akala niya ay mag-aabot pa sila ni Julia doon.
“Before, actually nadidinig-dinig ko na po talaga papasok po si Julia and na-excite po ako doon,” tila may halong-kilig na k’wento niya. “Akala ko po maabutan ko siya kasi hindi ko pa siya nakaka-work. So, ni-look forward ko ’yon—na baka maubutan ko siya. And ngayon, natuloy siya parang sayang hindi ko po siya naka-work, hindi ko s’ya nakasabay doon sa Probinsyano.”
But she’s as excited daw as the CocoJul fans.
“Nakaka-excite kasi for how many years hindi nila nakita si Coco and Julia together so parang na-hype up ’yong mga tao na parang finally makikita nila ’yong dalawa onscreen.”
“And sure ako…sure talaga ako na kaya siya nilagay sa show dahil may malaking mangyayari. Sure po ako doon,” dagdag niya na parang may alam na inside story.
March 11 ng taong ito ipinalabas ang “pagkamatay” niya sa show na isa sa most-watched episodes ng Probinsyano. Kung p’wede lang daw niyang dalawahin nang katawan niya para magpatuloy pa rin sa show and at the same time ay maka-attend sa iba pa niyang commitments ay gagawin niya. Pero may mga kailangan na kasi siyang tuparin na ibang trabaho kaya it became necessary for her to let go of the show.
“Kung panghihinayang lang, hindi naman po mawawala ’yon kasi para sa akin hindi ko naman po dini-deny ’yon na sobrang thankful po ako na naging part po ako ng show.
“Pero, of course, merong kailangan i-prioritize and thankful and happy po ako naging part po ako noon at ngayon sure po ako and vocal naman din si Coco, happy siya kung ano ’yong mga ginagawa ko ngayon. And nakakatuwa kasi nandoon pa din ’yong friendship naming lahat. Wala pong nagbabago until now.”
Thanks to online group chats dahil kahit papaano ay naka-loop pa rin siya sa tropa.
“Of course na-miss ko silang lahat, s’yempre nami-miss ko silang lahat—as in sobrang na mi-miss ko sila,” may gigil na tsika ni Rhen.
“And happy po ako na until now, hindi pa rin napuputol ’yong communication namin. Halos araw- araw nagkukulitan kami online. Nakaka-message ko sila. Meron kaming group chat, ganyan.
“So, nandoon pa din ’yong lagi kaming nag-uusap. Pag after nila sa lock-in, p’wede kaming magkita, mag-coffee, ganyan. And natutuwa ako na six years na po nila ngayon.”
Sayang nga lang daw talaga at hindi sila nag-abot ni Julia dahil isa ito sa dream niyang maka-trabaho dahil nagagalingan daw siya sa ka-loveteam ni Coco. Kaya sana raw, in the future ay mangyari pa rin iyon.
“Of course nandoon naman po ’yong gusto ko po talaga s’yempre maka-work ’yong mga nilu-look up kong mga actor. Gustong-gustong-gusto ko po talaga siya. Nagagalingan po ako talaga sa kanya. Sobrang vocal din po ako doon. So, sana magkaroon ako ng chance na maka-work siya.”
Samantala, ang Paraluman movie niya ay nakatakdang ipalabas sa Vivamax on September 24.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
YOU MAY ALSO LIKE:
Look: Rhen Escaño is one captivating “Paraluman” in Vivamax’s latest offering
Rhen Escaño, kinikilig sa comments na “Next Lovi Poe,” pero…
EXCLUSIVE: Rhen Escaño, walang pumapansin noon, hataw sa trabaho ngayon
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
0 comentários :
Post a Comment